DAHAN-dahang na naglakad sila Feliza at Damien, sa hallway pagkalabas nila ng kwarto. Tahimik na ang buong kabahayan at ang kaninang putukan at sigawan ay natigil na.
"Damien, wala na yata sila," untag sa kanya ni Feliza.
He really hopes so.
But knowing this kind of ambush, enemies will not stop until the target is dead. "f**k! Who the hell did this to me?
"Damien," tawag sa kanya ni Feliza.
"Huwag kang mapanatag, nandiyan lang ang mga iyan at inaantay na lumabas ang target nila. At tayo ang target nila," tugon niya dito na ikinalaki ng nga mata ng dalaga at kita niya ang takot sa mukha nito. Hinawakan niya ang kamay nito at nakita niyang nagulat ito sa ginawa niya. "We're not going to die here, so don't be afraid," paninigurado niya sa dalaga.
Hinila na niya ulit ito palakad at may isang lalaking nakasalubong sila na kaagad niyang tinutukan ng baril at pinaputukan. Napasigaw na naman si Feliza, pero dahil sa gulat sa mabilis niyang pagpatay sa taong nakasalubong nila.
Dahil sa putok ng baril nakagawa sila ng ingay at narinig nila ang mga yapak ng mga paang papunta sa kanila. Kaya mabilis silang tumakbo paalis sa kinaroroonan nila. Napasigaw ulit si Feliza, nang may bumaril sa kanila. Mabuti na lang mabilis niyang naiiwas si Feliza, sa mga bumabaril at ligtas pa silang nakatapagtago.
Mabilis din niyang hinarap ang mga ito at inisa-isang pagbabarilin.
One down!
But there were four more, so he immediately pulled Feliza and hid it behind him. Nagpaputok siya ng apat na beses sa mga kalaban.
Two down!
Nagtago ang dalawa kaya hindi pa niya napatay ang dalawa. "f**k!" tunghayaw niya nang malamang wala na siyang bala ng baril.
"B-bakit?" kinakabahang tanong ni Feliza.
"Wala na akong bala."
"Diyos ko!" bulalas nito.
Hinila niya si Feliza at ipinasok sa isang kwarto. "Stay here. I'll finish them off first."
"B-baka mapahamak ka," sabi ni Feliza, na may pag-aalala ang boses. Kaya napalingon siya rito. Kahit sa mukha nito, kita ang pag-aalala para sa kanya.
"She's worried of me?"
"Dalawa pa sila. Isa ka lang, tapos wala ka ng bala ng baril. Paano mo sila lalabanan?" sabi pa nito na ikinatitig niya muli sa dalaga.
May inilabas siya na patalim mula sa likod niya at ipinakita kay Feliza. "Don't worry, I can survive," tugon niya dito. Sinara na niya ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ni Feliza at naghanda para sa dalawa pang sumusunod sa kanila.
"Patayin na natin kaagad ang dalawang iyon. Wala tayong iiwanang buhay," narinig niyang sabi ng isa sa dalawang tao na papatay sa kanila ni Feliza.
"Pati ba ang babae? Sayang naman, hindi ba pwedeng tikman muna natin bago patayin?" tanong pa ng isa.
"Tumigil ka! Ilugar mo ang kamanyakan mong iyan!" sita ng isa.
Nakadama siya nang matinding galit sa narinig na masamang plano ng isang lalaki kay Feliza, kaya walang takot niyang sinugod ang mga ito at mabilis ang kilos na ibinato niya ang patalim sa isa, na tumarak kaagad sa lalamunan nito. Binaril siya ng isa kaya agad siyang nagtago sa bukas na kwarto at naghanap ng maaring magagamit doon para maipanglaban niya sa natitira pa. He roams the room to find what he can use to kill the man outside.
"f**k!" tunghayaw niya at napahawak sa braso niya na nagdurugo na pala. One of them shoots him and he didn't notice it. Nasa guest room siya at wala siyang makita doon na pwedeng panglaban niya sa lalaki sa labas. Kaya ang naisip niya, makikipaglabanan na lang siya gamit ang kamao.
Bumukas nang malakas ang pinto at pumasok nang mabilis ang lalaki sa labas ng kwarto. Tututukan pa lang siya ng baril nito nang sipain niya kaagad ang baril na nabitawan naman kaagad nito. Mabilis niyang sinuntok ang lalaki kaya natumba ito sa sahig pero mabilis din nakabawi at naghandang makipagsuntukan sa kanya.
Malaki ang katawan nito pero mas matangkad siya.
"Mamamatay ka ngayon at ang babae mo, pagsasawaan ko muna ang katawan niya bago ko patayin," nakangising sabi nito. Mabilis itong sumugod at sinuntok siya na mabilis niya ring nailagan at gumanti siya ng suntok dito na ikinaatras naman nito. Duguan kaaad ang nguso nito.
