Damien holds his sniper gun and point it to the guy in front of Feliza. For him, their position is really easy to kill, but he need to be careful. Sa oras na magkamali siya pati si Feliza ay mapapahamak.Pinakatitigan niya ang una niyang target at nakita niya na itinutok na ng lalaki ang baril kay Feliza pero bago pa nito mabaril ang dalaga, inunahan na niya ito at sinunod niya ang tatlong malayo kay Feliza at sa huli ay ang may hawak dito. Feliza open her eyes and shocked all over her face.
Matapos niyang masiguradong napatay na niya ang mga lalaking may hawak kay Feliza, saka siya sumakay ng kotse at pinaandar ito palapit sa nasusunog ng bahay ng dalaga. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at baka may makapansin pa sa kanya. Kaagad niyang pinasok si Feliza, sa loob ng bahay at nang makita siya nito ay kaagad itong napahinto, kitang-kita sa mukha nito ang gulat.
"Surprise b***h," nakangising salubong niya dito. Napalitan ng takot ang gulat mukha nito at umatras pa ito. Tatakbo na sana ito pero mabilis niya itong nilapitan at parang sako ng bigas niyang binuhat.
"Bitawan mo ako!" sigaw ni Feliza at nagpapalag.
Pinalo niya ang pwet nito. "Shut up!" sigaw niya rin sa dalaga.
"Manyak ka! Bitawan mo ako!" sigaw pa rin ni Feliza. Mabilis ang mga paa niyang lumapit sa kotse at ipinasok sa kotse si Feliza. Pagpasok niya, nakita niya pang pilit binubuksan ng dalaga ang pinto para makatakas, pero hindi nito magawa dahil automatic lock ang kotse niya.
"Palabasin mo ako!" gigil na sigaw nito.
He felt so irritated. "You're so annoying! Shut your mouth or I will force you to do that!" banta na niya dito at matalim pa niya itong tinignan. Napinid ang labi nito at hindi na nagsalita pa. Pinaandar na niya ang kotse at mabilis na umalis. Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan siya. "I need you to clean my mess. Siguraduhin mong walang kahit anong ebedensiyang makikita."
"Yep!" mabilis na tugon nang nasa kabilang linya at pinutol na kaagad niya ang tawag.
Tinanggal niya ang bonnet sa ulo niya dahil nararamdaman na naman niyang humahapdi ang sugat niya sa ulo at ibinato ang bonnet sa likod ng kotse. "f**k!" tunghayaw niya nang mas humapdi pa iyon. Narinig niya ang pagsinghap ni Feliza, kaya napalingon siya sa dalaga at kita ang pag-aalala sa mukha nito. "What?" iritado niyang tanong dito, naiinis siya sa nakikita niyang pag-aalala sa dalaga, samantanlang ito naman ang may gawa ng sugat niyang iyon.
"Puno na ng dugo ang benda sa ulo mo," tugon nito.
"So what? I won't die on that wound."
"Pero mukhang malala-
"Do not pretend that you're worried! Because in the first place you're the one you did this to me!" pagpapamukha na niya sa dalaga. Nakita niya na gumuhit ang sakit sa mukha nito pero wala siyang pakialam at hindi dapat siya magkaroon ng pakialam, lalo pa't hindi siya sigurado kung ito nga ang hinahanap niya. Isa pa, kung si Feliza nga iyon, pakakasalan niya lang ito dahil sa taong pinangakuan niya at wala dapat ano mang maging pakiramdam siya kay Feliza, dahil minsan na siyang nagbigay ng espesyal na damdamin at minsan na siyang muntikang mamatay dahil sa damdamin na iyon sa isang tao. Kaya hindi na dapat pang maulit iyon.
"Sorry." Napalingon siyang muli kay Feliza. Nakita niya ang konsensiya sa mga mata nito, "alam ko na ang totoo, hindi mo pinatay ang kaibigan ko at humihingi ako ng tawad, kasi nasaktan pa kita dahil akala ko-
"Shut up! I don't want to hear any words from you, right now! So just, shut up!" Hindi na muling nagsalita si Feliza, hanggang sa makarating sila sa bahay niya. "Para hindi ka makatakas, I will lock you in your room. Huwag kang mag-alala hindi kita gugutumin," sabi niya kay Feliza, nang maihatid na niya ito sa kwarto nito.
"P-papatayin mo ba talaga ako, kapag hindi ako ang babaeng hinahanap mo?" Nakita niya ang takot sa mga mata ni Feliza nang tanungin siya nito.
"Gusto ko munang malaman ang resulta ng imbestigasyon, bago ako magdesisyon."
"Paano nga, kung hindi talaga ako ang hinahanap mo?" Napatitig na naman siya sa mga mata ni Feliza. "Pero kung sakali man. Parang-awa mo na, huwag mong idadamay ang malalapit sa buhay ko. Wala silang kinalaman, kung ano man ang napasok ko." Napabuntong hininga ito, "mahirap mapasok sa ganito, na laging may nagtatangka sa buhay ko. Ayaw kong may madamay dahil sa katangahan ko." Tilikuran na siya nito at umupo sa kama.
