NGINITIAN si Damien ni Feliza, nang makita siya ni Feliza na pababa ng hagdan. Nasa sala ito at kasama si Luna, pati ang tatlong bata at may pinagkakaabalahan sila.
He hurriedly walks towards to her.
"Gusto mong sumali sa laro namin? Snake in ladder palit talo," alok nito sa kanya.
"No, I'm not a child to play that kind of games," he refused.
"Iba kasi nilalaro niya. Horsey-horsey," sabat ni Luna at malakas na humalakhak pa.
"What the hell are you talking about. I don't know that kind of games!" he said with an irritated tone of his voice.
"Hay engot! Hindi marunong maka-apreciate ng green joke," dismayadong sabi ni Luna, na ikinataka niya.
"What is she talking about?
"Mama, gusto ko rin maglaro ng horsey horsey. Tito Jim, can we play that game?" nakangiting sabi ni Arrow.
Nakita niya na nagulat si Luna at hinila payakap si Arrow, na lalo niyang ikinataka. "Arrow anak, huwag kang makikipag-laro sa lalaking iyan. Savage iyan, nananakit ng tao iyan," babala ni Luna sa bata. He stares Luna with a serious look but Luna didn't notice it.
"Pero Mama, I can protect myself. Kaya ko siyang saktan gamit ang pana ko," inosenteng sabi ni Arrow.
"H-hindi. Iwasan niyo ang gunggong na iyan," sabi pa rin ni Luna.
Napangiti si Feliza sa inaasta ni Luna. Mukhang naiintidihan nito ang sinasabi ni Luna. "Maglaro na tayo,"aya na ni Feliza kay Luna.
Nagpatuloy ulit ang mga ito sa paglalaro at natalo naman si Arrow, kaya pinalitan ni Blade. Siya at si Bullet ay nanonood lang sa laro nila.
"Mama," tawag ni Bullet kay Luna.
"Oh, bakit Bullet?" Hinaplos nito ang pisngi ng bata.
"I'm famished," tipid na tugon ni Bullet.
Tumingin sa wrist watch si Luna. "Oh, alas-tres na pala at meryenda time na! Sige, magluluto ako ng pasta." Tumayo na ito. Tumayo rin si Bullet at hinawakan sa damit si Luna.
"Sasama ako," sabi ng bata.
"Sige, Bullet."
"Mama ako rin. I will help you to cook," sabat naman ni Blade.
"Me too!" hiyaw naman ni Arrow.
"Paano si Tita Feliza niyo? Iiwan niyo rito?" tanong ni Luna.
"Okay lang. Kasama ko naman si Damien." Napatingin siya kay Feliza.
"Kayo na lang muna maglaro. Snake in ladder laruin niyo ah, huwag horsey horsey," paalala ni Luna, na may kasunod na tawa.
Tinignan niya ng masama si Luna, kaya hinila na nito ang mga bata at umalis.
"Nakakatuwa si Luna, ano," Napatingin siya kay Feliza.
"What's funny about her?" he annoyingly ask.
"Masayahin kasi siya at nakakahanga na kahit mukha siyang easy go lucky sa buhay, may tatlong bata siyang responsable niyang inaalagaan. Nakakahanga siya," may ngiti sa labi na sabi ni Feliza.
Napatitig siya kay Feliza. "Hindi mo pa kilala si Luna."
"Kahit na. Alam ko mabuting tao siya, kasi hindi siya mag-aalaga ng tatlong bata na hindi naman niya kaanu-ano. Mahirap kaya mag-alaga ng bata, malaking responsibilidad iyon. Tapos tatlo pa ang inaalagaan niya." Hindi siya nakapagsalita,"tapos tinulungan pa niya tayo."
"Tama ka," ayon na niya dito. Mabuting tao naman si Luna at sa kabaitan nito may isang orginisasyon siyang binitawan dahil sa may nagawa ito na akala ni Luna ay kasalanan nito.
"Ilan taon na pala si Luna?" untag ni Feliza sa kanya.
"Twenty-three," tipid na tugon niya. Nanlaki ang mata ni Feliza.
"Bata pa pala talaga siya!" bulalas nito.
"Jim!" Nagulat silang napatingin sa kadarating lang na si Stephan at kita sa mukha nito ang kaseryosohan. "You need to get out of this place. They know you're here!"
Napatayo siya at matiim na napatitig kay Stephan. "How did they know where we are?" tanong niya.
"Pinaghihinalaan pa lang nila na ako ang nagtago sayo. Kaya iimbestigahan nila ako at pupunta sila rito," tugon ni Stephan. "May spy ako sa Gang nila at siya ang nagbigay sa akin ng information."
"Anong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Feliza.
"You need to get out of here," sabat nang naglalakad na palapit na si Luna.
