PAGGISING ng kambal ay nagdesisyon na si Timothy na magtungo na sila sa bahay nila Angelu upang kunin ang mga gamit niya ganoon na rin ng mga bata. Nakasakay silang mag-ina sa kotse ni Timothy at ang binata ang nagmamaneho at nakasunod naman sa kanila ang van kung saan nakasakay ang tatlong tauhan ni Timothy na tutulong sa pagkuha ng mga gamit niya at ng mga bata.
“Mama, uuwi na tayo?” masayang tanong ni Juliet nang makarating sila sa bahay.
Napatingin siya kay Timothy na binuksan na ang pinto saka lumabas ng kotse.
“H-hindi, anak. Kukunin lang natin ang mga gamit natin para ilipat sa bahay ng Papa mo,” tugoin niya.
Namilog ang mga mata ni Juliet at kahit si Jolo ay nagulat sa sinabi niya.
“Titira na kami sa lalaking iyon? Kasama ka, Mama?” tanong ni Jolo sa kaniya.
“Oo, lilipat tayo sa poder……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.