8 - Hospital

Underneath Her Clothes 1837 words 2021-09-03 09:14:52

NAKATULALA  si Ndrew sa mga baka at kabayong nakakalat sa kalawakan ng rancho. Nakasakay lang siya sa kaniyang kabayo na si Abilo.

Malalim ang iniisip niya. Nai-stressed siya sa kanila Adrian at Elaina. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin sa kapatid para lang magtino ito. Kung hindi lang niya iniisip ang namayapang ama baka matagal na niyang sinukuan si Adrian John.

Naging mabuti sa kaniya ang ama niya kahit pa nga nagkaroon ito ng iba pang babae sa buhay nito matapos mamayapa sa brain cancer ang ina niya.

Nanatili ang respeto ng kaniyang ama sa ina niya sa kabila ng lahat. Bilang respeto sa namayapa niyang ina ay hindi nito inuwi roon sa hacienda ang ina ni Adrian, at para na rin sa nararamdaman niya, hindi rin nito ito ipinakita sa kaniya.

Gayunpaman, bago pumanaw ang ama niya ay pinakiusap nito si Adrian sa kaniya, at mahigpit na pinagbilin na huwag niya itong pababayaan.

Sa kabuuang yaman na minana niya sa kaniyang ama ay napunta kay Adrian ang zero point twenty-five percent niyon, pero hindi nito iyon pinahalagahan.

Winaldas nito ng ganoon na lang ang kayamanang minana nito sa kanilang ama. Pati ang parte nito sa hacienda ay ibinenta nito. Ngunit dahil ala-ala iyon ng kaniyang ama, hindi niya ninais na mapunta iyon sa iba. Kaya naman nagbayad siya ng halos doble mabawi lamang ang bahaging iyon ng hacienda. Tapos heto si Adrian, may panibagong sakit na naman sa ulo ang ibinigay sa kaniya.

Ilang babae na nga ba ang iniuwi nitong buntis sa hacienda? Napabuntong-hininga siya bago napailing.

Nasa ganiyang ayos siya nang mapansin ang dalawa sa mga ranchers na nagkukuwentuhan habang abala sa pagtatrabaho.

"Ewan ko ba sa isa kong binata. Iniuwi niya sa bahay ang nabuntis niyang girlfriend tapos lumuwas ng Maynila, ngayon ay tatlong buwan nang nakapakanak ang babae pero hindi na niya binalikan at hindi na rin sinusustentuhan, ang katuwiran hindi naman daw siya ang ama ng bata. Pero ang siste ka, kamukhang-kamukha naman niya. Ngayon 'yong isa kong binata ang sumusuporta sa mag-ina, instant daddy tuloy ang bunso ko," kuwento ni Mang Manuel sa kausap nitong si Mang Randy.

Natawa ang huli tapos ay tinapik sa balikat ang una. "Hayaan mo na, masarap ang magkaroon ng apo, saka napakasarap sa pakiramdam kapag may ingay ng sanggol sa tahanan," sabi nito.

Hindi siya nakakibo matapos marinig ang usapan ng dalawa bagama't napaisip siya.

Kumibo lang siya nang maagaw ang atensiyon niya ng paparating na kabayo sakay si Robbie.

"Señorito Ndrew, si Elaina raw po ay lipos-lagnat," medyo malayo pa ay sigaw na nito.

Napatingin dito ang dalawang ranchers na nag-uusap kanina. Siya naman ay pinatakbo ang kabayo upang salubungin si Robbie.

"Bakit kailangan mo pang ipaalam sa akin? Si Adrian ang dapat mong kausapin," malamig ang boses na sabi rito nang makalapit sila sa isa't isa.

"Umalis na po si Señorito Adrian," kaagad nitong sabi na siyang nagpasaltik sa kaniyang mga bagang.

'Adrian!' nanggigigil na sigaw niya sa isip.

Nakapuslit na naman ang tarantado niyang kapatid.

•••

"KUMUSTA siya?” tanong kaagad niya sa ob-gyne doctor nang makita itong lumabas sa silid para sa prenatal consultation.

Hindi siya aware sa labis na pag-aalala na nakalarawan sa kaniyang mukha nang mga sandaling iyan.

At bakit hindi siya mag-aalala? Gayong may contribution siya kung bakit nagkaroon ng sakit itong si Elaina.

Tiningnan siya ng doktora at lumapit sa kaniya. "Mayroon s'yang flu…and flu can be dangerous during pregnancy, dahil pinababa nito ang immune system ng isang buntis, maaari itong makaapekto sa baby ninyo kagaya—"

"Hindi ako ang ama ng baby," putol niya rito. "Pero gusto kong malaman kung magiging okay ba ang baby," diretsong tanong niya sa malamig na tono habang nakatitig dito.

