GABI na nang makauwi si Ndrew buhat sa ospital at sa silid ni Elaina siya dumiretso.
Napasukan niya itong nakahilata sa kama habang hawak ang cellphone at abala ang mga mata roon kaya naman nang pumasok siya ay sinulyapan lamang siya nito at muling itinuon doon ang atensiyon.
Lumakad siya palapit sa kama at huminto sa gilid niyon mismo. "Alam ko na may galit ka kay Savanna," simula niya, "at naiintindihan ko iyon pero dapat sana ay inisang-tabi mo na lang muna. Alam mo naman kung ano'ng kalagayan niya, 'di ba? Paano pala kung hindi ko siya pinaakyat kay Minda kanina, eh 'di nagkaanak na siya sa balcony na walang nakakaalam!" galit niyang kompronta sa dalaga.
Nanganak na si Savanna kanina bandang alas sais ng hapon, mas maaga kaysa sa petsang inaasahan. Kanina pa niya tinawagan si Adria……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.