"HOW is she Doc?" Damien asked the doctor with an emotionless expression, but deep inside he really felt worried for the girl which is unconscious on the bed.
"She's okay Mr. Parker. I just give her some medicine at pampakalma dahil mukhang trauma pa siya sa pinagdaanan niya," tugon ng Doctor. Family Doctor nila ito at alam nito ang uri ng pamumuhay niya.
"Wala ba siyang bone injury? O kahit anong malalang sugat sa katawan niya?" tanong pa rin niya sa Doctor upang makasiguradong maayos talaga ang kalagayan ng dalaga.
"Wala. Namamaga lang ang mukha niya at ang leeg niya pero wala naman siyang kahit anong bone injury," tugon ng Doctor.
"Good," that's all he said. Nagpaalam na ang Doctor at iniwan siya nito mag isa.
Naglakad siya palapit kay Feliza at tinitigan ang maamong mukha nito. She's calmly sleeping on the bed, but the evidence of her tears is still in her eyes.
He looks to the girl on the bed intently. "You look like her," he whispers. Hindi na niya napigilan ang sariling haplusin ang mukha nito nang maingat at titigan ito na wari'y kinakabisa niya ang mukha sa kanyang ala-ala.
She has this simple beauty.
Makinis ang heart shape nitong mukha, matangos ang ilong at mapula ang maliit na labi na parang ang lambot at nakakaakit halikan. Gusto niya itong matikman pero nagpipigil lang siya dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa dalaga at mas lalong matakot ito sa kanya. Naaalala niya na may pagka-singkit ang mga mata nito na may inosenteng mga titig. Napansin niya ang maliit na nunal nito sa kaliwang pisngi na hindi mapapansin agad dahil maliit lang ito at parang tuldok lang iyon ng ballpen na kulay itim. Hindi siya sobrang ganda pero malakas ang dating ng ni Feliza at talagang nakuha nito ang atensyon niya. Hindi niya alam kung dahil may kamukha ito o talagang nakakakuha talaga ito ng atensyon.
Napapigtad siya at napalingon ang sa pagtunog ng cell phone niya kaya agad siyang umalis sa kinatatayuan niya at sinagot ang cellphone.
"What?" malamig na tanong niya sa kabilang linya.
"I have her information," tugon ng nasa kabilang linya.
"Good. Let's talk about that at my house now," utos niya dito. Muling tinignan niya ng babae sa kama saka tuluyang umalis sa kwartong iyon.
Nasa opisina siya at matamang tinititigan ang lahat ng impormasyon tungkol kay Feliza. Wala ang hinahanap niyang impormasyon doon at hindi pa rin nasasagot ang lahat ng katanungan niya.
"Ito na ba lahat iyon?" tanong niya sa lalaki sa harap niya nakaupo.
"Yup. Gusto mo nang mabilis na impormasyon tungkol sa kanya kaya hanggang diyan lang ang kaya ko. Bigyan mo ba naman ako ng 24 hours na assignment about sa kanya? Paano ko malalaman lahat lahat iyon, sa loob ng bente-kwatro oras?" nagrereklamong tugon nito.
"Okay. I'll give you more time. Just make sure, you will know everything about her," tugon niya dito.
Napanganga ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya na hindi rin naman niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon nito. "Ganyan ka ka-interesado sa babaeng iyan para alamin talaga lahat sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
"Stephan, just follow what my order!" may pagbabanta na niyang utos dito.
"Okay!" kibit balikat na tugon nito saka tumayo. "Goodbye Mr. Parker," paalam nito saka tuluyang umalis.
Nang wala na si Stephan sa paningin niya saka siya tumayo at may kinuha sa drawer niya. Isang baril, inilagay niya ito sa likod ng pantalon saka lumabas ng opisina.
"Meet me at Emez Night Bar," utos niya sa kausap sa cellphone saka pinutol ang tawag.
