Chapter 5

The Twins' Father 2411 words 2023-01-28 07:00:44

NASA isang kilala at mamahaling restaurant ngayong araw si Angelu. Day-off niya kaya ngayong araw siya nakipagkita sa kakausap sa kaniya sa isang trabaho na ibinigay sa kaniya ni Shania at Xander, na asawa ng kaibigan niyang si Shania. May insurance company ang asawa ni Shania ay inalok siyang maging endorser ng insurance company kapalit ng kilalang artista na dating endorser ng kompanya.

Naghahanap ang kompanya ng isang endorser na nababagay sa gagawing commercial ng insurance company, na magbubukas hindi lang para sa mayayaman o mapepera na maaaring magkaroon na sa kompanya ng life insurance kundi para sa mga mahihirap na gusto rin magkaroon ng insurance.

Si Angelu ang nirekomenda ng kaibigan dahil na hindi inayunan naman ni Xander at sinabi pa ni Shania na sanay na siya sa mga pag-arte bilang extra sa mga pelikula, telenovela at naging commercial model din siya noon at sa tingin siya isa ring dahilan kaya napapayag si Xander na siya na lang ang endorser ng insurance company ng mga ito.

Dapat kasama ang mga anak niya subalit tumanggi siya dahil ayaw niyang lumabas sa media ang mga bata. Isa pa, iniisip din niya na baka mapanood ni Jin o Timothy ang commercial na gagawin kasama ang mga bata at baka malaman nito na nagkaanak sila. Naisip niyang hindi tatanggapin ni Jin ang mga anak niya pero mas mabuting mag-ingat kaysa ipagsapalaran ang mga bata.

Isa pa, nalaman din niyang isa si Jin sa magiging business partner ng asawa ni Shania. Tinawagan siya minsan ni Shania, na nasa bakasyon noon kasama ang asawa at sinabi nitong nakaharap nila si Jin pero kagaya niya ay nagtataka rin ang kaibigan na iba ang ugali ng humarap sa kanila, hindi kilala si Shania at iba rin ang pangalan. Iyon din ang unang gumulo sa kaniya kung bakit nag-iba si Jin ng pangalan pero mas lalong gumulo sa kaniya kung bakit hindi na nito kilala o namumukhaan man lang si Shania.

Noong nanliligaw pa lang si Jin ay naipakilala na niya it okay Shania at naging kaibigan pa nga ni Jin si Shania dahil parehas silang masayang kausap at medyo madaldal. Nagselos pa nga noon si Zanray na ex- boyfriend ni Shania at kaibigan din ni Angelu dahil sa pagiging madikit noon ni Jin kay Shania hangang sa nagkaroon na nga sila ng relasyon ni Jin at nagkaroon pa sila noon ng double date.

Talaga bang kinalimutan na siya ni Jin pati ang mga taong naging malapit dito na malapit sa kaniya o sinasadya iyon ng binata para iparating sa kaniya na wala na siyang halaga rito?

Napabuntonghininga si Angelu.

Hindi na sinabi ni Angelu sa kaibigang si Shania na nagkita at nag-usap na sila ni Jin dahil ayaw na niyang mag-alala pa ang kaibigan. Nag-alala na nga iyon dahil nang nagkwento si Shania sa kaniya nang tumawag ito ay hindi niya napigilan ang sama ng loob na nararamdaman niya.

"Hi," bati ng boses babae kay Angelu dahilan para mapatingin siya sa rito.

Magandang babae ang nasa harapan niya ngayon na may ngiti sa labi at napangiti rin siya nang makilala ito. Siya ang Ate ni Xander si Jasmine at nakilala na niya ito sa kasal ni Xander at Shania.

"Hello," nakangiting bati niya.

"Ikaw pa lang ba mag-isa?" takang tanong ni Jasmine saka luminga-linga.

"Ako pa lang, Ma'am—"

"Huwag mo na akong tawaging, Ma'am. Jasmine na lang total kaibigan ka naman ni Shania at saka makakatrabaho ka namin," nakangiting saway nito sa kaniya.

"O-okay, Jasmine," tugon niya.

Umupo na si Jasmine sa upuan sa harapan niya saka inilapag ang hawak nitong mga papel sa lamesa nila.