"Paano kung ikaw nga ang hinahanap ko? Papayag ka bang ikasal sa akin?" nanunubok na tanong niya dito.
"Wala naman akong choice. Mas mabuti naman iyon kesa mamatay ako, at least hindi na ako galit sayo dahil hindi mo naman pala napatay ang best-friend ko," tugon nito. Tinitigan niya ang dalaga at kita niya ang lungkot sa mga mata nito.
Nang maramdaman niyang hindi na niya makayang tignan ang kalungkutan sa mga mata nito. Tinalikuran na niya ang dalaga at lumabas na sa kwarto nito. He went straight to his room and took off the clothes he was wearing. Sa bath room siya dumiretso at tumapat sa shower, dama niya ang hapdi mula sa sugat niya kaya walang pagdahan-dahan niyang tinanggal ang benda sa ulo niya at impit siyang napaungol sa sakit.
"s**t!" he cursed. He still remembers what Feliza's said, and the sadness of her face. Hindi niya alam kung bakit parang may pumuwang sa puso niya pag naaalala ang malungkot na mukha ni Feliza at hindi niya iyon maintindihan. "What happened to me? Why I felt this strange feeling because of her sadness?" naguguluhan na niyang tanong sa sarili. Kumuyom ang kamao niya at sinuntok niya ang pader ng bathroom. Hindi niya alintana ang sakit buhat sa pagsuntok niya, tanging ang inaalala ay ang estrangherong pakiramdam mula sa puso niya.
NAALIMPUNGATAN si Feliza, nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at isang babae ang pumasok, na sa tingin niya ay isa sa mga maid ni Parker, dahil sa suot nitong uniform na suot din nang nakausap niya noon, nang tumakas siya sa poder ni Parker noong unang nakuha siya nito.
"Ma'am, inaantay na po kayo ni Sir, sa dinning area para po sa agahan," sabi nito sa kanya, nang makitang nakatingin siya.
"Kanina pa ba siya?" napaupo na siyang tanong dito.
"Hindi po. Sabi naman po niya, aantayin po niya kayo."
"Sige, pakisabi bababa na ako. After kong mag-ayos."
"Okay po, Maam."
Iniwan na siya nito kaya dali-dali siyang pumunta ng banyo, kaagad siyang naghilamos at nagmumog. Gusto pa sana niyang maligo pero wala siyang masusuot na pangpalit, kaya naghilamos at nagmumog na muna siya. Nang maayos na itsura niya saka siya lumabas ng kwarto at dumiretso ng dinning room. Hindi naman na siya nahirapan dahil halos naikot na niya ang bahay nang una siyang nakapunta dito.
Nakadama siya ng kaba nang makita niya ang likod ni Parker. Nakaupo na ito sa kaharap ng dinning table at may hawak na tasa ng kape. "G-good morning," untag niya sa binata.
Lumingon ito sa kanya. Nakasuot ito ng T-shirt na dark blue at pants na kulay brown. Magulo ang buhok nito at hindi niya maintindihan ang sarili dahil humanga pa siya sa binata. Dahil sa tingin niya, ang gandang lalaki ni Parker, ngayong umaga kahit magulo ang buhok nito.
"Sit," malamig na utos ni Parker, na agad naman niyang sinunod. "What food did you prefer to eat for breakfast?" tanong nito matapos siyang makaupo.
"Ah, rice. Nasanay kasi ako dahil nga nagtatrabaho ako," tugon niya.
Tumingin si Parker sa katulong nito. "She eat rice."
"Yes Sir," tugon ng katulong at agad siyang hinainan ng kanin at ulam.
"Thank you," sabi niya sa katulong at kumain na rin.
"What do you do for a living?" Nagulat siya sa malamig na tanong ni Parker at nakatitig pala ito sa kanya, na waring inaarok ang buong pagkatao niya.
"Nagtatrabaho ako as admin office. Actually, natanggal na ako, kaya uuwi muna sana ako sa probinsiya at pagbalik ko rito maghahanap ulit ako ng trabaho," tugon niya na napaiwas ng tingin sa binata. Naiilang na kasi siya sa pagtitig nito.
"You don't need to work. Lalo pa, pag kinasal na tayo," sabi ni Parker, na ikinasamid niya. Agad tuloy siyang uminom ng tubig. "Are you okay?"
"Y-yes." Kahit pa alam naman niya talaga na pakakasalan siya ni Parker, sa oras na malaman nito na siya nga ang hinahanap ng binata, ay hindi pa rin niya maiwasang magulat pag pinapaalala nito ang kasal na iyon. "P-pero paano nga kung hindi talaga ako-
"I won't kill you, don't worry. But you will be my one of my employees, I have to be careful, because you know everything about me." Naging matiim ang titig nito sa kanya na ikinakabog ng dibdib niya. Nakakatakot kasi talaga ang titig na iyon. "At ayaw ko sa lahat ang tinatraydor ako. Kamatayan ang kapalit ng pagta-traydor sa akin," nagbabantang sabi nito.
