MABIGAT ang pakiramdam at masakit ang ulo ni Feliza, nang magising siya. Nasa kwarto niya siya ngayon at hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng ligtas dahil sa sobrang pag-inom niya kagabi ay nahilo na siya at nakatulog.
Ipinikit niya at ibinukas ang mga mata saka umupo sa higaan. Umikot ang paningin niya kaya hindi muna siya gumalaw. Narinig niya ang ingay ng pagbukas ng pinto kaya napamulat siya ng mata at sumalubong sa paningin niya ang malamig na tingin ni Damien. Naka-cargo short ito at itim na T-shirt.
Ang gwapo nito sa umaga kahit hindi ito nakangiti.
"Eat your food and drink the medicine," sabi nito at inilapag sa kama niya ang tray ng pagkain. "Next time don't drink too much alcohol, if you can't handle," may bahid na iritasyon na sabi nito.
Napakunot ang kilay niya sa sinabi nito. "Naabala ka ba ng pag-inom ko? Bakit mukhang naiinis ka?" Matiim lang siya nitong tinignan at hindi nagsalita.
Kinuha niya na lang ang tray ng pagkain. Hot dog at sinangag ang pagkain niya na mukhang si Damien, ang nagluto. Kahit naman kasi lumaking mayaman ito ay marunong din siyang magluto. Susubo na sana siya kaya lang napansin niya na nakatingin pa rin sa kanya si Damien, at mukhang walang balak siyang iwan.
Nakakapagtaka kasi hindi ba iniiwasan siya nito tapos ngayon nandito pa ito sa kwarto niya at wari'y binabantayan siya. "Lumabas ka na, I can handle myself," untag niya sa binata. Hindi ito kumilos, ni inalis ang tingin sa kanya. "Damien, lumabas ka na."
"Huwag ka ng iinom ulit sa susunod at lalong 'wag ka ng makikipag-inuman sa ibang lalaki," mahinahon na sabi nito. Napatitig siya sa mukha nito na seryoso at nagulat pa siya nang umupo ito sa kama niya at matiim siyang tinitigan. "You made me so worried."
Napanganga siya sa gulat. "You're worried?" halos bulong na tanong niya.
Yes. And next time avoid men like the guy with you, yesterday. He's right, you are beautiful, but that kind of guy is not worth to trust,"bumuntong hininga ito,"play boy ang mga tulad niya."
Si s***h ang tinutukoy ni Damien at kahit siya nahalata niya na play boy ang tulad ni s***h. Pero sinabi ni Damien na tama si s***h, na maganda raw siya. Paano nito nalaman na sinabi iyon ni s***h?
"Hindi kaya naging madaldal ako kagabi? Oh my God!
Naramdaman niya na nag-iinit ang mukha niya. Hinaplos ni Damien, ang pisngi niya na ikinagulat niya. "I like you Feliza. At hindi kita pinandidirihan, like what you think."
"A-ano? You like me?" Kumabog ng mabilis ang puso niya at sa tingin niya kahit si Damien na nasa harap niya ay maririnig ang kabog na iyon ng puso niya.
"Yes," sabi nito at ngumiti ito, na lalong ikinalaki ng mata niya. Ito ang unang beses na nakita niya na ngumiti ang binata. At kung gwapo ito kahit hindi ito ngumingiti ay mas lalo itong gumwapo dahil sa pagngiti niyang iyon.
"Ngumiti ka? Damien, ngumiti ka!" bulalas niya. Mukhang kahit ito nagulat sa sinabi niya.
"Ngumiti ako. Mukhang marami ka talagang nababago sa akin." Hinawakan ni Damien ang kamay niya at pinisil ito. "Huwag ka na magalit sa akin, ha."
Tumango siya. "Basta 'wag mo na akong iiwasan na parang ang baho ko."
"Simula ngayon, hindi na kita iiwasan. Kahit mabaho ka pa," sabi nito na ikinangiti niya.
"Hala!" bulalas niya. Nakadama siya ng hiya at lumayo sa binata. "H-hindi pa ako naliligo."
"Mabango ka pa rin kahit hindi ka naligo-
"Maliligo na muna ako." Hindi na niya pinayagang pigilan siya ni Damien, nagmamadali siyang kumuha ng damit sa kabinet at lumabas ng kwarto para pumunta sa banyo saka naligo.
