Chapter 6

The Twins' Father 2218 words 2023-05-07 08:25:28

PARANG natuod si Angelu sa kinatatayuan nang makilala kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon habang karga ang anak at tumutulo ang mga luha sa mga mata. Nakatitig sa kaniya ang lalake habang nakasuot ng ripped jeans, black na T-shirt at puting rubbershoes.

Walang iba iyon kundi ang may-ari ng mall na ito na si Jung Timothy Kim at kinakabahan siya ngayon dahil kasama niya ang anak niya ngayon. Natatakot siya na baka malaman kaagad ni Timothy na may anak sila. Kung wala man pakealam si Timothy sa kaniya baka iba naman ito pagdating sa mga anak nila at kunin nito sa kaniya ang mga anak kaya napalitan ng takot ang kabang nararamdaman niya ngayon.

“Nagkaanak ka na pala, Angelu?” tanong ni Timothy sa kaniya saka napangiti na ikinagulat niya.

Nagtataka si Angelu ngayon sa inaasta ni Timothy dahil hindi katulad nang una niya itong nakita kahit sa pangalawang beses pa na nagkita sila na talagang pumunta pa muli ito sa shop nila ay seryoso ito sa pagharap sa kaniya kahit sa mga kasama niya sa shop saka hindi pormal ngayon ang suot ni Timothy hindi kagaya nang nagpunta ito ng dalawang beses dahil naka-ripped jeans ngayon si Timothy, sleeveless T-shirt a kulay black kaya kitang-kita ang muscle nito sa braso at nakasuot ng rubber shoes.

Mukhang hindi pumunta si Timothy rito para magtrabaho dahil sa suot nito ngayon.

“I saw this child being pulled by the woman, but I was surprised because she was crying and always called her mother, so I approached her because I suspected that the woman might have just abducted the child.

“And I am right. I also didn't believe what the woman said that this child was hers, so I picked her up and the woman quickly left and got in her car, but I told the guard outside the parking lot to block that car and call the Police,” kwento ni Timothy sa kaniya.

“S-salamat, Sir, kung hindi mo napigilan ang babaeng iyon ay baka tuluyan nang mawala sa akin ang anak ko,” sinsirong pasasalamat niya kay Timothy at nakalimutan ang takot na nadarama kanina nang makita ang binata dahil sa pag-aalala naman niya sa anak.

Kung hindi nakita ni Timothy ang anak niya ay baka nakuha na ng babaeng iyon at hindi pa niya alam kung anong mangyayari sa buhay ng anak niya.

“Masaya ako dahil nakatulong ako sa babaeng dating nakarelasyon ko,” nakangiting sabi ni Timothy sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya.

Noong huling mag-usap sila ay ipinamukha nito sa kaniya na hindi siya nito kilala at tinanong pa nito ang pangalan niya.

“K-kilala mo ako, Sir?” gulat na tanong niya.

“Yes, you’re Angelu Bernardo five or six years ago niligawan kita at nagkaroon tayo ng relasyon kaya lang hindi pa kasi ako seryoso noon at medyo mahilig sa babae kaya nauwi tayo sa hiwalayan. Pasensiya ka na kung isa ka sa nasaktan ko noon,” nakangiting sabi ni Timothy sa kaniya.

Ibinaba niya si Juliet habang hawak niya ang kamay ng anak.

“P-pero bakit noong una tayong nagkita ay parang hindi mo ako kilala. Sa shop na pinagtatrabahuan ko at tinanong mo pa nga ako sa pangalawang beses na pagkikita natin ng pangalan ko?” tanong niya.

Ngumiti si Timothy sa kaniya. “Sa totoo lang hindi kasi kita nakilala kaagad. Mas gumanda ka kasi ngayon at ang sexy mo pa hindi katulad noong naging tayo saka sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, ay hindi ko naman na matatandaan ang lahat.

“Naalala lang kita noong sinabi mo ang pangalan mo. Sa una parang pamilyar sa akin ang pangalan mo kaya hindi ko na sinabi sa’yo at nang nagtagal saka ko napagtanto na kilala nga kita at nagkaroon pa tayo ng relasyon,” paliwanag ni Timothy sa kaniya. “Pero past naman na iyon kaya siguro huwag na lang natin balikan pa,” dagdag pa nito sa kaniya.

Napatango na lang siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Timothy saka tumingin sa anak niya. May bakas pa ng luha ang mga mata ni Juliet pati sa pisngi kaya pinunasan niya iyon.

“Natatakot ka ba hanggang ngayon, baby?” nag-aalalang tanong niya sa anak.

“Opo, Mama. Iyong babae po kasi gusto niya dalhin ako kung saan at sobra po akong natakot,” tugon ni Juliet na napahikbi pa.

Niyakap niya ang anak sa awang nadarama saka muling binuhat.

“Don’t worry, baby, hindi na mauulit iyon. Mama will always protect you,” aniya.