"O-opo, Mr. Parker," nauutal na tugon niya.
"I'm Jim Damien Parker, and you can call me Damien."
"Damien."
"O-okay."
"Your name is Feliza Angelie Bernardino and you are 27 years old. I'm two years older than you-
"How do you know everything about me?" nagulat na tanong niya. Napapa-English tuloy siya, paano kanina pa rin siya ini-English ng kausap niya.
"I have my own ways," tugon nito.
"What ways?" interesadong tanong pa rin niya dito.
"I have been investigating your life since we met. Pero wala pa ring kasagutan ang gusto kong malaman tungkol sayo."
"Ano naman iyon?
"Basta. My investigator is doing everything possible to find out the truth about your life."
"Bakit hindi mo na lang itanong sa akin. Baka naman kasi masagot-
"Sasabihin mo ba ang totoo, kung itatanong ko sayo?" Matiim na naman ang titig nito sa kanya.
"K-kung alam ko naman. Bakit hindi." Nakipaglabanan na siya ng titig dito.
"Hindi na."
"Bakit? Dahil wala kang tiwala sa akin?" may himig sumbat na tanong niya dito.
Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Damien at galit sa mga mata nito na ikinataka niya. "I never trust anyone. Because trust can kill you!" puno ng galit na tugon ni Damien, saka tumayo ito at iniwan siya.
Hindi niya maintindihan pero may nag-udyok sa kanya na tumayo na rin at mabilis sundan ang binata. Nakita niya itong naglalakad kung saan, kaya sinundan niya kaagad ito at sa swimming pool ito dumiretso, pero hindi naman ito lumusong sa tubig. Nakatayo lang ito at nakatitig sa pool habang nakakuyom pa rin ang kamao.
"If you don't trust me, why you want to marry me?" sumbat niya dito.
"To repay my debt to someone!" gigil na sigaw nito na ikinagulat niya.
Magbabayad lang siya ng utang kaya gusto siya nitong pakasalan. Naguguluhan tuloy lalo siya.
"Sino iyon? At bakit sa akin?
"That's not important. Ang importante ay ikasal tayo-
"Importante sa akin iyon! Ako ang sangkot dito dahil ako ang pakakasalan mo! Sana naman kahit paano may alam ako-
"Bakit ba napakahalaga pa sayo na malaman ang lahat?" sigaw na naman nito," hindi ka kung kanino lang ikakasal Feliza! Sa akin ka ikakasal, and I am one of the wealthy bachelor men in this country! Hindi ka na lugi sa akin at lahat ng kayamanan na meron ako ay mapapasayo na rin!" pagpapamukha nito sa kanya.
Napakuyom ang kamao niya sa inis. Naiinis siya dahil sa sinabi Damien at ipinamumukha pa nito na marami itong pera na maaring mapasakanya. "Hindi lahat ng tao ang hangad ay pera lang!" inis niyang tugon dito.
"Really?" nakangising tanong nito at nakakainsulto ang mga tingin nito sa kanya. "So, you're telling me that you're different from others? Na hindi ka naghahangad ng kayamanan?" nakakainsultong tanong ni Damien at muli nawala ang ngisi sa labi nito saka naging matalim ang titig sa kanya. "Pare-pareho lang kayo Feliza, lalo ka na. Isang mahirap at ulilang-lubos pa!" pagpapamukha nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya at nag-init ang mga mata niya. Nagbabanta ang mga luha sa mga mata niya. Hindi niya ginustong maging ulilang-lubos, hindi niya ginustong maging mahirap, pero kahit kailan, hindi siya naghangad nang malaking kayamanan para sa buhay niya at gumamit ng tao para magkaroon ng maraming pera.
"Tama ka ulilang-lubos ako at tama ka rin mahirap ako. Pero ang tanging pinangarap ko lang sa buhay ko, ay magkaroon ng magandang buhay kasama ng mga mahal ko sa buhay. Ng mga taong magiging pamilya ko at bubuo ng masaya at mapagmahal na pamilya." Pinipigil niya ang mga luha na malapit ng bumagsak. "Pinangarap kong magkaroon ng buong pamilya, na hindi katulad ng kinagisnan ko. At hindi ang tulad mo ang kayang ibigay iyon. May pera ka nga pero malapit ka sa kapahamakan at magulo ang buhay mo. Isa pa, hindi ka marunong magtiwala, ibig sabihin kahit magmahal hindi mo kayang gawin, kaya paano matutupad sayo ang pangarap ko? Sa tingin mo ba kaya akong paligayahin ng pera mo? Hindi na nakapagsalita si Damien at iyon ang pagkakataon na kinuha niya upang talikuran at iwananan ito.
A/N
Aww, grabe ka naman kasi Damien kay Feliza eh.
Repz, vote and comment naman kayo at follow na rin sa hindi pa naka-follow.
Tutuloy....
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.