Napatitig din sa kaniya ang doktora bago naipasok sa bulsa ng suot nitong medical coat ang mga kamay.

"She'll be fine with the baby," tugon nito na noon ay nakatitig pa rin sa kaniya. "There are antiviral medication na maaaring ibigay sa kaniya para maging okay s'ya, pati na rin ang baby niya."

"Mabuti kung ganoon," kaagad niyang sabi matapos nitong magsalita. May bahid ng pagkayamot ang kaniyang tono.

"Mr. Montana, kaanu-ano ka ng patient kung ganoon?" kaagad ding tanong nito sa kaniya, binalewala ang dating ng pananalita niya.

Natigilan naman siya. Kilala siya nito? Samantalang ngayon pa lang niya ito nakita at ‘ni hindi pa naman niya naibibigay rito ang personal na impormasiyon niya.

"Yes," nabasa nito ang nasa isip niya. "Bilang lang marahil sa mga daliri sa kamay at paa rito sa lalawigan natin ang hindi nakakakilala sa nag-iisang lehitimong anak ng isang mabuting haciendero na si Señor John. But, anyway, kaano-ano mo ang patient?"

"Girlfriend siya ng half-brother ko," tugon niya bagama't iniisip pa rin ang mga sinabi nito tungkol sa kaniyang ama.

"So, sister-in-law mo s'ya," hindi patanong ang tono nito.

"Girlfriend s'ya ng half-brother ko," ulit niya sa sinabi niya.

"Yeah, girlfriend s'ya ng half-brother mo at tiyak na magiging sister-in-law mo na s'ya dahil buntis na siya, tama ba ako?"

Nakadama siya ng pagkainis kaya iniiwas niya ang tingin buhat dito.

Bakit ba parang may pagka-tsismosa na nga ito ay pakialamera pa?

"Mr. Montana, maaari ko po bang makausap ang kapatid mo?" kapagkuwa'y narinig niyang tanong nito.

"He's not here, nasa Maynila siya I guess."

Natigilan ito habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Kung ganoon, ikaw na lang ang kakausapin ko. Ikaw na lang ang bahalang magpaliwanag sa kapatid mo. Bibigyan ko si Mommy Elaina ng mga bitamina upang makabuti sa pregnancy niya at bibigyan ko rin siya ng flu shot—"

"Flu shot?" putol niya rito. "Buntis siya—"

"A flu shot can protect pregnant women," ito naman ang pumutol sa kaniya. "Their unborn babies and even the baby after birth, not to worry, the vaccine is safe and can be given at any time."

"Safe naman pala, bakit kailangan mo pang ipaalam sa kung kanino? Nasa tamang edad na s'ya, hindi na kailangan ng consent ng kung sino. Give her the flu shot!" asik niya sa doktora.

Napagdiin ng doktora ang sariling mga labi at hindi napigil ang mapabuntong-hininga sa harap niya. Halatang napikon ito sa kaniya, sa inasal at mga sinabi niya.

Lumarawan sa mukha nito ang pagkairita pero wala siyang pakialam.

"Okay," wika nito na sinabayan pa ng marahang pagtango. "I’m Dra. Angelina Salceda, an Ob-gyne specialist. I’ll instruct the nurse to take her directly to the patient ward for admission. This is essential to ensure her recovery is expedited. Maaari mo siyang silipin if you have time. Nangangailangan ang isang buntis ng malasakit at maayos na pagtrato, dahil ang mga babaeng nagdadalantao, nagiging sensitibo. Excuse me," mahabang sabi nito saka siya tinalikuran.

Napasunod siya ng tingin dito.

Bakit kailangan siya nitong pagwikaan? Siya ba ang tatay ng baby ni Elaina? Alam naman nitong hindi, 'di ba?

Si Adrian, ito ang dapat na nili-lecture-an tungkol sa bagay na ito at hindi siya. Lalo tuloy siyang nabubuwisit kay Elaina at Adrian.

Ano ba ang dapat niyang gawin para mawala na sa poder niya si Elaina at hindi na siya naaabala pa kagaya ngayon?

Imbes sana ay marami pa siyang nagagawa sa plantasyon ngayon ay hindi at narito siya nakaantabay sa kalagayan nito.

Pagkaraan ng ilang sandali ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na cargo pants at naisip na tawagan ang kanilang family lawyer.

