KANINA pa sa banyo si Ndrew kaya naman napilitan siyang katukin ito. Bumalik na lang sa higaan ang ama niya sa kakahintay rito at baka nga nakatulog na ulit.
Ginagawa nito ito marahil para makaiwas sa kaniyang ama at hindi mapag-usapan ang totoong dahilan ng pagsunod nito rito sa lungsod.
Kinatok niya ang pintuan sa banyo. "Kuya Ndrew, ano na? Humihinga ka pa ba riyan?"
Walang sagot. Hindi kaya nangisay na ito sa loob dahil sa liit ng espasyo ng kanilang banyo? O kaya naman sa labis na duming kumapit dito buhat sa kanal ay nahimatay na ito.
Muli niya itong kinatok. "Kuya Ndrew? Ang tagal mo na riyan sa loob, huwag mo paghintayin si Papa sa pag-uusap n'yo dahil mapupuyat siya, eh. Maaga pa s'ya bukas sa trabaho.”
Hindi pa rin ito sumagot o lumikha ng kahit na anong ingay sa loob.
Napakunot……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.