NAPABILING ang ulo ni Elaina nang may kung ano'ng maramdaman sa ibabang bahagi ng katawan niya. Naulit iyon hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya.
Iminulat niya ang mga mata at muli pang napapikit nang masilaw sa liwanag na lumalagos sa nakahawing kurtina ng glass-wall window. Ngunit kaagad din siyang napamulat muli nang maramdaman ang sunud-sunod na pagpitik sa kaniyang puson.
Kaagad niyang inalis ang kumot sa ibabang bahagi ng katawan at bahagyang inililis paibaba ang kaniyang pajama upang makita ang puson niya.
Napunit ang hindi matatawarang ngiti sa kaniyang labi kasabay ang pag-apaw ng kaligayahan sa kaniyang puso nang makita ang bawat pag-angat ng balat sa kaniyang puson dahil sa pagpitik ng baby niya.
Tuwang-tuwa siya. Sa labis na tuwa ay napa-ibis siya sa kama at nagmamada……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.