SIMULA nang umamin si Damien, na gusto siya nito ay naging sweet ito bigla kay Feliza, laging nakadikit sa kanya at laging nakasunod. Malimit niya na ring nakikitang ngumingiti ito sa kanya pero sa pagkakataon naman na sila lang magkasama at nag-uusap.
Sa totoo lang kahit siya naman gusto niya si Damien, sino ba namang hindi eh, ang gwapo kaya ng binata pero hindi niya masyadong napapansin iyon kasi laging nasa kapahamakan ang buhay nila. Siyempre, uunahin pa ba niya ang landi kesa iligtas ang buhay niya?
Ngayon niya lang napapansin na nagugustuhan na niya si Damien, dahil mapayapa ang buhay nila sa kinaroroonan at masaya siya sa araw araw na kasama niya ito at lalo pa't naging sweet ito sa kanya. Napapangiti tuloy siya ngayon dahil kitang-kita niya ang kagustuhan ni Damien, na lapitan siya pero hindi nito magawa dahil tumutulong ito kila Tatay Berto, sa pagsisibak ng kahoy para gamitin sa pag-iihaw mamaya.
Kaarawan kasi ni Babylyn, kaya mula kaninang umaga abala na sila at hindi sila magkaroon ng oras ni Damien, na mag-usap. Panay lang ang tingin nito sa kanya kaya pag nahuhuli niya ito nginingitian niya lang ito, na isang beses lang ni Damien gantihan.
"Ate Feliza!" tawag sa kanya ni Babylyn, na ikinagulat niya. Katabi niya si Nanay Martha at tinutulungan niyang maglagay ng dahon ng saging sa lamesa na nilagay sa likod ng bahay.
"Ano ka ba, Baby! Bakit ka sumisigaw?" Kahit kasi si Nanay Martha, ay nagulat kaya ito ang kaagad ang sumita sa anak.
"Nay, isama ko lang po si ate Feliza, may bisita kasi na hinahanap siya," paalam na ni Babylyn sa ina na ikinataka niya naman.
Sino naman ang bisitang tinutukoy ni Babylyn? Wala naman siyang ibang kilala kundi ang pamilya lang nito.
Hinila na ni Babylyn ang kamay niya na ikinagulat niya at kinaladkad na siya nito palakad kaya wala na tuloy siyang magawa kundi sumama dito. Lumabas sila ng bahay at nanlaki ang mata niya, nang makita kong sino ang bisita. Nakangiti ito sa kanya nang makita siya.
"s***h, anong ginagawa mo rito?" kaagad niyang tanong nang makitang si s***h pala ang bisitang tinutukoy ni Babylyn.
"I came here to say goodbye," tugon nito.
"Uuwi ka na sa Maynila?"
"Yes at pupunta rin ako sa States, to do some business."
"Ganoon ba? Ingat ka na lang," sabi niya.
"I will miss you,"sabi ni s***h. Napatitig siya sa mga mata nito at kita niya na sensiro si s***h, sa mga sinasabi nito. "Can I hug you," hiling nito.
Ngumiti siya at iniawang ang mga braso kaya napangiti si s***h at mabilis na yumakap. "Hindi ko alam kung anong meron sayo at kaagad kitang nagustuhan. I'm serious Feliza, I really like you, pero hanggang like na lang kasi may asawa ka na." Natawa siya sa sinabi ni s***h.
"Ganyan ba pag play boy?
"Oo play boy ako pero iba ka, eh. Siguro dahil may naaalala ako pag nakikita kita," nakangiti nitong sabi nang maghiwalay na sila ng yakap.
"Siguro special sayo ang taong iyon."
"Oo," tugon nito. Magsasalita pa sana siya, nang may malakas na kamay na humila sa kanya at yumakap sa bewang niya. Naramdaman din ni Feliza, ang matigas na dibdib na nasandalan niya at naamoy ang natural na bango nito.
"D-Damien!" bulalas niya.
"Don't touch my wife!" mapanganib na banta ni Damien, kaya napalingon siya sa lalaki at kita ang galit sa nagdidilim na mukha nito.
"Pumunta ako rito para magpaalam kay Feliza, dude. Wala akong planong agawin asawa mo," paliwanag kaagad ni s***h.
"Umalis ka na, kung ganoon! At hindi mo kailangan magpaalam sa asawa ko!"
"That's rude of you," nakangising sabi ni s***h.
Bumitaw si Damien sa pagkakayakap sa kanya at susugurin sana si s***h, kaya mabilis nilang pinigilan ni Babylyn si Damien. "Damien, stop!" sita niya dito. Napaatras naman si s***h.
"Dude, kagagaling lang ng namaga kong braso tapos dadagdagan mo na naman." nakangising sabi pa rin ni s***h na ikinataka niya. Kunot ang noong tinignan niya si Damien.