Damien like me. Iyon ang sabi niya. Napangiti si Feliza habang naliligo, hindi niya inaasahan na nagkagusto sa kanya si Damien, samantalang iniiwasan siya nito.
"Hindi ko natanong kung bakit niya ako iniiwasan! Kung gusto niya ako, bakit niya ako iniiwasan nitong nakaraang araw?
Nagmamadaling naligo si Feliza. Gusto niyang malaman kung bakit siya iniiwasan ni Damien, noong nakaraang araw at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan. Tinakpan lang muna niya ang katawan niya ng towel at hinanap si Damien. Sa kusina niya ito nakita kaya doon niya kaagad ito nilapitan.
"Damien, may tanong ako sayo." Napalingon ito sa kanya at nanlaki ang mata saka tinignan ang kabuuan niya.
"What the f**k! Bakit humaharap ka sa akin na iyan lang ang suot?" malakas ang boses na tanong nito.
"Ha?" Pinagmasdan ang sarili. "Anong mali sa itsura ko?" takang tanong niya. Nilapitan niya lalo ito at nakapamewang na siya. "Bakit mo nga pala ako iniiwasan nang nakaraang araw? Sabi mo like mo ako pero bakit ka umiiwas? Ni ayaw mo madikit sa balat ko-
Hinila ni Damien, ang braso niya at idinikit sa katawan niya na ikinasinghap niya. Ang lapit lapit kasi ng mukha niya sa mukha nito at napalunok siya nang tignan niya ang mapulang labi ng binata. "Do you feel it?" tanong nito sa kanya na ikinataka niya.
"Ang alin? Idinikit lalo ni Damien ang katawan at may matigas na bagay siyang naramdaman sa tiyan niya.
"You make me boner," sabi nito na ikinalaki ng mata niya. "Lalo na ngayon na tuwalya lang ang tumatakip sa katawan mo at basang-basa ka pa," ngumisi ito. "Sa tuwing lumalapit ako sayo I felt that I want you to make you mine and f**k you hard."
"A-ano?" Napalunok siya sa sinabi nito.
"Hindi ako nandidiri o nababahuan sayo kaya kita iniiwasan. Iniiwasan kita para pigilan ang sarili ko na angkinin ka dahil alam kong hindi mo iyon magugustuhan at hindi naman kasi talaga tayo tunay na mag-asawa. And I know that you don't like me, I don't want to force you to make you mine," mahabang paliwanag ni Damien sa kanya.
"I-iyon pala ang dahilan," nasabi na lang niya. Binitawan na siya ni Damien at umiwas na ng tingin sa kanya.
"Yes," tugon nito.
"O-okay," tugon niya at mabilis na iniwan si Damien. Mabilis ang t***k ng puso niya nang bumalik siya sa banyo at napabuga pa siya ng hangin. Hindi niya kasi akalain na ganoon na pala ang paghahangad sa kanya ni Damien, na gusto na rin siyang maangkin nito.
"Ano kayang feeling na maangkin ni Damien?" Nanlaki ang mata niya sa iniisip niya at inalog-alog niya ang ulo niya. "Nababaliw na ako!" God! Nakakahiya!" impit na sabi niya at nadama niya ang pag-iinit ng mukha niya.
BUMUGA NG HANGIN sa bibig si Damien, grabe ang pagpipigil niya kanina na ihiga na sa lamesa si Feliza at angkinin ng paulit-ulit. Bakit kasi bigla na lang itong lumabas at nagpakita sa kanya na ganoon lang ang suot at basang-basa pa ito, lalo tuloy siyang nakaramdam ng paghahangad na angkinin ito. Ilang-araw na rin siyang nagpipigil na angkinin si Feliza at iyon din talaga ang dahilan kung bakit niya pinilit iwasan ito at hindi dumikit sa katawan nito, dahil sa tingin niya nauubos ang limitasyon niya ni Feliza, sa pagpipigil sa tuwing nilalapitan siya nito. Hindi na niya talaga maintindihan ang sarili niya dahil hindi naman niya naranasan ang ganoong pagnanais na angkinin ang isang babae, na tulad ng nararamdaman niya ngayon kay Feliza. Noon kasi kailangan pang may gawin ang babae para mag-init siya bago niya iyon angkinin. At ang isa rin sa ikinatatakot niya ay kung gaano siya nagiging halimaw pag umamaangkin ng babae, ayaw niyang magawa iyon kay Feliza at talagang natatakot siya sa magagawa niya sa dalaga.
