“TAMA ba ang narinig kong sinabi mo o baka nagkamali lang ako nang pagkakarinig?” tanong ni Angelu kay Timothy, nang makahuma siya sa gulat na nadarama nang sumulpot sa likuran niya ang binata.
Natulala pa siya kanina sa itsura ngayon ni Timothy dahil kahit simpleng short at T-Shirt lang ang suot ng binata at medyo magulo pa ang buhok, ay napakagwapo pa rin nito. Mabuti ay mabilis siyang nakabawi at mukhang hindi naman nito nahalata ang paghanga niya sa kagwapuhan ng binata.
“Yes. So, that you don’t have any more problems, think about what you can say to your parents to prevent them from coming here to Manila,” tugon ni Timothy sa kaniya.
“Hindi pa rin p’wede,” tugon ni Angelu na ipinagtaka naman ni Timothy. “Malalaman ng pamilya ko na kasama ka namin ng mga bata sa bahay. Nakita mo naman ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.