HINDI sigurado si Ndrew kung inis ba ang bumangon sa dibdib niya nang sapitin niya ang bukana ng hacienda at makita si Elaina katabi ang anak ng Gobernador na si Graysen. Nakatayo ang mga ito sa labas ng gate pati na rin ang driver at bodyguard nito.
Sa tulong ng maliwanag na ilaw sa mga posteng naroon sa paligid ay kaagad na nagtama ang mga paningin nila ni Gray. Saglit silang nagsukatan ng tingin.
"Buksan n'yo ang gate,” parang yelo ang boses na utos niya sa mga guard niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Gray.
Kaagad na sinunod ng mga ito ang utos niya at binuksan ang malaki at mataas na gate. Sa pag-hiwalay pa lamang ng nakapinid na dahon ng gate ay kaagad ng tumakbo palapit sa kaniya si Elaina.
Bahagya pa siyang nabigla at naalog sa kinatatayuan nang yumakap ito sa kaniya……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.