"Pero saan natin sila patitirahin? Hindi na pwede sa mga lugar na pag-aari ko, kasi pinaghihinalaan nila ako," Stephan said with frustration in his face. "Hindi rin pwede sayo Alpha, baka malaman niya-
"May alam ako," putol ni Luna, sa sasabihin sana ni Stephan.
"Where?" tanong niya.
Hindi na nila pinatagal pa ang paglalagi sa resthouse ni Stephan. Nagbiyahe na kaagad sila kasama si Luna, Stephan at ang tatlong bata. Umabot na ng gabi ang pagbabiyahe nila at humigit kumulang limang oras na silang bumibiyahe.
"We're here," bulalas ni Luna, na ikinadilat ng mga mata niya. Nakatulog na kasi sila Feliza at ang mga bata. Si Stephan ang nagda-drive at katabi nito si Luna, na nagtuturo kung saan pupunta. Kaya siya ay ipinikit ang mga mata upang makapag-pahinga.
"Nasaan tayo?" tanong ni Feliza.
"Nasa Quezon tayo. Dulo na ito at sa bahay na ito kayo titira," tugon ni Luna at itinuro ang bahay na hinintuan ng kotse na sakay nila.
Maliit at simpleng-simple lang ang bahay, may bakod ito na hindi lalagpas sa dibdib niya at kahoy pa ito. Gawa sa kahoy ang bahay pero mukha naman itong matibay at may mga nakapaligid na halaman sa bakod at puro puno na ang paligid.
"Nandito ka na pala, Ikay," narinig nilang sabi ng papalapit na dalawang matandang lalaki at babae sa kanila.
"Nay Martha at Tay Berto, sila nga po pala ang mga kaibigan ko," pakilala sa kanila kaagad ni Luna.
"Aba'y magsipasok na muna kayo sa bahay at nang makapag-hapunan na rin. Nakapaghanda na kami ng pagkain sa loob at nalinisan na rin namin ang buong bahay," sabi naman ng matandang lalaki, na pinaunlakana naman nilang lahat.
Maliit lang talaga ang bahay. May dalawang kwarto sa loob at isang banyo. Kawayan ang sofa sa sala at kahit ang lamesa sa maliit na kusina ay kawayan din, pero kahit maliit at salat sa mga kagamitang nakasanahan niya ay malinis at komportable naman dito at mukhang tahimik dahil halos hindi niya makita na may malapit silang kapit-bahay.
"Sino ba ang mag-asawang titira rito na sinasabi mo, Ikay?" tanong ni Nanay Martha, habang kumakain sila.
Napatingin siya na nagtataka kay Luna at ngumiti lang ito. "Sila pong dalawa, Nay." Tinuro silang dalawa ni Feliza.
"W-what are you talking about? She's not my wife!" kontra niya sa sinabi ni Luna.
"Oo nga, Luna-
"Hindi pa po sila mag-asawa, Nay. Live in partner po sila," diin na putol ni Luna at matiim na tumingin sa kanilang dalawa ni Feliza.
"Aba'y bakit hindi pa kayo magpakasal?" nagulat na tanong ni Tatay Berto.
"Wala pa pong budget. Alam niyo naman na ang pagpakasal po ngayon eh, masyadong magastos," si Luna pa rin ang sumagot.
"Sabagay. Eh, ikaw Luna, hanggang kailan ka rito?" tanong ni Nay Martha sa kanya.
"One week po ako rito, Nay."
"Mabuti naman kung ganoon," sabi ni Nay Martha.
Ngingiti-ngiti lang si Luna at kumain lang nang kumain.
"Bakit sinabi mo sa kanilang mag-asawa kami?" galit na tanong niya kay Luna, nang makaalis na ang dalawang matanda. Iba kasi ang bahay ng mga ito at medyo malayo-layo raw ang lakarin papunta doon. Ang mga bata naman ay nasa isang kwarto at natutulog na.
"Anong sasabihin ko? Magkaibigan kayo na may tinatakasang papatay sa inyo? Baliw ka ba Jim? Spyempre kailangan natin magsinungaling para maging tahimik ang paglalagi niyo rito!" iritadong tugon ni Luna.
"Tama si Alpha, Jim. You need to pretend as couple, habang dito kayo maninirahan," sabat ni Stephan.
"Hanggang kailan? Bakit kasi hindi na lang natin sila sugurin at pagpapatayin? Gustong-gusto ko nang pasabugin ang mga bungo ng mga traydor na iyon!" gigil na sabi niya.
"Ako na muna ang kikilos ngayon Jim, sa ngayon manahimik ka na muna rito. Wala ka pang kayang gawin dahil lahat ng mga tauhan at nakapaligid sayo noon ay kakampi na nila at wala ka nang kahit konting ari-arian na magagamit para magbayad ng tauhan. Siguradong sa hukay ang diretso mo pag sumugod ka. Hayaan mo muna kami ni Stephan kumilos at saka na tayo magplano sumugod," tugon ni Luna.
