“AALIS ka at magpupunta ng Korea tapos isasama mo ang mga bata para doon na kayo tumira?” tanong ni Angelu kay Timothy at may galit na ang tono ng boses niya. “Ilalayo mo na talaga sa akin nang tuluyan ang kambal?” tumaas na ang boses niya.
Bigla ay nataranta si Angelu. Nagsama ang takot, lungkot at sama nang loob ni Angelu kay Timothy at nanginginig na ang kamay niya dahil sa sama-samang pakiramdam na iyon na hindi na niya kaya pang pigilan. Ngayon lang siya nakaramdam nang matinding takot na parang ano mang oras ay magwawala na siya at hindi mapigilan ang sarili.
“Pumapayag na ako na makuha mo ang kambal dahil alam kong wala akong laban sa’yo kung lalabanan kita sa korte para sa karapatan ng mga bata pero hindi ko akalain na may plano ka na pala talagang ilayo sa akin ang mga anak ko. G……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.