"OH my gosh, Elaina! Ayaw pumayag ni Timothy na hindi mo bayaran ang nabasag mo!" balisang sabi ni Melissa sa kaniya nang balikan siya nito sa balcony. "Kinausap ko na siya pero ayaw talaga niyang pumayag."
Nasapo nila Cassie at Jeaneth ang kani-kanilang bibig habang siya ay kabado pa ring nag-iisip kung ano ang gagawin niya.
"Kaya pala walang kasambahay 'yong boyfriend mo, Melissa, kase masama ang ugali niya," nakaismid na sabi ni Jeaneth dito.
"Sshh…" saway rito ni Melissa.
"Guys, mag-isip na lang tayo. Lumalalim na ang gabi at kailangan na nating makauwi,” si Cassie na alumpihit ang p'wet sa pagkakaupo sa gilid ng jacuzzi.
Parang pinipiga na ang utak niya habang sa dibdib ay naroon ang tila mga yabag ng kabayong nag-uunahan dahil sa labis na kaba.
Kanino siya lalapit ngayon? Kay Adr……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.