•••

IMINULAT ni Elaina ang kaniyang mga mata. Medyo magaan na ang pakiramdam niya ngayon.

Nang iligid niya ang paningin ay si Ndrew ang kaagad na nakita. Nakaupo ito sa couch na nasa kanang bahagi ng kaniyang kinahihigaan. Nakapikit ang mga mata nito at anyong natutulog.

Muli niyang iniligid ang paningin sa pag-aakalang naroon din si Adrian pero hindi niya ito nakita.

Kaagad siyang bumangon pero natigilan siya nang makita ang dextrose sa kaniyang kamay.

Sinubukan niya itong tanggalin pero maagap siyang napigilan ni Ndrew.

"Ano'ng ginagawa mo?" asik nito habang pigil siya sa magkabilang braso.

"Si Adrian?" tanong niya imbes tugunin ito.

Hindi ito sumagot bagkus ay napatitig sa kaniya.

"Mabuti na ang pakiramdam ko, puwede na kaming lumuwas ni Adrian. Pakisabi naman sa kaniya," mahinang sabi niya at tinangkang bawiin dito ang kamay pero pinigil siya nito.

"Umalis na siya," sabi nito sa malamig na tono.

Para siyang nanlata sa sinabi nito at hindi napigil ang agarang pamamasa ng mga mata.

Umalis na si Adrian at iniwan siya, ganoon nga ba?

"Magpalakas ka para makauwi sa 'yong pamilya," narinig niyang sabi pa ni Ndrew. Malamig lahat dito nang sabihin iyan. Para itong buhay na patay na walang kaemu-emosyon.

"Hihintayin ko siya, babalik siya para sa amin ng baby niya," pantay ang boses na sabi niya.

"Sad to say but, kagaya nga ng sabi sa isang kanta. Isa kang hangal who fell in love with your own dream." Binitawan siya nito at kumilos upang lumayo pero bago pa iyon ay maagap na nakadapo ang kanang palad niya sa mamula-mula nitong labi mismo.

Awtomatikong nagdilim ang anyo nito dahil sa ginawa niyang pagsampal sa labi nito. Pero masuwerte siyang wala itong ginawang kahit na anong kilos upang gantihan siya.

"Your mouth is too chatty, Señorito Ndrew. Mabuti sana kung maganda ang mga lumalabas d'yan sa bibig mo," mahinahon lang namang sabi niya pero bakas sa anyo niya ang pagkainis.

Okay sila ni Adrian, hindi sila nagkaroon ng negatibong pag-uusap kanina kaya ano ba ang mga pinagsasasabi nito?

"Masakit talaga ang katotohanan, kaya kung nasaktan ka, wala kang magagawa kun'di tanggapin," malamig ang boses na sabi nito saka kumilos at iniwan siya.

Hindi siya nakapagsalita at nagkasyang sundan ito ng masamang tingin hanggang sa makalabas sa pintuan.

‘Bruho talaga ang lalaking ito!’ sa isip niya.

Walang kapasi-pasintabi kung magsalita. Sasabihin lahat ng nais sabihin kahit makasakit pa ng kapwa. Hindi man lang marunong magsa-alang-alang sa damdamin ng iba.

Nang mawala ito sa paningin niya ay sinapo niya ang kaniyang dibdib. Para iyong sasabog sa sama ng loob, at hindi niya napigil ang mapaiyak.

Nasaktan siya sa sinabi ni Ndrew, marahil nga ay totoo ang sinabi nito.

Umalis na ba talaga si Adrian? Wala man lang ba itong iniwan na mga salita para panghahawakan niya?

•••

SA LABAS ng ospital ay walang ginawa si Ndrew kun'di kontakin ang numero ni Adrian. Sagad talaga ang panggigigil niya sa ginawa nitong paglayas basta na lang.

Hindi nga siya nagkamali ng iniisip niya. Nais tuloy niyang magsisi. Sana pala ay hindi na lang siya umalis kanina at binantayan ang kapatid hanggang makaalis kasama si Elaina.

Muli niyang tinawagan ang kapatid pero hindi talaga nito sinasagot ang tawag niya.

"Buwisit!" galit na sigaw niya sabay hataw ng kaniyang cellphone sa parking lot floor. Wasak iyon at nangalat ang parts.

Nakuha niya ang atensiyon ng ilan sa paligid pero binalewala niya ang mga ito.

'Ano bang klaseng pag-iisip ang meron ka, Adrian?!' nagpupuyos sa galit na tanong niya sa kaniyang isip.

Naisuklay niya sa cool layered hair niya ang mga daliri sa mga kamay habang sinisikap na hamigin ang sarili.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.