Maingay, madilim at tanging ilaw na malilikot ang nagpapaliwanag sa bar na pinuntahan niya. Maraming iba't-ibang tao na nandoon sa lugar na iyon. Iyong iba nasa dance floor at sumasabay sa maharot na saliw ng kanta at nakikipag-sayaw din sa mga kapareha nila. Ang iba naman ay nasa kanya-kanyang lamesa nila at nagpapakalunod sa alak na nasa mesa nila.
"Umupo siya sa pinakasulok na lamesa at doon nag-antay sa kakausapin niya sa lugar na iyon.
"Hi Sir, what can I get for you," masiglang tanong sa kanya ng waitress ng bar pero hindi talaga iyon ang nakakuha ng atensyon niya kundi dahil pamilyar sa kanya ang boses ng waitress.
"What the hell are you doing here?" may galit sa tono ng boses niya na tanong sa waitress.
Inosente itong tumingin sa kanya at luminga-linga sa paligid. "Ahm, Sir, ako po ba kinakausap niyo?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Galit siyang tumayo at matalim na tinitigan ang babae. "Don't pretend that you don't know me!" gigil niyang sigaw dito.
"Sir?"
"f**k! Luna don't make me mad!" banta na niya sa waitress. Ngumiti ng nakakaloko ang waitress pero unti-unting ring nawala iyon at matalim na tinignan siya.
"Don't threaten me, Damien,"may pagbabanta ring tugon nito.
"Are you following me? Or are you spying me?" mapanganib na tanong niya dito at nilapitan ito.
Nakipaglabanan naman ito ng tingin sa kanya. "Following you? Spying you?" Ngumisi ito," are you popular Mr. Parker to assume that I am following or spying you?
"Ano palang ginagawa mo rito huh? May negotation ako rito, mahalagang bagay ang pag-uusapan namin tapos nandito ka rin? So, nagkataon lang ba iyon?"
"Illegal siguro iyan ano? Kaya ka natatakot."
"You know the kind of business that I have. Kaya natural na sa amin ang ilegalidad," tugon niya at umupo na siya sa upuan. Pinakalma na niya ang sarili. "Tell me the truth Luna, nandito ka ba dahil sa akin. This is not the kind of your work. You're a journalist, paano ka naman napunta rito at naging waitress."
"Nawalan na ako ng trabaho at desperada na ako kaya pinatos ko na ito," tugon nito. Umupo na rin ito sa upuang kaharap niya.
"Don't joke around Luna,kung ayaw mong kaladkarin kita palabas dito," banta niya ulit dito.
"Takot ako," nang-aasar na tugon nito na lalong ikinainis niya. Siya si Luna, palangiti at palakaibigan pero may lihim na tinatago na hindi pwedeng ipaalam kahit kanino. Ang tunay na pagkatao nito na kagaya niya rin.
Delikado at madilim.
Pero hindi tulad niya, lihim lang sa lahat ang pagkatao nito. Kaya masaya itong namumuhay bilang journalist at malayo sa buhay na tulad niya. Pero alam niya na kumikilos pa rin ito kahit sinasabi nito na iniwan na nito ang lahat lahat. Na kumikilos pa rin ito para sa organisasyon na kinabibilangan nito at kalaban iyon ng organisasyon nila.
"Hoy!" untag nito sa kanya. Napatingin siya sa maganda at maamo nitong mukha. Maliit lang na babae si Luna pero may taglay itong galing sa pakikipaglaban na hindi inaasahan ng marami.
Totoo talaga ang kasabihan na huwag humusga sa labas na kaanyuan ng isang tao dahil hindi mo makikita ang kakayahan ng tao sa itsura pa lang. Isang halimbawa ang babaeng ito sa harap niya.
"I know I'm gorgeous, but don't look at me like that. You're so creepy," nakangiwing sabi nito. She tapped his shoulder.
"Don't touch me!" iritadong sita niya dito.
