NANG magising si Feliza, umaga na at nandoon pa rin siya sa kwartong pinagdalhan sa kanya ng Parker na iyon. Agad siyang tumayo pero nanakit na naman ang leeg niya, kaya dahan dahan siyang gumalaw. Kahit paano nabawasan ang sakit sa leeg niya at sa mukha niya. Mabuti at hindi ganoon kalala ang dinanas niya sa pananakit sa kanya ng tauhan ng Parker na iyon.
Tumayo na siya at napansin niyang iba na ang suot niyang damit ngayon. Hindi niya maiwasang isipin na si Parker ang nagpalit sa kanya at nag-init ang mukha niya.
"Bakit ka pa nag-iisip ng kung ano? 'Di ba dapat ang iniisip mo ngayon ay kung paano ka tatakas sa lugar na ito. Delikado ang buhay mo hanggat malapit ka sa Parker na iyon!" Nanlaki ang mga mata niya sa isiping iyon at mabilis siyang nagpalinga-linga. Nakita niya ang shoulder bag niya sa sofa na nandoon at agad niya itong kinuha.
"Kailangan kong makaalis dito," sabi niya sa sarili. Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan ito paglabas niya sumilip muna siya. Isang mahabang pasilyo ang sumalubong sa kanya na ikinalaki rin ng mata niya. "Ang laki naman pala ng bahay na 'to," hindi napigilang bulalas niya.
Tuluyan na siyang lumabas at naglakad-lakad, paliko na sana siya nang makarinig siya ng pamilyar na boses.
"Just cancel all my meeting's today," sabi nito hawak ang cell phone,"tell them that I have something important to do." Binaba na nito ang cellphone.
Agad siyang nagpalinga-linga at isang pinto ang nakita niya kaya kaagad niya itong nilapitan at pinihit ang door knob.
"Bukas!
Agad niya itong binuksan at mabilis pumasok. Nakahinga siya ng maluwang nang makapasok at masara niya ang pinto. "Dapat mag-ingat ako. Hindi pwedeng makita niya ako."
Tumalikod siya sa pinto at sinandalan ito, subalit nang makita ang kabuuan ng kwartong kinaroroonan niya ay nanlaki na naman ang mga mata niya. Dahil ang kwartong kinaroroonan niya ay puno ng display na mga iba't-ibang armas. Mga baril, patalim at iba't-ibang pasabog na sa pelikula niya lang nakita.
"Anong klaseng kwarto ito?" bulalas na tanong niya sa sarili. Nilapitan niya ang hilera ng mga baril. Iba-ibang uri at iba-iba rin ang size. Hindi niya alam ang mga uri ng baril na ito kaya hindi niya alam kung alin ang pinakamagandang at pinakamalakas na uri sa mga baril doon. Nakuha rin ang pansin niya sa iba't-ibang espada na naka-display doon at kagaya ng mga baril may mga malalaki at maliliit at iba't-ibang uri rin ng mga espada.
"Grabe! Sa pelikula ko lang nakikita ang mga ito, ah!"
Nakadama siya ng kilabot sa isiping nagamit na ito lahat ni Parker, sa walang awang pagpatay sa mga tao."Dapat makakuha rin ako ng magagamit dito para masigurado ko na maipagtatanggol ko ang sarili ko," sabi niya sa sarili. Inikot niya ang mga mata niya at naghanap siya ng sandata na magagamit niya. Nakakita siya ng baseball bat na nasa sahig lang kaya agad niya itong nilapitan. "Ito na lang siguro. Ayokong makapatay, kaya ito na lang gagamitin ko." Lumabas na siya ng kwarto at alertong nagpalinga-linga sa paligid. Kailangan niyang maging alerto upang maunahan niya ang kalaban pag nahuli siya.
Naglakad na siya sa mahabang pasilyo at hindi niya maiwasang humanga dahil sa iba't-ibang naggagandahang malalaking vase na naka-display sa dinadaanan niya at sa naglalakihang din paintings na nakasabit sa wall ng pasilyo.
"Mayaman pala talaga ang Parker na iyon, kaya siguro hindi mahuli-huli sa krimeng ginagawa niya."
"Where are you going?" Napaigtad siya sa malamig at maotoridad na boses na iyon sa likuran niya kaya mabilis siyang lumingon. Nakakunot ang gwapong mukha nito na nakatingin sa kanya.
"U-uuwi na ako," kinakabahan niyang tugon sa lalaki.
"Do you think I will let you to escape?" nang-uuyam na tanong nito sa kanya at may matalim na itong titig na nakakapagpalambot ng tuhod niya pero nagpakatatag siya. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa kalaban.