"f**k!" sigaw ni Damien. "Hindi! May ari-arian pa ako na tiyak na hindi pa nila nakukuha," sabi niya at nagkaroon siya ng pag-asa. "Iyong mga kompanya na pag-aari ni Mama na para sa akin pero pinsan ko ang umaasikaso. Pwede kong makuha iyon, ang perang nandoon ay pwede kong magamit."
"Huwag muna. Kakailanganin natin iyan pagdating ng panahon. Sa ngayon manahimik muna kayo rito at kami muna kikilos!" diin pa rin ni Luna.
"Ano ba kasing plano iyan? Bakit hindi mo na lang ako isama-
"Jim, please!" Mataas na ang boses ni Luna,"just trust me! Hindi ka pwedeng sumugod na lang sa isang giyera, na walang handang sandata at iyang inaasta mo ngayon at iyan ang gusto mong gawin ay maaari mong ikapahamak! Kaya sana sundin mo muna ako!"
"Bullshit!" tunghayaw na naman niya. Lalo siyang nakadama ng galit dahil wala siyang magawa para mapatay na kaagad ang mga nagtraydor sa kanya.
"Jim, hindi lang kaligtasan mo ang nakasalalay dito, pati si Alpha, ako at si Feliza. Kaya 'wag kang padalos-dalos," sabat ni Stephan.
Napatingin siya kay Feliza at kita ang takot sa mga mata nito. Nakadama siya bigla nang parang may pumipiga ng puso niya at sa isiping mapapahamak ito ay nakadama siya ng takot, na hindi niya maintindihan. Ngayon niya lang nadama ang takot na iyon para sa ibang tao at talagang naguguluhan na siya.
"Sa ngayon magpanggap na muna kayo na live in partner at dito na muna kayo manirahan. Kami ni Stephan, babalik kami sa rest house niya para oras na may pumunta doon at hanapin kayo ay nandoon kami at hindi sila maghinala na nakatunog na kami sa plano nilang pagsugod doon," untag sa kanya ni Luna.
"Okay, fine!" walang nagawang pagpayag niya. Napangiti si Luna.
"Basta huwag kayong pahahalata dito. Act simple, talk simple. At Jim! Huwag ilalabas ang pagiging halimaw. Baka mapikon ka lang kung kanino rito at manapak ka na," paalala sa kanya ni Luna.
"Fine!" iritadong tugon niya.
"Ipapabantay ko kayo rito. Si Stephan, ang babalik-balik sa inyo rito."
"Eh, ikaw Luna? Hindi ka na babalik?" tanong ni Feliza.
"May aasikasuhin ako. Pero babalik din ako," tugon ni Luna. "Huwag din kayong mag-alala sa pera. Kami ng bahala ni Stephan diyan."
May kinuha si Stephan na kung ano sa bag na maliit at pera iyon na inilapag sa center table, na gawa rin sa kawayan.
"Bente mil iyan. Kasya naman na siguro sa inyo iyan pang-araw araw habang nasa rest house kami ni Alpha," sabi ni Stephan.
Naiinis si Damien, na umaasa siya ngayon sa dalawa kahit sa pera, pero anong magagawa niya. Walang-wala talaga siya ngayon.
"I will pay you back," tugon niya kay Stephan.
Ngumiti ito. "You don't need. That's what friends are for."
"Hanggang kailan kayo rito?" tanong ni Feliza.
"One week," tugon ni Luna, "kailangan ko pang sabihin sa inyo kung paano ang pamuhay dito at kung anong pagpapanggap na dapat gawin niyo. At kung gaano ang simpleng pamumuhay dito," tugon ni Luna sa tanong ni Feliza.
Mukhang kailangan nga talagang ipaalam sa kanila lahat ni Luna, ang pamumuhay dito, lalo na siya na hindi sanay sa simpleng pamumuhay at turuan din sila kung paano sila ni Feliza magpapanggap bilang mag-asawa habang dito naninirahan.
Subalit hindi naglagi si Luna, sa probinsiyang iyon ng isang linggong inaasahan nila. Dahil may tumawag dito na naging dahilan sa pagmamadaling pag-alis nito.
Kilala na niya kung sino ang tumawag kay Luna, lalo pa't namutla kaagad ito nang masagot ang tumawag. Tinawag itong Papa ni Arrow, nang makausap ito ng bata kaya mas nasigurado na niya kung sino ito.
Sumama na ring umalis si Stephan kay Luna at para matiyak daw nito ang kaligtasan ni Luna at mga anak nito.
Sila ngayon ni Feliza ang naiwan sa bahay na iyon at kailangan magpanggap na live in partner sa lugar na iyon at sa mga taong naninirahan din doon.
Itutuloy....
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.