“KUYA? Tinawag mo akong Kuya?” tanong ni Timothy pero may hilaw na ngiti sa labi nito saka napatingin kay Angelu dahilan para mapalunok siya ng laway.
“Nag-usap po kami ni Jolo kasi kinausap kami ni Mama na galangin ka raw natin at huwag tawagin na lalaking iyon kasi hindi raw po kami gumagalang sa nakakatanda pero ang pinag-usapan namin ni Jolo ay hindi ka namin tatawagan na Papa kasi si PapaLolo lang ang Papa namin at hindi ka pa rin namin gusto—“
“Juliet!” saway na niya sa anak.
“Let her talk,” mahinahong sabi sa kaniya ni Timothy.
“Ahm, kasi hindi pa naman talaga namin siya gusto, Mama, hindi ba ang sabi mo sa amin ni Jolo ay hindi naman kayo nagmamadali na gustuhin namin si Kuya Timothy,” katwiran ni Juliet.
Napahilot na si Angelu sa sintido.
“Gagalangin namin siya Mama dahil mas matanda……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.