ANG pagkalam ng sikmura ni Elaina ang gumising sa kaniya buhat sa mahimbing niyang tulog.
Tiningnan niya ang oras sa desk clock na nakapatong sa bedside cabinet at nakita niya na mag-aalas dose pa lamang ng hatinggabi.
Medyo maaga silang naghapunan kanina tapos ay kaunti lamang ang kinain niya dahil naaalibadbaran siya sa presensiya ni Savanna. Kaya naman tinapos niya kaagad ang pagkain. Kanina ay sila lamang nito ang magkasabay na maghapunan dahil hindi pa nakauwi si Ndrew buhat nang umalis kasama ni Atty. Samuel.
Bumangon siya at umibis sa kama.
Nang makalapit siya sa pintuan at pipihitin na ang seradura ay natigilan siya nang may maalala.
Nasa rules ni Ndrew John na bawal lumabas ng silid at magpalakad-lakad sa loob ng mansion ng ganitong oras ng gabi.
Pero ano'ng gagawin niya? ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.