"IBABA mo iyan, Jim!" sigaw na utos ng nagngangalang Luna at tumayo na rin ito na nakatitig kay Damien. Nanlaki lang ang mata ni Feliza na pinagmamasdan ang nangyayari. Hindi niya kilala ang mga ito pero tingin niya malapit na magkakilala sila Damien at si Luna.
"Bakit ko gagawin iyon eh, papatayin nga kita," malamig na tugon ni Damien kay Luna.
"But why? I saved your life?" kinakabahang tanong ni Luna.
"Saved my life?" Napangisi si Damien. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Feliza kay Damien at Luna, nakadama na naman siya ng kaba. Mukhang seryoso si Damien, sa gagawin nito. "Paanong nalaman niyo na nasa kapahamakan ako? At paano mo nalaman ang bahay ko? Nagkataon lang ba ito?" sunod-sunod na tanong ni Damien kay Luna.
"May mahalaga akong sasabihin sayo at nalaman ko ito kasi nag-imbestiga ako, kailangan talaga kasi kita makausap. Nataon na nagkita kami ni Stephan, kaya nasabi ko sa kanya at sabay na kami pumunta rito," paliwanag ni Luna.
"Liar! Kayong dalawa, magkasabwat kayo at may plano rin kayong masama sa akin! Kagaya niyo lang si Garvin, na tuma-traydor sa akin!" gigil na bintang ni Damien, na ikinagulat din niya, iniisip ni Damien, na papatayin ito ni Luna at ng lalaking kanina lang binaril nito. Tinitigan ni Feliza ang babae, mukha itong hindi gagawa ng masama at mukhang bata pa ito sa kanilang dalawa ni Damien.
"Jim, magkaibigan tayo. Bakit kita ta-traydurin?" hindi makapaniwalang tanong ni Luna.
"Hindi kita kaibigan! I never trusted anyone!" galit na tugon ni Damien. Nakita niya ang sakit na dumaan sa mukha ni Luna at hindi makapaniwalang tinignan si Damien. "Sino ang nag-utos sa inyong patayin ako? Sino?" sigaw na tanong ni Damien.
"Walang nag-utos sa amin at nandito kami para kausapin ka!" galit na sigaw ni Luna. May bagsik na sa mukha nito na ikinagulat niya. Ibang-iba bigla ngayon sa paningin niya si Luna, nang una niya itong nakita kanina. "Masyado kang paranoid! Pati ba naman kami ni Stephan? Sira-ulo ka ba?
"Don't f*****g lie to me Luna!
"I'm not f*****g lying to you. Idiot!" galit na ganting sigaw na rin ni Luna, wala ng kaba sa mukha nito tulad noong unang nakita niya rito.
"Sige. Papatayin na lang kita, ayaw mo naman sabihin sa akin ang totoo," sabi ni Damien. Nakahanda na si Damien, para barilin si Luna pero may mas nauna pang bumaril at nabitawan nito ang baril. "f**k!" sigaw ni Damien at nagdudugo na ang kamay nito.
Napatingin si Luna kay Stephan. Bumangon ito na hawak ang tiyan.
Buhay pa ito!
"Hindi ako ang may gawa niyon," agad na tanggi ni Stephan, nang mapansin ang tingin sa kanya ni Luna. Kukunin pa sana ni Damien, ang baril na nabitawan pero napasigaw na naman ito, na nasasaktan dahil may tumamang kutsilyo sa kabilang kamay nito.
Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon.
"s**t!" tunghayaw ni Luna. "Bullet, Blade, come out!" galit na utos na nito.
"f**k!" bulalas na naman ni Damien. Nilapitan niya ito kaagad at inalalayan.
"Umupo ka muna," sabi niya sa binata at inalalayan paupo.
"Mama!" Napalingon siya sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dalawang batang babae na lumapit kay Luna at niyakap ng mga ito si Luna.
"What the two of you doing here?" galit na tanong ni Luna sa dalawang bata.
"Sinundan ka namin, tapos nakita namin nila Blade at Arrow na nakikipaglaban-
"Arrow? Pati siya nandito?" tanong ni Luna. Napahilot sa sentido si Luna. "Lumabas ka na, Arrow!"
May isa pang batang babae ang lumabas. Mga siyam o sampung taon gulang pa ang mga batang babaeng ito, sa kanyang pag-aanalisa. "Sorry Mama. Binaril ko siya kasi papatayin ka niya," sabi ng isang bata.
"Kukunin niya kasi ang baril ulit kaya ginamit ko hunting knife ko, para pigilan siya," sabi naman ng isa. Nanlaki lalo ang mga mata niya, sa mga sinabi ng mga bata. Itong mga batang ito, nagawang bumaril at gumamit ng patalim para pigilan si Damien?
"Mag-uusap tayo mamaya!" tugon ni Luna.
Nagulat na naman siya nang humawak na naman ng baril si Damien at itinutok iyon kila Luna. "s**t Jim! May kasama akong mga bata!" sita ni Luna.
"Do you think, I care? Papatayin ko rin sila kagaya mo!" galit na tugon ni Damien.
