NANLAKI ang mata ni Feliza, nang makita na may hawak ng kutsilyo si Waldo pasugod kay Babylyn, kaya napasigaw na si Babylyn sa takot. Hindi iniiwanan ni Babylyn ang ina nitong walang malay. Mabilis siyang tumakbo at niyakap si Waldo, para pigilan ito.
"Bitawan mo ako! Papatayin ko sila!" nagwawalang sigaw ni Waldo.
"Mag-hunos dili ka!" awat niya dito. Lumapit na rin sa kanila si Myrna at humarang sa harap ni Waldo.
"Waldo, mahal. Bitawan mo ang kutsilyo, sige na," nakikiusap na utos ni Myrna kay Waldo.
"Umalis ka diyan!" sigaw nito at sinampal si Myrna.
"Ate!" sigaw ni Babylyn, dahil duguan ang ilong na napahigang si Myrna sa sahig.
Hinawakan ni Waldo ang mga braso niyang nakayakap sa bewang nito at hinarap siya. Pulang-pula ang mukha pati ang mga mata nito. Sa tingin niya hindi lang sa alak ito lango ngayon dahil tingin niya naka-droga rin ito.
"Ikaw uunahin ko!" nakangising sabi nito sa kanya.
Nakaamba na ang panaksak ni Waldo sa kanya pero bago pa nito iyon nagawa ay may humila na sa kanya sa likod. Mabilis na naagaw ng humila sa kanya ang patalim kay Waldo at sinuntok ito sa mukha. Nang mapahigang duguan si Waldo sa nguso sa lupa napasigaw ito nang saksakin ito sa paa at bunutin din para sa leeg naman ito saksakin.
"Damien!" sigaw niya sa lalaki. Matalim itong tumingin sa kanya, na ikinatakot niya pero kailangan niyang labanan iyon.
Nilapitan niya si Damien at hinawakan ang kamay nito na may hawak na kutsilyo. "May asawa siya at anak. Kailangan pa ng pamilya niya si Waldo," bulong niya dito, kahit takot na takot siya.
"Wala rin naman magandang kinabukasan sa lalaking ito ang asawa't anak niya," malamig na tugon nito.
"Pero hindi pa rin makatwirang patayin siya. At isa pa, wala tayo sa buhay na kinalakhan mo Damien, nandito tayo sa probinsiya at ang mga taong nasa paligid natin ay walang alam sa totoo mong buhay. Please, 'wag mo siyang patayin." Sinubukan niyang kunin ang kutsilyo sa kamay ni Damien at nakahinga siya ng maluwang nang hinayan nitong kunin ang patalim na hawak nito saka sila tumayo. Hinawakan niya sa kamay si Damien at inilayo kay Waldo, na ngayon ay bakas ang takot sa mga mata.
Tumakbo si Myrna, palapit sa asawa niya at inalalayan ito patayo. Ngayon niya napansin na marami ng mga taong nakikiusyoso sa nangyaring pagwawala ni Waldo, pero wala man lang naglakas ng loob na umawat sa pagwawala ng lalaki.
"Are you scared?" Napatingin siya kay Damien, makikita ang pag-aalala sa mukha nito. Nginitian niya ito.
"Hindi," tugon niya.
"You're trembling," pansin nito at hinigpitan ang pagkapit sa kamay niya.
"Natakot lang ako kanina. Akala ko masasaksak na ako ni Waldo," sabi niya dito. Tumitig sa kanya si Damien at mukhang inaarok nito kung nagsasabi siya ng totoo.
Hindi nagtagal dumating si Tatay Berto at Fredo, may nagbalita sa mga ito kung anong nangyari sa bahay nila kaya napauwi ang mga ito kaagad. Nahimasmasan na si Waldo, pero ang galit ni Tatay Berto at Fredo ay hindi humupa, kamuntikan pang bugbugin ng dalawa si Waldo, mabuti at naawat ng mga kapit-bahay nila.
Si Nanay Martha naman ay maayos na. Nawalan lang ito ng malay dahil napalakas ang pagkakasampal sa kanya ni Waldo at sa ngayon maayos na si Nanay Martha. Pina-baranggay si Waldo at diniretso na rin ito ng kulungan, nang malaman naka-droga ito. Wala naman magawa si Myrna at hindi na rin siya tumutol dahil alam naman nito na mali ang ginawa ng asawa. Si Damien naman ay nanatiling tahimik at nakamasid lang pero lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Nanay Martha dahil niligtas ni Damien, ang buhay ng mga ito at wala silang kahit anong reaksyon o salita na narinig kay Damien.
"Why did you help them" untag na tanong ni Damien, sa kanya habang naglalakad sila pauwi. Madilim na, doon na kasi sila pinakain ng hapunan ni Nanay Martha sa bahay ng mga ito.
"Kasi nangangailangan sila ng tulong," tugon niya.
