“HINDI ka na nakapagsalita? Tama ba ang nasa isip ko, Angelu?” tanong ni Timothy dahilan para umiwas ng tingin si Angelu sa binata.
“A-anak? Ano bang pinagsasabi mo?” balik niyang tanong kay Timothy at bumuga ng hangin sa bibig. “Masiyadong malayo na ang narating ng pag-uusap natin at sa tingin ko ay dapat na natin itong tapusin—“
“Nag-uumpisa pa lang tayo, Angelu! Hindi matatapos ito kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo ‘tungkol sa kambal—“
“Hindi ikaw ang ama ng mga anak ko!” sigaw niya kay Angelu.
Hindi na rin naman ni Angelu maipagkakaila na may kambal siyang anak dahil alam na rin naman ni Timothy at nag-imbestiga ito kaya bakit pa niya itatanggi. Ang tanging dapat na lang niyang itanggi sa binata ay ang inaakala nitong ama ito ng dalawang bata para masiguradong hindi pagplanu……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.