“BAKIT mo naman sasabihin na asawa kita? Sira-ulo ka talaga!” sabi ni Angelu saka tinulak si Timothy at tumayo para ayusin ang rubber shoes na nasa ilalim ng kama niya.
Hindi dapat nakakaramdam si Angelu nang ganito, na parang kinikilig siya sa pagpoprotekta sa kaniya ni Timothy at paglalambing nito kapag nag-aaway sila. Mali ang nararamdaman niya at baka hindi maglaon ay maging malaking problema niya iyon.
“Gusto ko lang siguraduhing magiging maayos ang trabaho mo. Hindi naman masama iyon, hindi ba?” tugon ni Timothy.
Tumingin siya sa binata. “Hindi ako pababayaan ng Manager ko at kahit si Michael nandiyan siya laging sinisigurado na ayos lang ako sa trabaho,” tugon niya.
“Hindi mo sila dapat inaasahan dahil hindi mo naman sila kaanu-ano,” inis na tugon nito.
“Ikaw? Kaano-anu ba kita para a……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.