"No one can touch her!" gigil na sabi niya at sinugod ng sipa ang lalaki na inilagan naman nito. Nahawakan siya nito sa balikat at ipinaikot ang braso sa leeg niya. Masakit ang sugat niya dahil diniinan ito ng lalaki pero hindi niya ininda ang sakit na iyon at nakipaglabanan ng lakas dito.
Diniin ng lalaki ang pagkapit ng braso nito sa leeg niya at pinilipit ang leeg niya. "Papatayin kita!" gigil na sabi ng lalaki.
Hinawakan niya ang braso nito at buong lakas na inalis niya ito saka kaagad binali niya ang braso na kaagad na ikinasigaw nito. Sinuntok niya sa mukha ang lalaki ng tatlong beses at pinalibot niya ang braso niya sa leeg nito. Walang awang binali niya ang leeg na ikinaungol nito at nangisay sa sahig nang bitawan niya.
"Who's dead now?" nakangising tanong niya sa patay na katawan ng kalaban at sinipa pa ito sa mukha.
"Damien!" narinig niyang sigaw. Boses iyon ni Feliza at malakas pa itong sumigaw kaya mabilis siyang lumabas. Pero mabilis din siyang bumalik sa kwarto dahil may bumaril sa kanya. Mabuti mabilis ang reflexes niya at nailagan niya ang balang iyon.
Sumilip siya sa labas at nakita niya na hila-hila si Feliza ng isang lalaki at may kasama pa ang lalaki na dalawa pang lalaki.
Nang makalayo ang mga ito saka siya lumabas ng kwarto. Kinuha niya ang baril ng patay na katawan sa hallway at tinignan kung may bala ito. Nang masigurado na sapat ang bala ng baril saka niya sinundan ang mga dumukot kay Feliza at nakita niyang ibinaba ng mga ito ang dalaga sa sala. May lalaking nag-aantay doon na prente ang upo sa sofa.
Tinitigan niya ang lalaking nakaupo at hindi niya ito kilala.
Inilapit si Feliza sa lalaki at binitawan sa harap mismo ng lalaking nakaupo sa sofa. Ngumisi ang lalaki at kinuha ang baril sa isang tauhan nito. Mabilis siyang dumapa sa pinakapuno ng hagdanan at itinutok ang baril sa lalaking kaharap ni Feliza.
"Mr. Parker!" sigaw ng lalaking nasa harap ni Feliza at itinutok ang baril kay Feliza. "May hostage ako na tingin ko, mahalaga sa'yo. Kaya kung ayaw mong tadtarin ko ng bala ang babaeng ito." Ngumisi ito,"lumabas ka!
Natigilan siya.
Hindi siya pwedeng lumabas dahil sa oras na ginawa niya iyon tiyak may posibilidad na mamatay siya at hindi niya maililigtas si Feliza.
"Pag hindi ka lumabas diyan. Papatayin ko ang babaeng ito!" banta na nito at itinutok na ang baril sa ulo ni Feliza. "Isa!" bilang nito.
"f**k! f**k! f**k!
NAPAPIKIT si Feliza. Ito na 'ata ang oras ng kamatayan niya. Ilang beses na siyang nakaligtas sa kamatayan pero mukhang dito hindi siya makakaligtas.
"Dalawa!" bilang na sigaw ng lalaki sa harap niya.
Pinapalabas nito si Damien, para mailigtas siya pero mukhang malabo iyon. Sa oras kasi na ginawa iyon ni Damien, tiyak ang kamatayan nito.
"Tatlo!" Lalong diniinan ng lalaki sa harap niya ang baril na nakatutok sa ulo niya. Napapikit na siya.
"Diyos ko, pakiusap tanggapin niyo ako sa langit sa oras na mamatay ako. Wala naman akong masyadong nagawang kasalanan saka mabait po akong tao. Hindi ko po ginusto na mapasok sa ganitong gulo." piping dasal niya sa sarili.
"Apat!
"I'm here! Napalingon siya sa sumigaw.
Si Damien, nasa tuktok ng hagdanan, nakataas ang dalawang kamay at sumuko para sa kanya, kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
Bumaba na ito sa hagdanan na nakataas ang mga kamay at nang makababa na ito sa pinakadulong hagdan ay sinalubong siya ng tatlong tauhan ng lalaking nasa harap niya at kinapkapan. May nakuhang baril sa katawan niya kaya kinuha ito ng isa sa lalaki at hinawakan ng dalawang lalaki ang kamay ni Damien, saka inilagay sa likod nito. Inilapit ng dalawang lalaki si Damien, sa kaharap niyang lalaki at nagkatabi na sila.
"Damien, sorry," naiiyak niyang sabi sa binata. Tinignan siya ni Damien, pero hindi ito nagsalita. Tumuon ang paningin nito sa lalaki sa harap nila.
"Who are you?" matapang na tanong ni Damien dito. Ngumisi ang lalaki at itunusok ang baril sa balikat ni Damien. Nakita niya na nagdudugo iyon kaya nanlaki ang mga mata niya.
