NATAPOS ang trabaho ni Angelu ng ala-sais ng umaga kaya sa isang restaurant na sila naghapunan upang sa pag-uwi ay magpapahinga na lang saka gutom na rin ang kambal kaya napagdesisyonan ni Timothy, na sa labas na kumain imbes sa bahay.
Hindi na rin umalis si Timothy at nanonood na lang ng shoot at pakiramdam ni Angelu habang nandiyan ang binata ay binabantayan nito ang kilos niya at kapag natatapos ang eksena ay hindi na niya magawang makipag-usap kina Michael at Alastair dahil nilalapitan na siya kaagad ni Timothy kasama ang mga bata at pinapapunta sa sasakyan.
Hindi na sana iintindihin pa ni Angelu sa umpisa kaya lang tuwing may break sila mabilis pa sa alas-kwatro si Timothy na lumapit hawak ang kambal saka hihilahin na siya. Hindi naman siya nagrereklamo kaya lang sa pakiramdam ni……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.