"Pero iyong iba, hindi sila tinulungan at nakatingin lang sa kanila."
"Natatakot siguro sila," tugon niya. Kahit siya, nagtatanong sa sarili kung bakit hindi man lang nakaisip ang iba tumulong sa nangyari kanina. Nakikiusyoso lang sila at nag-aantay ng mas matinding pangyayari.
"Ikaw? 'Di ba natakot ka rin? Bakit mo pa rin sila tinulungan?"
Napatitig siya sa seryosong mukha ni Damien. "Kasi mababait sila. Tinulungan nila tayo kahit hindi naman nila tayo kilala," tugon niya. Natahimik si Damien. Hinawakan niya ito sa braso. "Damien, pwedeng pigilan mo ang sarili mo sa pagpatay. Kanina muntikan mo ng napatay si Waldo-
"He deserves to die!"Nagtagis ang bagang ni Damien at nabitawan niya ang braso nito.
"No one deserves to die, Damien! Lalo na ang patayin ng kung sino man!" diin niya dito.
"Lahat ng masasama dapat pinapatay! Dahil kayong mababait ang mamamatay kung hindi sila papatayin!"
"Diyos ka ba para pumatay na lang ng tao? Diyos ka ba para hatulan sila ng kamatayan at huwag na silang bigyan ng chance magbagong buhay? Tao ka lang, Damien! At wala kang karapatan gawin iyon! Kaya nga may batas para sa hustisya!"
"Batas na nababayaran? Batas na wala naman magawa sa mga matataas na taong pumapatay?" nang-uuyam na tanong ni Damien.
"Na kagaya mo, na kailan man hindi pinagbayaran ang pagkitil ng buhay?" nang-uuyam na ganti niya dito. "Masaya bang kumitil ng buhay, Damien? Paano ka nakakatulog sa gabi na pumapatay ka ng tao?" Nakita niya na nagtiim-baga ito.
"Hindi mo ako lubusang kilala, Feliza! Kaya huwag kang magsalita ng parang kilalang-kilala mo na ako!" May pagbabanta na ang boses nito.
"Hindi na rin kita kailangan kilalanin, Damien. Hindi ko hahangarin makita pa ang mas madilim na buhay mo!" Tinalikuran na niya ito at naunang naglakad.
MATAPOS ng pagtatalo nila nang gabing iyon, hindi na pinansin pa ni Feliza si Damien at dumiretso na ang dalaga sa kwarto nito at doon nagkulong. Kaya ganoon na rin ang ginawa ni Damien.
The next morning, Feliza still didn't talk to him, even though they were eating together. Hindi niya alam kung paano sila magkakaayos ng dalaga at naapektuhan siya sa hindi nila pag-uusap. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naapektuhan at sa tingin niya pag tumagal pa iyon ay mababaliw na siya kakaisip kung paano siya ulit kikibuin ng dalaga.
"F-feliza," nauutal na tawag niya sa dalaga, na ipinagtataka niya.
"Bakit ako nauutal dahil lang sa kanya?
"Bakit?" she asked with a cold stare. Napalunok siya at kumabog ang dibdib niya.
"What food do you want? I will cook," sabi niya dito.
"Kahit ano. Hindi naman ako maselan," tugon nito at muling tinalikuran siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Bumuntong hininga siya at napakuyom ang kamao, hindi na niya talaga kaya ang ganitong panlalamig ni Feliza sa kanya. Nilapitan niya ito at hinugot ang braso saka iniharap sa kanya.
Shocked all over her face. "Look, I know I've been rude yesterday. I-I-I," hindi niya magawang masabi ang gusto niyang sabihin sa dalaga.
"I? What?" naghahamon na tanong nito.
"Ganoon talaga ako. Alam mo naman iyon 'di ba? Hindi ko hinahayaan na may mapalapit sa akin kaagad dahil hindi ako madaling magtiwala. Simula nang nangyari iyon, hindi ko na nagawang magtiwala kahit kanino, kahit tumulong kung kanino lang hindi ko ginagawa. Kasi tingin ko kahinaan iyon sa oras na hinayaan ko ang sarili kong tumulong sa iba. Ang pagpatay ng masasama." Napabuntong hininga siya. "Ginagawa ko iyon para sa mga taong tulad mo na mababait, na nagiging biktima ng katulad nila. Iyon ang alam kong tamang gawin kasi-kasi," napbuga na naman siya ng hangin sa bibig, "kasi naranasan ko rin na maging biktima noong panahon na katulad mo ako," mahabang paliwanag niya dito. Hindi nagsalita si Feliza. Nakatitig lang ito sa kanya. Binitawan niya ang dalaga at napayuko siya. "I'm sorry," sabi niya dito.
Ito ang unang beses na nag-sorry siya at hindi niya alam kung anong ginawa ni Feliza para mapabago siya nito ng ganito.