"Jim, bro, makinig ka na muna sa amin. May dahilan kung bakit kami nandito at para sa kaligtasan mo iyon! Hindi ka namin tatraydurin!" sabat ni Stephan.
"Why would I believe you?" tanong ni Damien.
"Listen to us first, you f*****g idiot!!" inis ng bulalas ni Luna.
"No!" desididong tugon ni Damien.
"Hindi mo pwedeng patayin si Luna. Siya ang Alpha! Sa oras na ginawa mo 'yan, hindi ka titigilan ng Omega at ang buong angkan mo para patayin!" babala naman Stephan kay Damien.
"Wala akong pakialam! Ang mga traydor ay dapat mamatay!" gigil na sabi ni Damien.
"Damien," tawag niya sa binata kaya napatingin ito sa kanya. Sa tingin niya dapat na siyang sumabat sa usapan ng mga ito at nakikita naman niya, na may point din sila Luna at Stephan, "pakinggan mo muna sila. Kasi kung talagang gusto ka nilang patayin dapat hindi ka na nila iniligtas. At isa pa, dapat binaril ka na nila, nang mabitawan mo ang baril kanina," paliwanag niya kay Damien.
"Oo nga! Buti pa ang chicks mo nag-iisip," sabat ni Stephan.
"Paranoid kasi! Ibaba mo iyang baril at umalis na tayo rito. Baka matunton pa tayo ng iba," sabi ni Luna.
Hindi ibinababa ni Damien, ang baril at nakatutok pa rin iyon kay Luna. "Damien please. Tingin ko ligtas tayo sa kanila," aniya.
"H-hindi! Mga kalaban sila!" may bahid pa ring galit na sabi ni Damien at nanginginig na ang kamay nito.
"Damien-
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil natumba na si Damien at nawalan ito ng malay.
"Damien! Damien!" nag-aalalang tawag niya pero hindi na nagmulat pa ang mga mata nito.
Lumapit si Stephan kay Damien at sinalat ang pulso nito. "Buhay pa siya. Marahil dahil sa mga sugat niya kaya siya nawalan ng malay. Isa pa, baka maubusan na siya ng dugo kaya bilisan na natin."
"Ang yabang-yabang ng sira-ulong iyan. Mawawalan naman pala ng malay dahil sa mga sugat," pumalatak pang sabi ni Luna.
"D-dalhin na natin siya sa Ospital," sabat niya na.
"Sige." Tinulungan siya ni Stephan, para buhatin patayo si Damien. "f**k! Ang sakit ng sugat ko. Humanda talaga ang gagong ito pag gumaling ako!" banta na ni Stephan.
"Ako ng bahala sa kanya. Baka lumala pa ang sugat mo," sabi ni Luna at nakipagpalitan ito kay Stephan. "Sa KH hospital natin dalhin si Jim, may kaibigan ako doon at para mailihim din na doon natin dinala si Damien at maging ligtas siya."
Wala naman tumutol sa sinabi ni Luna kaya sa KH Hospital na nila dinala si Damien at pinagamot din si Stephan doon.
---
NAGISING si Damien, na masakit ang buong katawan niya. He was lying on the bed in an unfamiliar room. May IV ang pulso niya at ngayon alam na niya kung nasaaan siya, nasa ospital siya ngayon.
The door opened and he saw Luna entered the room. "Oh, you're awake!" nagulat na bulalas ni Luna at lumapit sa kanya. Napakunot ang noo niya, natatandaan pa niya ang lahat at ang biglang pagsulpot nila Luna at Stephan sa gitna ng pag-ambush sa bahay niya. "Don't look at me like that! Dapat ako ang tumingin sayo ng masama dahil pinagbintangan mo kami ni Stephan, na traydor. Samantalang iniligtas namin kayo!" sumbat nito sa kanya.
"Really? Bakit ko kayo pagkakatiwalaan?" matalim ang matang tanong niya dito.
"Dahil kami ang nagligtas ng buhay mo. Kaya tigilan mo ako, kung ayaw mong masaktan!" banta na nito.
"Masaktan- f**k!" naputol ang sasabihin sana niya at napasigaw siyang napatunghayaw nang diinan ni Luna, ang sugat ng kamay nito.
"Ow, sorry. Akala ko magaling ka na," nakangiting sabi Luna. Tinignan niya si Luna, ng masama dahil alam niyang sinadya nito ang ginawa.
"Listen to me first Jim," may pakiusap ng hiling sa kanya ni Luna, "look, alam mong binitwan ko ang orginisasyon namin dahil nagsasawa na ako sa gulo, sa p*****n at iwan ang mga nagiging kaibigan ko para maiwas sila sa kapahamakan dahil sa buhay na meron ako. Kaya bakit iniisip mo na ta-traydurin kita at makikipagkasundo ako sa kalaban mong grupo, o sino man na may galit sayo para patayin ka?" Napabuntong hininga si Luna. "Kung ako, hindi mo tinuturing na kaibigan, ikaw kaibigan kita. Mahalaga ka sa akin, kaya hindi kita ta-traydurin," mahabang litanya nito sa kanya.