"Lagi talagang late ang lalaking iyon! Masiyadong pa-importante!" inis na sabi ni Jasmine pero mukhang hindi sa kaniya kundi sa sarili lang nito.

Nagtaka lang siyang napatingin kay Jasmine na mukhang nahalata nito kaya ngumiti muli sa kaniya saka kinuha ang menu at inabot sa kaniya ang isa.

"Mag-order na rin tayo. Tanghalian na kaya kumain na tayo," anito.

"S-sa bahay na lang ako kakain, Jasmine, mukhang masiyadong mahal dito at hindi kaya ng budget ko—"

"Ako nang bahala sa pagkain mo. Hindi ka namin pinapunta rito para gumastos saka pati pamasahe mo dahil galing ka pang Cavite tapos lumuwas ka rito para lang makipag-meeting sa amin," putol ni Jasmine sa sasabihin sana niya.

"Ayos lang naman. Trabaho rin naman ang ipinunta ko rito," nakangiting tugon niya.

"Kasama na rin sa trabaho mo ang pagharap sa amin at ang meeting na ito kaya kami ng bahala sa pagkain mo kaya um-order ka na," anito.

Hindi na rin tinanggihan ni Angelu ang alok ni Jasmine at um-order na rin siya ng pagkain at sabay silang kumain ng dalaga sakto namang dumating ang isa pang makaka-meeting niya at si Michael pala iyon na isang kilalang director ng mga pelikula, telenovela at ng ilan pa. Kaibigan si Michael ni Xander at nakilala rin niya ito dahil sa mag-asawa.

"Sorry, I'm late," mabilis na paliwanag ni Michael saka umupo sa katabing upuan ni Jasmine.

"Nakakahiya naman kay Angelu, halos kalahating-oras kang late," inis na tugon ni Jasmine kay Michael.

"H-hindi. Ayos lang," sabat niya.

"Sorry talaga. Naipit kasi ako sa traffic," paliwanag pa rin ni Michael.

Napabuntonghininga na lang si Jasmine at ipinagpatuloy ang pagkain. Nag-order na rin ng pagkain si Michael at sumabay na sa kanila habang pinag-uusapan nila ang magiging trabaho niya.

Malaki ang perang offer kay Angelu at three-years ang kontrata saka makakapasok na rin siya at ang mga anak sa life insurance ng kompanya na isa sa incentives ng pagiging endorser niya. Ibinigay sa kaniya ang kopya ng kontrata at sinabi ni Jasmine na basahin muna niya at sa bulding companya na sila muling mag-uusap para sa pagpirma niya ng kontrata. Nalulula si Angelu sa laki ng offer sa kaniya at nagtataka siya kung bakit ganoon kalaki samantalang hindi naman siya kilalang artista o model.

"Hindi ba masiyadong malaki ang offer niyo sa magiging trabaho ko sa inyo?" tanong niya kay Jasmine at Michael.

"Hindi naman masiyadong kalakihan iyan. Mas malaki pa nga ang offer at triple pa kay Maan, iyong dating endorser ng kompanya namin kaya huwag mong isipin na malaki iyang offer sa'yo," tugon ni Michael sa kaniya.

"P-pero malaki pa rin kasi tapos may incentives pa na pasok na ako sa life insurance ng company niyo pati ang mga anak ko," aniya.

"Advantage mo na kaibigan ka ni Shania," nakangiting tugon ni Jasmine. "Business partner din kasi ng kompanya ng Lolo ni Shania ang kompanya namin kaya sinabi ni Shania na lakihan ang offer sa'yo at ibawas na rin sa kompanya nila na pinayagan naman ng Lolo ni Shania.

"Pumayag kami kasi idea rin naman ng kaibigan mo ang lahat ng ito at sa kaniya nanggaling na ikaw ang gawin naming endorser," dagdag nito.

Napangiti si Angelu at parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Lagi na lang talaga siyang tinutulungan ng kaibigan niya at sinisigurado ang kabutihan niya.

"Maganda ka, Angelu. Bagay na bagay sa'yo ang role mo as endorser ng insurance company ng Fuentivilla," sabat ni Michael. "At kapag nagtagumpay ang commercial at natapos ay tutulungan kita na magkaroon ng project," nakangiting sabi pa nito.

"Salamat sa inyo. Malaking tulong ito sa amin ng mga anak ko," punong-puno ng sayang pasasalamat niya sa dalawa na ikinangiti naman ng mga ito.