"Sinaktan mo si s***h?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Damien, hindi niya alam na may sakitan na pa lang nagaganap kay Damien at s***h at mukhag dehado si s***h sa dalawa.
"He deserves it."
"Damien!" naiinis na kastigo niya kay Damien. Bumukas ang pinto ng kotse ni s***h, na nakakuha ng pansin nila at lumabas doon ang walang emosyon na kakambal ni s***h.
"Let's go s***h," aya nito na hindi tumitingin sa kanila.
"Aalis na ako Feliza, Babylyn," paalam ni s***h sa kanila.
"Ingat ka," halos sabay na paalala nila ni Babylyn.
Ngumiti lang si s***h at lumakad na ito palapit sa kotse, saka sumakay na kaagad. Ang walang emosyon na mukha ni Slant na ngayon ay nakatitig na kay Damien, ay nagbago at sumalubong ang mga kilay nito. Hindi pa kasi ito pumapasok sa loob ng kotse.
"I know you," sabi ni Slant at kay Damien, nakatutok ang mga mata nito. Ngumisi ito at ngisi na halos kapareho ng kay Damien, nakakatakot at may panganib. "Sa susunod na saktan mo ang kapatid ko, ako ang papatay sayo." Nangilabot siya sa bantang iyon ni Slant saka ito pumasok sa kotse at umandar na ito paalis.
"Nakakatakot naman pala talaga ang kakambal ni s***h!" bulalas ni Babylyn.
"Kilala mo ba iyon, Damien?" kinakabahang tanong niya sa lalaki.
"No, ngayon ko lang siya nakita," tugon nito at bakas ang pag-aalala sa mukha.
Alam niyang hindi nag-aalala si Damien para sa sarili nito. Nag-aalala ito para sa kaligtasan niya at kitang-kita niya iyon sa pagtitig nito sa kanya.
"Kailangan natin makausap si Luna, baka may alam siya tungkol sa kapatid ni s***h," suhestiyon niya kay Damien, nang silang dalawa na lang ang nag-uusap. Nasa likod bahay sila at lumayo sila sa mga tao upang walang makarinig sa usapan nila
"I will call her later," tugon nito.
"Ikaw naman kasi! Bakit kasi sinaktan mo si s***h eh, wala namang ginawa sayong masama ang tao!" sita na niya kay Damien. Hindi maaaring hindi niya ito sitahin dahil mali ang ginawa nito.
Nagsalubong na ang kilay nito at halata na ang iritasyo sa mukha nito. "Ginawa ko iyon dahil nagalit ako sa kanya! Niyaya ka niyang uminom at hinawakan ka pa niya!" galit na tugon nito.
Nakadama ng inis si Feliza, napakababaw naman pala ng dahilan ng pananakit ni Damien. "Dahil lang doon nanakit ka na? Lahat ba ng lalaking hahawak at magyayaya sa akin sasaktan mo? Pati sila Tatay Berto at kuya ni Babylyn, sasaktan mo pag ginawa nila iyon sa akin? Lumalabas na naman iyang pagiging malupit mo eh, hindi mo ba naisip na may pamilya iyong tao na sasaktan mo na magagalit! Kagaya na lang ni Slant. Siyempre kapatid niya si s***h, magagalit talaga siya sayo!"
"You know that I like you, tapos nakikipag-inuman ka sa ibang lalaki? Paano kung pinagsamantalahan ka n'on? Tapos makikita ko pa na bubuhatin ka niya at hahawakan! Nagagalit ako Feliza, because I'm jealous!" Natigagal si Feliza sa sinabi ni Damien at kahit naiinis siya sa nagawa ni Damien kay s***h, ay hindi niya maiwasan na makadama ng kilig. Nakita niya na nag-iwas ng tingin si Damien. "I need to go. Tutulungan ko na muna sila Tatay Berto." Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis siya nitong iniwan.
Natapos na ang handaan kila Tatay Berto, ay hindi na sila nag-usap ni Damien, pareho kasi silang naging abala dahil tumulong siya sa pag-asikaso ng mga bisita at si Damien naman ay sibak nang sibak ng kahoy para sa mga iniihaw. Nang matapos naman ang ginagawa ni Damien ay pinagpalit lang ito ng damit ni Tatay Berto at pinasama na sa mga lalaking mag-inuman, kaya abala pa rin ito kasama ng Tatay ni Babylyn, kapatid na lalaki, mga kamag-anak at kapit-bahay. Sila naman mga babae ay sa kumain ng sabay sabay at nag-asikaso ulit ng mga bisita.
Pulang-pula na ang mukha ni Damien, dahil sa pag-inom kaya nilapitan na niya ito katabi ni Tatay Berto. "Tay, gabi na po at mukhang lasing na itong si Damien. Uuwi na po kami," paalam niya sa matanda.
"Ganoon ba? Sige, nang makapagpahinga na rin kayo. Tiyak pagod kayo kakatulong sa amin. Salamat iha."
