MABILIS na naitakip ni Elaina sa kaniyang dibdib ang damit na isusuot na sana niya nang bigla na lang bumukas ang pintuan at iluwa si Ndrew John.
Malamig ang mga mata nitong tumitig sa kaniya. Napalunok siya habang sinasalubong ang mga titig na iyon.
"Alam mo ba hindi mo ako maaaring titigan kung wala akong pahintulot!?" paasik nitong tanong sabay hakbang papasok.
Muli siyang napalunok bago iniiwas ang mga mata rito. "H-Hindi mo ba alam kung paano kumatok?" lakas-loob na paninita rito. "Nagbibihis pa naman ako," tapos ay asik niya.
Hindi ito nagsalita kaya muli siyang tumingin dito at nakita niyang lumakad ito patungo sa walk-in closet kaya naman kaagad niyang nahulaan ang gagawin nito.
Kumabog ang dibdib niya sa biglaang pagbulusok ng galit at sama ng loob dito. Wala siyang pakialam kah……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.