"May sugat siya!
"Ako lang naman ang papatay sayo," nakangising tugon ng lalaki. Diniin pa niya ang bunganga ng baril sa sugat ni Damien. Nasasaktan si Damien, pero tinitiis lang nito ang sakit. Kita sa mukha nito ang pagtitiis sa sakit na nararamdaman.
"Tigilan mo iyan! Huwag mo siyang saktan!" sita niya sa lalaking nasa harap nila.
"Ano?" gulat na sabi ng lalaki sa harap nila," ako inuutusan mo?" tanong nito, na hindi makapaniwala.
"Nasasaktan mo na siya! Ang sadista mo naman!" matapang na tugon niya. Sa totoo lang natatakot siya pero sinaway na niya ito kanina, kaya paninindigan na niya.
Natawa ang lalaki at inalis ang baril sa balikat ni Damien. "Ang tapang mo ah," natatawang sabi pa nito. "Kung patayin na kaya kita?" gigil na sigaw na nito sa kanya. Itinutok na sa kanya ang baril.
"No!" sigaw na sabat ni Damien. "Wala siyang kinalaman dito-
"Meron! Dahil kaibigan niya ang isa sa naging meyembro ng Black Tiger na hinahanap na rin namin para patayin."
Nagulat siya na napatitig sa lalaking kaharap nila. "Si Yvonne, ang tinutukoy nila!"
"Siya at ang kaibigan niya ang pinapapatay sa amin at ikaw rin. Nakakatuwa ngang nagsama pa kayong dalawa, kaya isahang trabaho na lang ang gagawin namin," nakangising sabi pa nito.
"Bakit niyo ako papatayin eh, siya lang naman pala at ang kaibigan niya ang dapat niyong papatayin?" tanong ni Damien, na ikinali ng mga mata niya. Hindi kaya nagsisisi na ito na iniligtas siya nito?
"Ang Black Tiger at isa pang grupo ay nagsanib pwersa para patayin ka. Masyadong sagabal ka na sa grupo namin," tugon ng lalaki.
"Ano pang grupo?" interesadong tanong ni Damien.
"Hindi mo na kailangan pang malaman," tugon ng lalaki. Ikinasa na nito ang baril at itinutok kay Damien. "Oras na para patayin ka." Nanlaki na naman ang mata niya.
Malakas na putok ng baril ang pumailanlang sa buong bahay at napasigaw siya ng malakas sa takot at gulat. "Damien!" nag-aalalang sigaw ko.
Napaluhod si Damien at kita ang sakit sa mukha nito. Sa paa muna siya binaril ng lalaki.
"Dadahan-dahanin kita para mas masaya," nakangising sabi ng lalaki sa harap nila. Itinutok nito ang baril kay Damien.
"Tama na! Parang-awa mo na!" naiyak na pagmamakaawa ko sa lalaki at napaluhod ako dito. "Kung papatayin mo kami, patayin mo na lang kami. Huwag mo ng unti-untiin pa," sabi niya sa lalaki.
"Ganoon ba? Eh, 'di sige. Ikaw ang uunahin ko!" tugon nito.
"Huwag!" tutol ni Damien.
"Mukhang mahalaga talaga sayo ang babaeng ito, ha? Siya na kaya unahin ko para mas masaktan ka, Mr. Parker," sabi ng lalaki. Itinutok na nito ang baril sa kanya.
Kita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Damien. "S-sorry Damien," sabi niya dito at napapikit siya.
Malakas na putok na naman ang narinig niya at nagulat siya nang may lumagabog na bumagsak sa harap niya at may sumunod-sunod pang putok. Napadilat siya at ang lalaki sa harapan niya ay wala ng buhay na nakahiga sa sofa. Puno ng dugo ang ulo at nang tignan niya ang tatlo pa, lahat sila nakabulagta na sa sahig at mukhang wala ng buhay.
"Anong nangyari?" gulat na tanong niya.
"Damien!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki, "ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Damien, sa lalaking dumating.
"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ligtas-
Nagulat siya nang kinuha ni Damien, ang baril at binaril ang lalaking nagligtas sa kanila na ikinalaki ng mga mata niya.
"Stephan!" sigaw ng isang babae at kaagad na lumapit sa nakabulagtang lalaki na nagligtas sa kanila.
"f**k Jim, why did you do that!" galit na sigaw ng babae.
"Luna?" gulat na tanong ni Damien. "Ikaw rin?" hindi makapaniwalang bulalas na rin nito na halatang hindi makapaniwala.
Naguluhan ang emosyon ng babae na tinawag na Luna ni Damien. "Anong ako rin?" tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ni Luna at kahit ako, nang tutukan ng baril ni Damien si Luna. "Mga traydor kayo!" gigil na sigaw ni Damien.
A/N
Paktay! Mga traydor naman pala ang mga kaibigan ni Damien.
Itutuloy...
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.