LUMAKAD si Savanna palapit sa kaniyang sasakyan. Tinted ang windscreen ng sasakyan niya kaya tiyak na hindi siya nito nakikita habang tinitingnan niya ito sa paglapit.
Medyo mabagal ang paglakad nito, nag-iingat dahil buntis ito.
Habang tinitingnan niya ito sa paglalakad palapit sa sasakyan niya ay hindi niya maikakaila sa kaniyang sarili na mayroon pa rin siyang kaunting paghangang nadarama para rito.
Napakaganda nitong buntis. Para itong diyosang buntis sa pastel yellow nitong maternity dress. Litaw na litaw ang maputi at makinis nitong mga balikat gayundin ang magagandang mga binti.
Napakaaliwalas nitong tingnan sa maliwanag na kapaligiran dahil sa sikat ng araw nang umagang iyon. Bahagya pang nililipay-nilipay ng hangin sa bawat paghakbang nito ang ilang hibla ng hanggang balikat ni……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.