“Siguro mabuting dalhin mo muna sa shop niyo ang bata. Kung may kilala ka doon na p’wedeng tumingin sa anak mo, ay ipaalaga mo muna para harapin ang babaeng gustong dumukot sa anak mo. Mas mabuting magdemanda ka para hindi na umulit ang babaeng iyon sa pagdukot ng bata,” suhestiyon ni Timothy sa kaniya.

“O-oo,” tugon niya. “Aalis na ako. Salamat ulit, Sir Timothy,” paalam at pasasalamat niya.

“Walang anuman.” Tumingin si Timothy sa bata. “Good girl ka, baby girl, kasi hindi ka basta sumama sa babaeng iyon at ang strong mo kasi lumaban ka kanina para hindi ka niya makuha,” nakangiting sabi nito sa anak niya.

“Thank you po, Mister,” nakangiti namang tugon ni Juliet.

Ngumiti lang si Angelu kay Timothy saka tuluyan nang umalis. Mukhang hindi naman naisip ni Timothy na anak nito si Juliet dahil hindi naman nagtanong ang binata ‘tungkol sa anak niya. Mabuti na lang talaga kaya nakahinga siya nang maluwang at nawala ang takot na nararamdaman niya na baka kunin ni Timothy ang mga anak niya sa kaniya.

Pinaalaga muna niya kay Rose ang mga anak at doon na muna sila sa shop kasama si Benilda bago siya pumunta ng security room dahil nandoon ang babaeng muntikan nang dumukot sa anak niya. Wala si Timothy sa security room kaya nakahinga nang maluwang si Angelu na hindi na ito sumama pa para harapin ang dumukot sa anak niya.

Nangatwiran pa ang babae na nasa edad kuwarenta na inakala nitong nawawala ang anak niya at plano niya sanang dalhin sa admin para mahanap siya pero dahil sa CCTV na nakita sa mall nang paghila niya sa dalawang anak pero nakawala si Jolo at ang sapilitan pagdala ng babae kay Juliet sa basement parking, ay nabuko ito at nalaman niyang plano nitong ebenta ang anak sa mga foreigner na naghahanap ng anak.

Sobrang natakot si Angelu sa nalamang plano ng babae sa anak niya at hindi niya iyon mapapalampas kaya idedemanda niya ang babae para hindi na ito makaulit muli. Kinuha ng mga Pulis ang babae at dinala sa presinto saka siya tumawag kay Shania para humingi ng tulong sa pagkakaroon ng abogado para idemanda ang babaeng nagtangkang dumukot sa anak, na kaagad naman na sinagot ng tulong ng kaibigan at asawa nito.  

Dahil sa nangyari sa mga anak, ay lalong naging maingat si Angelu lalo pa at nagkalat ang mga masasamang tao na walang awang nangdudukot ng bata para ibenta sa mga foreigner. Kahit si Shania dahil sa pag-aalala sa mga inaanak, ay nagpadala ng tauhan ng asawa na magiging body guard ng mga anak niya, ilang beses niya iyon tinanggihan pero mapilit ang kaibigan at wala naman siyang magagawa kapag nagdesisyon na ito sa gusto niya. Nagpasalamat na lang siya dahil kahit paano, ay alam niyang ligtas ang mga bata habang nagtatrabaho siya.

Ngayong araw na ito ay nagpaalam si Angelu sa boss niya na aabsent siya dahil sa shooting ng advertisement na gagawin niya. Pumayag naman kaagad ang boss niya kahit alam nitong trabaho rin ang dahilan kung bakit siya mag-a-absent at sinabing kapag naging successful siyang indorder ng insurance company, na kilala sa bansa nila ay huwag niyang kalimutan ang make-up niya na i-indorse rin sa mga makikilang model at artista.

Pumayag na lang si Angelu bilang tulong na rin sa mabait niyang boss na palaging pinapayagan siyang um-absent kapag kailangan at kahit si Benilda, basta may maiiwan isang tauhan sa shop niya para sa mga customer nito.

Sumakay si Angelu sa elevator ng building na pag-aari ni Xander, asawa ni Shania na building din ng insurance company at doon sila magsho-shoot ng commercial. Hindi pa sumasara ang pinto ng elevator ay may pumasok na isang tao na hindi niya tinitignan dahil nakatutok siya sa cell phone habang nagti-text kay Jasmine na nasa elevator na siya.

Tumikhim ang kasama niya sa elevator kaya napaangat ang tingin niya at napalingon sa katabi na medyo may kalayuan sa kaniya at nanlaki ang mga mata niya na si Timothy ang nandoon. Hindi nakatingin si Timothy sa kaniya at puno ng kaseryosohan ang mukha nito habang nakatingin sa pinto ng elevator at inaantay na bumukas iyon.

Hindi nagtagal ay bumukas iyon at doon mismo sa floor na pupuntahan niya pero naunang lumabas si Timothy, na ipinagtaka niya saka siya lumabas at hinanap ang room na sinasabi ni Jasmine at nagulat din siya nang doon din pumasok si Timothy.