Tinalikuran na niya ito para iwan."Huwag ka na ulit papatay." Napahinto siya sa paglalakad. "Mangako ka. Huwag ka na ulit papatay lalo na pag hindi naman kailangan." Napaharap siya sa dalaga at nginitian na siya nito. "Kaya mo bang gawin iyon?" tanong na nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili kundi tumango. "Good!" Nilapitan siya nito at hinaplos ang pisngi niya. "Magluto ka na, gutom na ako," sabi nito sa kanya.
"Sige," tugon niya at nagmamadaling iniwan ito para pumunta sa kusina at magluto.
"ATE Feliza, buko raw. Pinabibigay ni Joey," sabi ni Babylyn. He looked at Babylyn and she has a cheerful smile on her lips.
"Ay! Thank you," nakangiting sabi ni Feliza at kinuha ang buko na may straw pa sa gitna na may maliit na butas. "Nasaan pala si Joey?" tanong pa nito.
"Ayon, oh." Tinuro ang lalaki na may iniitak na buko. "Joey!" tawag ni Babylyn. Tumingin naman ito at ngumiti na ginantihan naman ni Feliza. Senenyasan pa ito ni Feliza, na lumapit sa kanila.
Nasa bukid sila na pag-aari ng pamilya ni Babylyn. Ang alam niya si Luna raw ang dahilan kung bakit nakapundar ang pamilya ni Babylyn.
"Marami pang buko doon, Feliza. Kung gusto mo pa sabihan mo lang ako," narinig niyang sabi ni Joey na nakatabi na pala kay Feliza. Umalis si Babylyn sa tabi ni Feliza at pumalit si Joey. Napagitnaan tuloy niya at ni Joey si Feliza.
"Okay na ako dito. Salamat ulit," tugon ni Feliza. Matiim siyang napatitig sa dalawa. He really felt irritated now.
"Ang galing mong umakyat sa puno ng buko. Hindi ka ba nalulula sa taas?" Bakas sa mukha ni Feliza ang paghanga.
"Hindi. Sanay na eh," tugon ni Joey.
You look like a monkey, climbing on the tree," sabat niya. Napalingon sa kanya ang dalawa at doon siya natauhan sa sinabi niya at nasabi niya iyon dahil sa inis.
"Monkey? Ako?" nagtatakang tanong ni Joey.
"I think, he's just kidding," nakangiwing sabi ni Feliza.
"No! I'm telling the truth. You look like a monkey, climbing on the tree" paninindigan niya sa sinabi niya kanina. Tinignan siya ni Feliza at nangangastigo ang tingin nito. "A-and that's amazing!" dagdag niya. "Biruin mo iyong galing mo sa pag-akyat sa puno, higit pa sa tao. Hindi ba nakaka-amaze iyon?" Napakunot ang noo ni Feliza.
"Ah, ganoon ba?" nakangiting sabi ni Joey,"salamat pare. Nakasanayan lang talaga umakyat sa puno."
"Really? Sana meron din ako ng galing mo," tugon niya at napahaplos sa batok.
f**k! Bakit ko ba iyon sinabi? Para akong biglang naging mahina ngayon and because of this girl? Dahil ayaw ko lang mainis siya sa akin. I think I'm going crazy."
"Can I have a water? I'm thirsty" he asked. He really needs to drink to feel better. Feliza gives her bukojuice.
"Try this buko juice. Masarap siya, fresh pa," alok nito sa kanya.
"But it's yours," sabi niya.
"Okay lang naman. Oh, sorry nainom ko na pala ito, bigyan kita bago-
"No! Okay na ito sa akin, my Angel," nakangising putol niya sa sasabihin niya. "We can share a drink in one straw, you're my wife. Right?" Inilagay niya ang straw sa bibig niya at sinipsip ito habang hawak pa ni Feliza ang buko. "Hmm, delicious."
"Aww! Ang sweet!" Napalingon sila sa impit na tili ni Babylyn.
Kinuha na ni Feliza ang kamay niya na sumagi sa p*********i niya. Mukhang hindi naman iyon napansin ni Feliza, dahil pinahawak nito sa kanya ang buko na hawak nito. "Nangangalay ako kaya hawakan mo iyan," sabi nito.
Nanigas siya dahil sa kakaibang pakiramdam nang hindi sinasadyang masanggi ni Feliza, ang p*********i niya dama niya na nag-init ang buong katawan niya at dahil lang doon sa nasanggi nito ang bahaging iyon ng katawan niya.
Anong nangyayari sa kanya? Ni hindi pa nga nito nahawakan ang bagay na iyon, sa bahagi ng katawan niya tapos nag-init na siya kaagad. Samantalang ang mga babaeng naikakama niya noon ay pinapahubad muna niya bago niya maramdaman ang pag iinit na iyon.
"What was happened to me? f**k! I'm so dead!
A/N
Sorry for the grammatical error and typos
Vote and comment repz.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.