"Pero kailangan kong umuwi-
"Sinabi ko na sayo! Sa oras na malaman ko na ikaw, ang hinahanap ko ay magpapakasal tayo-
"Hindi ako magpapakasal sayo!" gigil niyang putol sa sasabihin nito,"matapos mong patayin ang kaibigan ko, tingin mo masisikmura kong asawahin ang tulad mo? Hindi masamang tao si Yvonne at hindi niya magagawa ang sinasabi mo!" sigaw na niya dito. Nakita niya na naguluhan ito bigla.
"Yvonne? Who the hell is she?" naguguluhang tanong nito.
"Sino pa ba? Iyong taong pinatay mo, na walang kalaban-laban sayo!
"Sa tingin ko nagkakamali ka." Lumakad na ito palapit sa kanya,"dahil-
"Huwag kang lumapit sa akin," bantang sigaw niya at inihanda na niya ang baseball bat paamba sa lalaki. Pero mukhang hindi ito natakot dahil nagtuloy-tuloy itong lumapit at wala siyang nagawa kundi ihampas ito sa ulo ni Parker, nanlaki ang mata niya nang mabilis itong nakailag at nahawakan nito ang baseball bat saka naagaw sa kanya.
"Hindi!
"Kung susugod ka sa laban hindi dapat baseball bat ang gamitin mong armas dahil hindi ito ginagamit para pumatay ng tao," malamig na sabi nito na ikinaatras niya.
"H-hindi naman ako mamamatay tao kagaya mo!" diin niya dito. Ngumisi ito.
"But if you want to escape here. You need to kill me," tugon nito sa kanya.
Mabilis na lumapit ito sa kanya at nataranta siya kaya tatakbo na sana siya pero nahawakan siya nito sa bewang. Nagpapalag siya at nagsisigaw, nahawakan niya nang mahigpit ang tagiliran nito na ikinaungol nito bigla at lumuwang ang pagkakahawak sa kanya, na dahilan para mabitawan siya nito. Napatingin siya at nanlaki ang mata niya sa dugo na bumakat sa polo nito na kulay puti at sa bandang tagiliran ang dugong iyon.
"f**k!" bulalas nito at tumalim ang titig sa kanya. Nakita niya ang baseball bat, na nasa sahig na malapit sa kanya kaya agad niya itong kinuha at hindi pa nakakahuma si Parker, hinampas na niya kaagad ito sa ulo.
Nagdugo agad ang ulo ni Parker, sa lakas ng hampas niya pero hindi naman ito kaagad nawalan ng malay. Matalim pa ring tumingin ito sa kanya kaya inihampas niya ang baseball bat sa sikmura nito at malakas na itong napasigaw. Marahil dahil sa tinamaan niya ang nagdudugong tagiliran nito. Kita niya ang sakit na namumutawi sa mukha nito.
"S-sorry, pero kailangan kitang takasan. Hindi sana tayo aabot sa ganito, kung pinabayaan mo na ako," nakokonsensiyang paliwanag na niya dito.
"I'm gonna kill you, b***h!" gigil na sabi ni Parker at lalapitan na naman sana siya kaya napapikit siya at hinampas na naman ito sa ulo. Narinig niya ang pagbagsak ng katawan nito sa sahig at nang dumilat siya ng mga mata, ang katawan ni Parker na nakasalampak sa sahig ang naabutan niya. Nilapitan niya kaagad ito at punong-puno na ng dugo ang ulo nito. Sinapo niya ang leeg ni Parker para malaman kung buhay pa ba ito at nakahinga siya ng maluwang nang humihinga pa ito.
"Sorry, sorry talaga," sabi niya sa binata at iniwan na niya ang baseball bat malapit sa katawan ni Parker.
Matapos ang mahabang pasilyo, mahabang hagdanan naman ang nakita niya pababa kaya agad siyang bumaba doon at sumalubong sa kanya ang malaking sala ng bahay. Gustong lumuwa ng mga mata niya sa ganda ng sala at sa mga mamahaling kagamitan doon at may malaki pang chandelier, pero hindi ito oras para humanga sa bahay na kinaroroonan niya dahil ang kailangan niya ay makaalis doon agad-agad.
"Miss!" tawag niya sa babaeng makakasalubong niya na sa wari niya ay maid dahil sa uniform nito.
Lumapit ito kaagad sa kanya."Yes Maam?" tanong nito.
"Saan ba ang labasan ng bahay na ito? Naliligaw kasi ako."
"Sasamahan na po kita palabas. Pero Ma'am, alam po ba ni Sir na aalis na kayo?" naniniguradong tanong nito.
