WALANG kumikibo sa kanila Ndrew at Gray habang magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. Madilim na noon ang paligid ngunit tila wala pang may nais mag-angat ng mga pang-upo buhat sa kinauupuan. Kapwa nagpapakiramdaman, nagpapaligsahan.
Ang mga magulang ni Elaina ay nakikiramdam lamang din habang nakikipag-kuwentuhan ng kung anu-ano na lang dito sa dalawa.
"S'yanga pala," pagkaraa'y sabi ng kaniyang ama. "kung hindi ninyo mamasamain. Ano pala ang sadya ninyo dito sa amin?" hindi na nakatiis na tanong nito sa dalawa.
"Ah, ako po, Sir," si Gray ang mabilis na sumagot. "Nakiusap po si Elaina sa akin na ihatid dito sa inyo, kaya po naririto ako."
Tiningnan niya si Ndrew, parang nakadama siya ng pagka-atat sa isasagot nito sa tanong ng kaniyang ama.
Tumingin ito ng diretso sa ama niya.
"Lumayas si……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.