Unti-unting nawala ang kunot ng noo niya at iniwas niya ang mga tingin kay Luna. Si Luna, ang isa sa mga naging malapit sa kanya noon, na iniwasan niya, nang mangyari sa kanya ang bagay na iyon, na kailan man ay hindi niya makakalimutan. Ang nagpabago sa kanya ng lubusan.
"Makinig ka lang sana, Jim," narinig pa niyang sabi nito.
"Sige," payag niya at muling tumingin dito. Napangiti na ito, susubukan niyang pakinggang ito at baka naman totoo ang sasabihin nito sa kanya.
"Nagsanib pwersa ang Black Tiger Gang at ang Gang mo para patayin ka." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Ang Black Tiger, ay pinamumunuan ng anak ni Mr. Solano, iyong taong pinatay mo, na panganay na lalaking anak ni Mr. Solano at naghihiganti siya sayo dahil sa pagpatay mo sa ama niya. At ang Gang mo, Jaguar Gang, nakipagkasundo sila dahil kay Helvin, gusto niyang makuha ang posisyon mo na namumuno ng Gang mo at nakuha niya ang tiwala ng ibang matataas din ang miyembro sa Gang mo."
"You're lying. Hindi magagawa ng Gang ko ang sinasabi mo!" galit na turan niya kay Luna.
"Pero nagawa nila. Kaya nga muntikan ka ng mapatay sa bahay niyo, eh. May ebedensiya kami ni Stephan at pag magaling ka na-
Umupo siya sa higaan. "Hindi na kailangan gumaling ako. I want to know the truth, now!" galit na sabi niya. Muli ay gumalaw siya at nadama niya ang hapdi ng sugat niya.
"Huwag ngang matigas ang ulo mo! Magpahinga ka na muna."
"Hindi pwede! Hindi rin ako ligtas dito," tugon niya. "Si Feliza? Where is she?" nag-aalalang tanong niya.
"Ligtas kayo rito Jim, kaibigan ko ang may-ari ng Ospital na ito at sinigurado ko na ipa-sikreto ang pagpapagamot mo rito. At si Feliza, nasa Cafeteria, kumakain kasama ang mga bata."
"Ang mga bata?" nagtatakang tanong niya. Napaisip siya at naalala niya ang mga batang sumulpot sa bahay din niya. "Ang mga batang iyon, na tumawag sayo ng Mama?" gulat na tanong niya.
"Ah, oo."
"Paano ka nagkaroon ng tatlong anak? Sino ang mga batang iyon?" takang tanong na naman niya.
"Mahabang istorya." Napabuntong hininga ito.
"Iyong mga batang iyon, marunong silang bumaril at gumamit ng patalim. Paanong nangyari iyon?" naghihinala na niyang tanong.
"They trained to be assassin." Hindi makatingin na tugon ni Luna sa kanya.
"Hindi na nakakagulat," sabi niya. "Siya na naman ang nag-isip ng kalokohan na iyon, ano? At wala ka na naman magawa." Hindi tanong iyon, dahil alam na alam niya na talagang kahit ayaw ni Luna, ay wala itong magawa pag ang taong iyon ang magdesisyon.
Hindi na nagsalita pa si Luna, kaya nasisigurado niyang tama nga ang hinala niya.
Dalawang araw pa siyang naglagi sa Ospital at sa dalawang araw na iyon ang tanging nakasama niya lang ay si Feliza, dahil matapos ang pag-uusap nila ni Luna ay umalis na muna ito kasama ang mga bata. Wala rin siyang balita kay Stephan, kung ano ng nangyari dito, ang alam niya lang hindi naman ito napuruhan at nagpapagaling din ito.
"Oh, kumain ka na," sabi sa kanya ni Feliza at hinainan siya nito ng pagkain.
"Gusto ko ng lumabas. Magaling na ako-
"Anong magaling ka diyan? Baliw ka ba? Dalawang araw ka pa lang dito sa Ospital!" nagtaas ang boses na sabi sa kanya ni Feliza na ikinagulat niya. Ngayon lang siya pinagtaasan ng boses ni Feliza, na alam niyang wala naman siyang ginawang masama rito, kaya nagtataka siyang napatitig dito. Mukha naman itong hindi galit at pag-aalala ang nasa mukha nito.
"Are you mad? Why are you yelling at me?" nagtataka niyang tanong kay Feliza.
"Hindi ako galit. Nag-aalala ako sayo, paano kasi ang dami-dami mong tama ng baril tapos dalawang araw ka lang maglalagi sa Ospital? Hindi pa naghihilom ang sugat mo, kaya baka mapaano ka pag pinilit mong lumabas dito," mataas pa rin ang boses na tugon nito.
"You're worried of me?" nagulat na tanong niya. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong kumabog sa puso niya at hindi niya maintindihan ang pakiramdam na iyon. Pero dama niya na sumaya siya, sa pakiramdam na iyon at hindi niya malaman kung bakit.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.