“Oh, Mr. Kim?” gulat na bulalas ni Jasmine nang makapasok silang dalawa sa kwarto. “Pupunta rin pala kayo ngayon?” tanong pa ni Jasmine kay Timothy.

“Yes, I want to watch the shoot of the commercial you do. Hindi naman siguro ako makakaabala sa trabaho niyo ngayon,” tugon ni Timothy kay Jasmine.

“Ano? Manonood siya ng shoot ng commercial namin ngayon?” gulat na bulalas niya sa sarili.

Ngumiti si Jasmine. “Of course not,” anito.

“Makikita mo, Tim, kung gaano ako kagaling sa trabaho ko. Wala kang maipipintas sa akin,” nakangising sabat ni Michael saka lumapit sa kanila.

“I know how amazing you at your job,” nakangiting tugon ni Timothy kay Michael. “I just have free time, and I thought of coming here to watch your insurance company's commercial shooting.”

Lumapit si Michael kay Angelu at hindi niya napaghandaan ang ginawa nito dahil inakbayan siya ng binata habang hinila siya palapit sa sofa at umupo silang dalawa doon. Hindi naman naiilang si Angelu sa ginawa ni Michael dahil sa ilang beses na nilang pagkikita kasama si Jasmine, ay madaling makasundo si Michael dahil friendly ang binata saka sinabi na rin sa kaniya ni Shania, na mabait ang director kaya lang ay chick boy daw pero may respeto naman sa mga babaeng alam nitong hindi ito matitipuhan.

Napatingin siya kay Jasmine at Timothy, napansin niya si Jasmine na umiwas ng tingin sa kanila ni Michael habang si Timothy, ay malamig ang tingin sa kaniya na ikinailang niya. Nakakapanibago na naman si Timothy dahil malamig na naman ito kagaya noong una silang muling nagkatagpo kahit sa pangalawa hindi katulad noong pangatlo na iniligtas pa nito ang anak nila.

“Handa ka na ba sa unang shoot natin?” tanong ni Michael sa kaniya.

“O-oo,” tugon niya.

Inalis ni Michael ang pagkakaakbay sa kaniya saka hinawakan ang dalawa niyang kamay.

“Nilalamig ang kamay mo. Kinakabahan ka ba?” tanong nito sa kaniya.

“Medyo. Taon na rin kasi ang nakakalipas nang huli akong sumabak sa pag-acting ulit dahil mas inuna kong magkaroon ng stable job,” tugon ni Angelu.

“But during the photo shoot and we practiced your script, you were perfect, and you were full of confidence,” anito.

Hindi nagawang magsalita ni Angelu. Hindi naman niya p’wedeng sabihin ang dahilan kung bakit siya kinakabahan dahil baka makahalata si Jasmine at Michael, sa nakaraan nila ni Timothy. Si Timothy kasi ang dahilan kaya bigla siya ngayong kinakabahan at nanlalamig pa siya.

Sinabi na ni Shania sa kaniya na magiging kasosyo si Timothy ng kompanya ng asawa pero hindi naman niya inaasahan na magkikita sila rito at manonood pa ito sa shooting ngayon. Mayamaya ay dumating na ang makakasama niya sa commercial. Ang magiging asawa niya at dalawang batang nasa edad na limang taon at apat na taon na magiging anak naman nila.

Pangpamilya ang theme ng commercial na gagawin nila kaya may makakasama siyang magiging asawa at mga anak niya at ang kwartong pinasok niya, ay malaking kwarto na may sofa at mga kagamitan pang-sala dahil doon ang unang scene ng commercial. 

Bago nagsimula ang shoot ay inayusan na muna siya ng make-up artist at pinalitan ng simpleng dress na lagpas tuhod at flat shoes at habang inihahanda pa ang lahat matapos silang ayusan ay nilapitan siya ng lalaking actor na magiging asawa niya sa commercial.

“Hi, Angelu,” nakangiting bati nito sa kaniya.

Magkakilala na sila dahil nang sumunod na meeting ay kasama na sila ganoon din ang mga bata at mga magulang ng mga bata.

“After nitong shoot ng unang scene p’wede kita mayaya mamaya mag-lunch?” aya ni Arthur sa kaniya.

Ngumiti naman si Angelu kay Arthur at magsasalita na sana nang makarinig siya ng tumikhim sa likuran niya dahilan para mapalingon siya at magulat na si Timothy ang nandoon at hindi na lang malamig ang mga tingin nito sa kaniya dahil pati na rin sa kasama niya at dahil salubong pa ang makapal nitong kilay at mukhang galit.

“Hindi maayos ang pagkaka-zipper ng dress mo,” anito.

Nagulat pa si Angelu nang hawakan ni Timothy ang dress niya at narinig na lang niya ang zipper niya sa likod na isinara nito. 

Author's notification:

Sorry kung matagal update. Abala kasi ako lagi sa trabaho at mas iyon napagtutunan ko kaysa sa pagsusulat pero pagsisikapan ko magsulat kapag may oras ako at naka-day-off.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.