"WHAT made you choose her samantalang may ilan nang nauna before her?" tanong ng family lawyer nila na si Samuel nang makapasok sila sa study room niya.
Hindi siya kaagad nakasagot at napaisip din sa sarili.
"Ndrew?" untag nito sa kaniya.
Tiningnan niya ito. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang eksaktong sagot pero…isa sa mga dahilan kung bakit naisip ko ito ay dahil dumepende ako sa mga sinabi mo sa akin tungkol sa pamilya ni Elaina," pantay ang tonong sabi niya habang malamig ang mga matang nakatitig dito.
Napatitig din sa kaniya si Sam at tila ina-analisa pa siya base sa kaniyang mga sinabi.
"Ndrew, I totally get where you’re coming from, and I see your perspective. Pero, bakit hindi mo subukan ulit—"
"Sam, please, ayaw ko na marinig," umiiling na putol niya rito sabay lakad palapit s……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.