Well, knowing Luna, she is the stubborn woman he knew. Because she touches his face slowly and pinch his nose.
"Seryoso ka pa rin hanggang ngayon Mr. Parker!" nakaismid na sita nito.
Napabuntong hininga siya. "Tell me the truth, what are you doing here?" he asked her.
"I'm working," tugon nito.
"Luna-
"Kung may iniimbestigahan man ako rito Damien, hindi ikaw iyon. May ilegal na nangyayari sa Bar na ito, human trafficking." Napatitig siya sa seryosong mukha ng dalaga. Tama ito malayo sa negosyo niya ang iniimbestigahan nito.
"Alam ba niya na iniimbestigahan mo iyan? Nakita niya na napangiwi ito. Kaya nalaman na niya ngayon ang sagot sa tanong niya. "Hindi niya alam."
"Binitawan ko na ang organisasyon pero hindi ko mapigilan na gawin ang ginagawa ko noon. Lalo pa't may mga inosenteng nadadamay," tugon nito.
"Kapag nalaman niya?" sadyang pinutol niya ang tanong niya kay Luna.
"Yari talaga ako. Siguro lalatiguhin lang naman niya ako."
"Na halos ikamatay mo na kagaya noong-
"Please, Damien. Huwag na natin balikan ang nakaraan. Ikaw pala anong ginagawa mo rito?" interesadong tanong nito. Tinignan niya lang ito at hindi nagsalita. "Ang unfair mo talaga. Ako nagke-kwento tapos ikaw napakalihim," pumalatak pa ito.
"Leave me alone," utos niya kay Luna.
"Bwesit 'to! Anong order mo?" inis na tanong nito.
"Later, just leave me alone!" malamig na niyang utos. Wala naman itong nagawa kundi umalis.
Hindi nagtagal dumating naman ang taong inaantay niya.
"So, Mr. Parker nag-decide ka na bang tanggapin ang inaalok ko?" nakangising tanong agad nito sa kanya.
"I want to invest in your company. That's all that I want," malamig niyang tugon dito.
"Mr. Parker hindi ka na lugi sa anak ko kung pakakasalan mo siya. Bakit ba kasi tinatanggihan mo ang inaalok ko-
"Gusto mo bang masira ang buhay ng anak mo?" may banta sa tanong niyang iyon,"impyerno ang dadanasin ng anak mo sa oras na magpakasal kami kaya kung ako sayo pumayag ka ng mag-invest ako sa kompanya niyo."
"Hindi basta ang inaalok ko sayo-
"Alam ko naman na ang hangad mo lang rin ay magkaroon ng may makakapitan na malakas na tao para sa mga negosyo mong ilegal. Kaya gusto mong mapangasawa ko ang anak mo," nang-uuyam na sabi niya sa kaharap," hanggang sa mga armas mo lang ako makikipagnegosasyon pero sa iba mo pang ilegal na negosyo. Hindi ako makikipag-negosasyon sayo," diin niya dito.
"Mas lalo kang yayaman kung papayag ka sa inaalok ko," pangungumbinsi pa rin nito sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang mga negosyo mo para yumaman ako lalo. Dahil kaya kung magpayaman lalo, na wala ka," tanggi pa rin niya dito. Nakita niya na nagtagis ito at may poot sa mga mata nito.
Tatayo na sana siya nang biglang may lumapit na dalawang lalaki sa kanya na nasa likuran na niya at inakbayan siya. Naramdaman niya ang malamig na bagay sa magkabilang bewang niya.
Napangisi siya. "Ganito mo ako lalabanan Mr. Solano?
"Kung hindi naman pala kita mapapapayag. Mabuti pang tapusin kita para maalis ang malaking balakid sa mga negosyo ko," puno ng poot na sabi nito.
"Ako pa talaga ang kinakalaban mo?
"Bakit dapat ba akong matakot sayo?" nakangising tanong nito.