Matapos makipag-usap at kumain ay nagtawag ng taxi si Michael para sakyan niya. Si Michael na rin ang nagbayad ng taxi niya at nagbigay ng pera si Jasmine pangbili raw ng grocery para sa mga bata, na ilang beses na niyang tinanggihan kaya lang mapilit si Jasmine kaya sa huli ay tinanggap na lang niya ang pera.

Namili na muna siya para sa mga anak at umuwi siya na may pasalubong sa kambal na ikinasaya naman ng mga anak niya.

"PUPUNTAHAN ka ng mga anak mo rito kasama ang nag-aalaga sa kanila ngayong-araw?" nakangiting tanong ni Benilda sa kaniya.

Nasa trabaho sila ngayong dalawa pero dahil wala namang customer kaya malaya silang magkwentuhan at hindi naman iyon ipinagbabawal sa kanila ng boss nila basta hindi naman nakakaapekto sa trabaho nila.

"Oo nga. Papunta na raw sila ngayon at aantayin nilang matapos ang duty ko dahil pakakainin ko sila sa Mcdo," nakangiting tugon niya.

"Makikita ko na naman ang cute mong kambal!" masayang bulalas ni Benilda.

Tuwang-tuwa kasi si Benilda sa mga anak niya at kapag minsan dinadala ni Rose sa shop ang kambal ay talagang kaagad na nilalambing ni Benilda ang mga bata at nililibre rin ng kung anu-ano.

Hindi naman malayo sa bahay nila ang mall at isang sakay lang ng jeep ay nandito na sila mayamaya. Ka-text lang niya kanina si Rose at ang sabi ay nasa bahay pa sila at binibihisan pa nito ang mga bata kaya siguradong hindi pa nakakasakay ng jeep ang mga iyon.

"Sasama ako mamaya, ha, ako hahawak kay Jolo," sabi pa ni Benilda sa kaniya.

"Oo na. Alam ko naman na sasama ka kaya nga sinabi ko sa'yo, eh," nakangiting payag niya.

"Mabuti na lang at kakasahod lang natin kaya maililibre ko rin ang kambal—"

"Huwag ka nang gumastos pa. Ako naman ngayon ang manlilibre sa'yo at may pera pa ako rito galing sa magiging boss ko sa pag-endorse ng insurance company nila," sabat niya.

"Oo nga pala! Magiging commercial model ka na nga pala!" nakangiting sabi ni Benilda. "Iba talaga ang maganda, maraming opportunity!"

"May matalik na kaibigan lang talaga akong mayaman at maswerte ako kasi lagi niya akong naaalala sa tuwing may opportunity na p'wede niyang ibigay sa akin," aniya.

"Hindi rin. Maganda ka kasi talaga kaya nababagay sa'yo ang ganoong trabaho. May anak ka na niyan, ah, kambal pa pero ang ganda pa rin ng katawan mo, ang kinis mo pa tapos singkit ang mga mata mo saka mas mukha kang Chinese kaysa Pilipina. Sabagay half-Chinese ka nga pala dahil pure Chinese ang Mama mo na nakapag-asawa ng Pilipino at dito na nagdalaga," komento nito sa kaniya.

"Lalaki na ba ang ulo ko sa pangbo-boost mo sa confident ko ngayon, Benilda?" natatawang tanong niya sa kaibigan. "Dapat talagang malibre ka kasi ang dami mong sinabing pangbobola sa akin, eh."

Natawa naman si Belinda. "Totoo ang sinasabi ko. Huwag ka ngang ano diyan!" anito.

Magsasalita pa sana si Angelu nang tumunog ang cell phone niya at nang mapansin number iyon ni Rose, ay kaagad niyang kinuha saka sinagot.

"Ate," salubong na bungad ni Rose sa kaniya.

Nagtaka siya dahil iba ngayon ang boses ni Rose, na sumalubong sa kaniya at punong-puno ng pag-aalala na ikinakaba niya.

"N-nandito na kami sa mall k-kaya lang, Ate, b-biglang nawala si Juliet," pautal-utal na sabi ni Rose dahilan para mapuno ng kaba at takot ang puso niya para sa anak.

