NAPAHINAHON naman ni Angelu si Jolo subalit bilang isang ina ay hindi doon nagtatapos ang pag-aalala niya. Hindi siya mapanatag lalo na sa kaninang nakita niya na nanginginig sa takot habang tinatawag siya ni Jolo.
Pinagkuwento ni Angelu si Jolo kung bakit nagkaganoon ito nang gumising at ang sabi ng batang lalake, ay dinalaw na naman daw ito ng masamang panaginip na hinihila si Angelu, ng isang halimaw kaya hinabol siya ng mga anak na hindi naman nakalapit sa kaniya at naglaho na lang daw siya kasama ng isang halimaw. Nagising sa takot si Jolo at wala pa siya sa tabi nito kaya mas tumindi ang takot na nadarama ng bata at nanginig na.
Ngayon lang nakita ni Angelu na nagkaganoon si Jolo kaya hindi mapagkit sa isip niya ang nangyari at alalang-alala siya. Ni hindi na nga niya nakausap pa mu……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.