SINULYAPAN ni Ndrew ang wristwatch niya. Ilang minuto pa lamang naman ang nakakaraan pero pakiwari niya ay sobrang tagal na niyang naghihintay sa return call ni Elvira.
Lumabas pa naman siya ng ospital dahil hindi siya pinahintulutan na makigamit ng telepono sa loob dahil available lamang ang mga iyon para sa mga medical o emergency purposes.
Malayo pa ang inilakad niya bago siya nakahanap ng teleponong maaaring magamit. Sa malas ay wala siyang nakitang payphone sa kalapitan doon sa ospital. Mabuti na lamang at ang may ari ng maliit na corner shop na kinaroroonan niya ngayon ay pumayag na makigamit siya ng telepono.
Hindi na siya mapakali. Ewan niya pero lubha talaga siyang nababalisa. Hindi maalis sa isip niya si Elaina.
Nasa malalim siyang pag-iisip sa dalaga nang marinig niya ang tun……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.