"Ano? Paano nangyari iyon? Bakit nawala si Juliet?" sunod-sunod na tanong niya at nanginig ang kamay sa sobrang pag-aalalang nadarama para sa anak.

"Nagbanyo lang po ako, Ate, kasama ko naman sila pero pumasok ako sa isang cubicle ng comfort room tapos pagkalabas ko, ay wala na ang dalawa tapos nakita ko si Jolo sa labas ng comfort room at ang sabi niya, may humila raw na babae sa kanila at ipinasama sila kung saan kaya lang umayaw raw si Jolo at tumakbo pabalik sa akin.

"Doon nasaktuhan kong tumatakbo si Jolo, p-pero si Juliet ay hindi raw nakawala. K-kaya naisama ng babae raw—"

"Diyos ko!" sigaw ni Angelu at namalibis na ang luha sa mga mata.

"Anong nangyayare, Angelu—"

"Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo?" tanong niya kay Rose.

"Nandito pa rin po kami malapit sa comfort room," tugon nito sa kaniya.

Pinatay na niya ang tawag saka hinarap si Benilda, na puno ng luha sa mga mata.

"Nawawala si Juliet, may dumukot daw," sabi niya kay Benilda. "Pupuntahan ko muna sila doon, ikaw na lang muna ang bahala sa shop."

"Puntahan mo na sila doon at huwag mo nang intindihan pa ang shop," tugon ni Benilda.

Mabilis na lumabas ng shop si Angelu at nagtatakbo na siya patungong comfort room habang wala pa ring tigil ang mga luha sa mga mata niya at mabilis na kumakabog ang dibdib niya, sa sobrang takot para sa nawawalang anak.

Kahit nanginginig na sa takot ay nagawa pa rin ni Angelu, na makapunta ng comfort room at nakita niya sa labas sina Rose at Jolo na umiiyak.

"Pumunta ka sa guard, Rose, sabihin mong may nawawalang bata at isama mo na si Jolo, hahanapin ko si Juliet," utos niya kay Rose.

"Opo, Ate," tugon ni Rose saka hinila na si Jolo.

"Mama, sama ako sa'yo—"

"Hindi, anak. Kay Ate Rose ka na lang muna at huwag na huwag kang hihiwalay sa kaniya. Hahanapin ko lang ang kapatid mo," tugon niya kay Jolo saka tumingin kay Rose. "Huwag mong bibitawan si Jolo kahit anong manyari," bilin niya kay Rose.

"O-opo, Ate, s-sorry po," umiiyak na tugon nito.

"Saka na natin iyang pag-usapan. Aalis na ako," aniya saka muling tumakbo at iniwan ang mga ito.

Panay ang linga ni Angelu sa paligid ng mall, na malapit sa comfort room at sinisilip ang lahat ng shop na madadaanan malapit sa kinaroroonan nila Rose. Pinunasan niya ang mga luha dahil nanlalabo ang paningin niya at baka makaligtaan niya ang anak at pinahinahon ang sarili pero wala pa ring tigil ang kabog ng puso niya, sa takot na baka hindi niya makita si Juliet.

"Anak!" bulalas niya nang makakita ng batang babae, na kaparehas ng katawan at buhok ng anak saka nilapitan ito pero nabigo siya nang malaman na hindi pala iyon si Juliet.

Muli ay tumakbo siya at ngayon ay nakalabas na siya saka patungo sa parking ng mall.

Doon ay mas bumilis ang takbo niya at nang makarating sa dulo ng parking, ay napasigaw siya.

"Juliet, anak!" hindi na napigilang bulalas ng bibig niya habang umiiyak. "Nasaan ka na, anak!" Napahagulgol na siya.

"Mama!"

Bigla ay napalingon siya sa boses na iyon ng isang bata at nakita niya si Juliet, na nakatayo at pulang-pula ang mukha at may mga bakas pa ng luha ang mga mata.

"Juliet, baby ko," umiiyak na sabi niya saka tumakbo palapit sa bata at mahigpit na niyakap ito.

Kinarga pa ni Angelu ang anak habang yakap-yakap ito.

"Are you the mother of that child?"

Napatingin si Angelu sa nagtanong sa kaniya, na isang matangkad na lalake at nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon at parang natuod siya sa kinatatayuan habang yakap-yakap ang anak.  

Author's notification:

Basahin po muna ang Unexpected Wedding.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.