"Dapat lang dahil-
Natigilan siya nang maramdaman ang matalas na kutsilyo ng isang lalaki sa bewang niya na bumaon ng konti sa balat niya. Nasaktan siya dahil talagang ibinaon ng lalaki iyon sa balat niya pero alam niyang hindi talaga nito nilaliman ang pagkakasaksak sa kanya.
May hawak ng baril si Mr. Solano at itinutok na ito sa kanya. "Mabuti at dito mo sa lamesang ito naisip pumwesto kaya mapapadali kong magawa ang plano ko," nakangising sabi nito.
Kinasa na nito ang baril at may inilagay pa ito sa baril. Silencer iyon para walang makarinig sa pagputok ng baril.
Nang itututok na naman ni Mr. Solano ang baril sa kanya, bigla naman may dumating kaya mabilis na itinago nito ang baril para hindi makita ng dumating.
"Sir, ito na po order mo," sabi ng dumating.
Si Luna.
"Salamat Miss. Sige na kami na bahala diyan, iwan mo na kami," tugon ni Mr. Solano.
Tumingin sa kanya si Luna at ngumiti ng malapad sa kanya. Mukhang wala itong alam sa maaring kahinatnan niya.
"Kahit kailan talaga Damien, ang yabang mo. Akala mo maililigtas ka niyang tapang mo. Tama bang umalis ka sa bahay na nag iisa. Bopols ka talaga," nakangiting sabi nito.
"May alam siya!
Nagulat siya nang biglang kumilos ang mga kamay ni Luna na may hawak na pa lang baril at agad na itinutok sa ulo ni Mr. Solano. Itutok pa sana ni Mr. Solano ang baril kay Luna pero agad itong naagaw ni Luna sa lalaki.
"Ang bilis talagang kumilos ng babaeng ito."
"Ayoko naman sana mangialam kaya lang hindi patas ang laban," sabi ni Luna na hindi nawawala ang masayang ngiti sa labi, "bitawan niyo si Damien at hindi sasabog utak ng taong ito," utos nito sa mga tauhan ni Mr. Solano. Pero walang kumilos sa mga ito. "Nangangalay na ako. Baka maiputok ko na ang baril, bahala kayo," nananakot na sabi ni Luna.
"Bitawan niyo na. Ano ba!" utos na ni Mr. Solano na may takot sa mukha. Wala naman nagawa ang mga tauhan ni Mr. Solano kundi bitawan siya.
Kinuha na niya ang baril sa pantalon at walang pag aalinlangan na binaril niya ang dalawang tauhan ni Mr. Solano, na agad na bumulagta. May silencer din ang baril niya kaya walang nakapansin sa pagpatay niya sa dalawang tao ni Mr. Solano.
"Bakit mo sila pinatay?" inis na tanong sa kanya ni Luna.
"Leave us here," utos niya kay Luna.
"A-ano?" namimilog ang matang tanong nito.
"I said leave us here!" galit na sigaw na niya kay Luna.
"Grabe! Ang lupit mo talaga!" inis na sabi nito saka umalis.
Gigil na gigil siya sa pagtatraydor na iyon ni Mr. Solano at sa lahat ng ayaw niya ay tinatraydor siya. Dahil minsan ng may gumawa sa kanya n'on na hindi niya makakalimutan at naging matinding dagok iyon sa buhay niya.
"Mag-usap tayo Mr. Parker-
Hindi na nito naipagpatuloy pa ang sasabihin dahil agad na niyang binaril ito sa ulo at walang buhay na bumulagta ang katawan nito sa sahig.
A/N
Expect typos and grammatical error tina-try kong haluan ng English ang story ko sa pag-narrate pero medyo nahihirapan akong maglagay ng emotion pag English. Isa pa, hindi ako ganoon ka-confident mag-English, kaya kung may mali ako sabihin niyo lang.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.