"Oo," napalunok na pagsisinungaling niya,"nagpaalam na ako."
"Hindi po ba kayo ihahatid ni Sir?" usisa pa rin nito.
"Ihahatid? Nag-isip siya. "Sabi niya kasi busy siya. Kaya sabi ko kaya ko na mag-isa," tugon niya.
"Ipahahatid na lang po namin kayo sa driver. Masyado pa pong malayo palabas ng subdivission," suhestiyon nito.
"Driver? Nag-isip siya muli. "Ah oh, sige! Iyan nga sabi niya. Ipahatid na lang daw ako sa driver."
"Hali kayo, Ma'am. Ihahatid ko na po kayo sa kotse," aya sa kanya nito. Sumunod na lang siya sa babae at nang dinala siya nito kung saan naka-park ang kotse agad siyang sumakay doon. "Manong, ihatid niyo raw po si Ma'am sa pupuntahan niya," sabi ng babae sa driver.
"Sige," payag ng driver sa loob ng kotse at agad ini-start ang kotse.
"Miss, salamat," sabi niya sa babae nang buksan niya ang pinto ng kotse. Ngumiti lang ito. Biglang pumasok sa isipan niya si Parker at nakonsensiya siya sa nagawa niya sa lalaki.
"Kriminal siya kaya okay lang na mamatay na siya para hindi na makapang-biktima ulit ng inosenteng tao!" sigaw ng isip niya pero hindi pa rin mawala ang konsensiya sa puso niya, "oo pero ikaw? Hindi ka kriminal at hindi ka masamang tao, kaya dapat hindi ka pumatay kagaya niya," konsensya sa kanya ng isip niya.
"Ingat kayo Ma'am," ang salitang iyon ang umuntag sa malalim niyang pag-iisip.
"Miss, puntahan mo pala Sir mo, after thirty minutes. May iuutos daw siya, pero thirty minutes daw bago mo siya puntahan kasi busy pa siya ngayon," bilin niya sa babae, na mukhang naguluhan pero mayamaya ngumiti naman ito na parang nakuha ang sinasabi niya.
"Okay po Ma'am," tugon nito saka umandar na ang kotse.
"Thirty-minutes lang ang pag-aantay niya. Kung hindi na siya palarin sa Thirty-minutes na iyon, hindi na dapat ako makonsensiya pa. Siguro kapalaran na niya ang mamatay sa nagawa ko. Kailangan ko rin ang Thirty-minutes para masiguradong makalayo sa lugar na ito."
Paglabas ng kotse sa subdivission pinara niya na kaagad ang kotse sa driver at doon na siya bumaba. Tinawag pa siya ng driver, para pigilan pero hindi na niya ito pinansin pa at kaagad nagpara ng paparating na taxi upang makalayo sa lugar na iyon.
Nakahinga na siya ng maluwang nang makasakay siya sa taxi. "Ligtas na ako," bulong niya.
"Miss okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ng Driver ng taxi kaya napatingin siya dito at nakita niya ang nag-aalalang mata nito na nakatingin sa salamin na kita ang mukha niya rin. Nagulat pa siya nang makita ang namamagang mukha at ang labi niya na may sugat.
"God!" bulalas niya.
"Sa Ospital na ba kita dadalhin?" tanong ng Driver sa kanya.
"Sige kuya," agad niyang payag dito. Kailangan niyang magpa-check up baka mas may matindi pa siyang natamo sa ginawa sa kanya ng tauhan ni Parker. Bigla niya tuloy naalala na pinatay ni Parker ang tauhan nito at naguguluhan siya bakit nito ginawa iyon sa tauhan.
"Iniligtas ba niya ako?" naguguluhang tanong niya sa sarili.
Dahil sa malalim na pag-iisip nagulat siya sa pagtunog ng cellphone niya. Kinuha niya iyon sa shoulder bag at tinignan kung sino ang tumawag.
Unregistered calling....
Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin ito dahil nakadama siya bigla ng takot na baka si Parker iyon, o isa sa mga tauhan niya. Pero alam niya na walang malay si Parker kaya paano siya nito matatawagan.
Pinindot na niya ang answer at inilagay sa tenga ang cell phone. "Feliz," iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ng caller na ikinalaki ng mata niya at kinakabog nang mabilis ng dibdib niya.
"Oh my God!
"Feliz, nasaan ka? Nakauwi ka na ba sa probinsiya?" tanong na nito sa kanya.
"Yvonne!
A/N
Buhay si Yvonne o imahinasyon lang ni Feliza iyon? O baka nagmumulto na kaibigan niya? Haha :D Horror bigla eh.
To be continued...
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.