"Wala po iyon," nakangiting tugon niya sa matanda at tumuon muli ang paningin niya kay Damien.
"Damien, uwi na tayo," aya niya dito. Niyakap siya bigla ni Damien, na ikinagulat niya habang nakaupo pa ito kaya hanggang dibdib niya ang mukha nito. Kumabog tuloy ng malakas ang puso niya.
"My Angel," bulong nito.
"Damien," bulong na rin niya.
"Sorry na. Huwag ka ng magalit sa akin," parang batang nakikipagbati ito at ang cute nitong tignan, habang naka-pout ito. Napangiti siya at hindi napigilang tumitig sa mukha ng binata. Hindi niya akalaing may ganitong side pala ito pag nalalasing. "My Angel please, huwag ka na magalit," sabi pa rin nito.
"Lasing ka lang, Damien-
"Please," namumungay ang mga mata nito. Hinaplos niya ito sa pisngi.
"Oo na. Basta huwag mo na uulitin iyon, ha."
"Oo."
"Tara na. Umuwi na tayo at hating-gabi na. Lasing na lasing ka na rin eh," aya na niya dito. Tumayo naman ito nang hinila niya pero bigla itong gumewang kaya inalalayan niya ito kaagad.
"Ihahatid ko na kayo. Mukhang bagsak na iyang si Damien, eh," alok ni Fredo sa kanila.
"Sige, kailangan ko talaga ng tulong sa malaking mamang ito," payag niya.
Isinakay nila sa tricycle na pag-aari ni Fredo si Damien at tumabi naman siya sa lasing na lasing na binata. Nakapikit na ito at nakasandal ang ulo sa balikat niya kaya buong bigat nito ay nasa kanya. Naaamoy niya ang hininga nito na may halong amoy ng alak, na hindi naman masama sa pang-amoy at kahit pulang-pula si Damien ang gwapo pa rin nito.
Tinulungan pa siya ni Fredo alalayan si Damien, papasok sa kwarto bago ito nagpaalam para umuwi na. Nagpasalamat na muna siya kay Fredo at inihatid ito sa labas ng bahay saka binalikan si Damien para asikasuhin ito.
"Hay naku! Iinom-inom hindi naman pala kayang dalhin," sabi niya sa natutulog na si Damien. Pawis na pawis ito kaya tinanggalan niya ito ng damit at hindi niya mapigilang titigan ang magandang katawan ng binata. Kahit halos mag-iisang buwan na sila sa lugar na ito at hindi na nakakapag-gym ang binata ay mukhang batak pa rin ito sa gym dahil sa ganda ng katawan at parang ang tigas ng dibdib nito.
"Feliza Angelie Bernardino! Huwag ka ngang titig na titig diyan sa katawan ni Damien! Act like dalagang Pilipina!" saway ng isip niya.
Inalis na niya ang tingin sa katawan ni Damien at hinubad niya ang suot na tsinelas nito. Napatitig siya sa maong na pantalon ni Damien at nag-iisip kung tatanggalin niya rin ba iyon.
"Tanggalin mo na. Para mas komportable siya," utos ng isip niya.
Napabuntong hininga siya at inabot ang butones ng pantalon ni Damien, saka dahang-dahan tinanggal iyon at ibinababa ang zipper. "Diyos ko! Ang intense!
Unti-unti niyang ibinaba ang pantalon at mariing umiwas sa pagitan ng hita ni Damien. Nag-iinit na ang mukha niya sa ginagawa niya. Ito kasi ang unang beses na may hinubaran siyang lalaki.
Nang tuluyang mahubaran si Damien, inayos niya ang mga damit na pinaghubaran nito at inilagay sa basket na nasa gilid lang ng kama nito at lagayan ng maruming damit nito.
"Success!" bulalas niya. Tatayo na sana siya nang biglang gumalaw si Damien at umupo sa kama. Napatingin siya dito at kaagad na nakita niya ang umbok nito sa pagitan ng hita na ikinalaki ng mga mata niya.
"A-ano iyon? Bakit ang tambok!
"Shattap! Eyes up!" sita niya sa sarili.
"My Angel." Napa-angat ang mga tingin niya kay Damien, na titig na titig sa kanya at may hindi mawaring emosyon sa mukha nito.
"M-matulog ka na. Lasing ka-
Napaatras siya nang tuluyan na itong tumayo. Tatakbo na sana siya paalis sa kwartong iyon nang hablutin ni Damien, ang braso niya at sinalubong siya nito ng maalab na halik. Nanlaki ang mga mata niya pero hindi siya makapalag dahil parang bakal ang mga braso nito na nakayakap sa katawan niya.
Lalong nanlaki ang mga mata niya sa tunog na nagmumula sa napunit na dress niya.
A/N
Hala! SPG na ba itechey??
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.