Napabuntong-hininga na naman siya, sobra niya talagang pinag-aalala ang nararamdaman niyang iyon para kay Feliza, dahil kilala naman niya ang sarili niya at alam niyang masasaktan niya ito sa oras na hindi niya mapigilan ang sarili. Iyon din ang dahilan kung bakit kinailangan niya na may makakausap sa pinagdadaanan niya at tanging si Luna lang ang nakausap niya kagabi. Hindi na niya kasi alam kung anong dapat niyang gawin kaya wala siyang choice kundi makipag-usap dito at sabihin ang pinagdadaanan niya.
Naalala niya tuloy ulit ang pinag-usapan nila ni Luna kagabi.
"Hey! What happened? Okay lang ba kayo diyan?" nag-aalalang tanong kaagad ni Luna nang sagutin nito ang tawag niya.
"We're okay. Don't worry."
"You made me worried. You called in the middle of the night, so I thought you're in danger."
"I just need to talk. I can't contact Stephan."
"Need to talk?" nagulat na tanong ni Luna. "Teka? Ikaw ba talaga ito, Damien? Baka naman hindi ka si Damien."
"Ako ito. And I'm serious."
"Nakakapanibago lang kasi," sabi nito,"sige ano ba iyang gusto mong pag-usapan?
"I'm horny."
Narinig niyang malakas na napamura si Luna, sa kabilang linya. "What the f**k Damien, kung horny ka dapat pa bang ipaalam mo sa akin iyan,ha? Para ka lang nagbabalita sa akin na kung ano! Iyon pala horny ka lang palang gago ka!"
"I'm serious Luna, I am horny!" diin niya dito.
"So what? Anong gusto mong gawin ko!" gigil na tugon ni Luna sa kanya.
"Help me."
"Gago ka talaga ano! Tulungan ka? Anong maitutulong ko naman sayo, hayop ka!
"Will you please, stop cursing me and just listen to me! inis na niyang tugon dito.
"Kababuyan mo kasi, eh! Tama bang tawagan mo ako para sabihin iyan! Kung babaan kaya kita-
"I like Feliza and I want to make her mine, that's why I felt horny like this," putol niya sa sasabihin pa sana nito.
"W-what!" bulalas ni Luna. "Oh my god!" tili ni Luna na dahilan para ikaiwas sa tenga ng phone niya. "Binata na talaga ang Damien namin, nai-in-love na!" sigaw pa rin nito.
"Don't scream! Sumasakit tenga ko sayo, eh!"
"Sorry, sorry. Okay back tayo sa topic natin, so dahil kay Feliza kaya naho-horny ka at gusto mo siyang maka-s*x?
"Oo, p-pero ayoko namang i-force siya, kasi alam kong mali iyon."
"Totoo naman, na mali talaga na i-force ang isang babae na makipag-s*x. Kasi rape na tawag doon."
"Kaya nga at ayaw kong gawin iyon kay Feliza, na hindi naman niya gusto. Isa pa, i know how monster I am in bed, alam mo naman siguro kung bakit hindi ba?
"Oo, alam kong lahat ng naikakama mo sa Ospital diretso at laging kawawa sayo. Ganoon ka ka-halimaw sa kama, kaawa-awa sayo ang mga babae."
"Kaya natatakot ako para kay Feliza, ayoko siyang saktan at ayokong magaya siya sa mga babaeng nasasaktan ko."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Luna. "Kung talaga naman gusto mo si Feliza, pilitin mong magbago para sa kanya, para hindi mo siya masaktan kagaya ng iba."
"P-pero paano ko magagawa iyon? Alam mo naman kung bakit ako nagkakaganito 'di ba?
"Oo at naiintindihan kita. Pero paano si Feliza? Tingin mo ba pag nagawa mo iyon sa kanya maiintindihan ka niya? Hindi siya nakapagsalita, alam niyang kamumuhian siya ni Feliza, sa oras na pwersahin niya itong angkinin at saktan niya ito.
Isipin pa lang masasaktan niya si Feliza, nasasaktan na rin siya at tingin niya hindi niya makakayang patawarin ang sarili sa oras na magawa niya iyon.
"Ano bang dapat kong gawin, Luna?" tanong niya dito.
"Kung talagang tapat ka sa nararamdaman mo sa kanya, magbabago ka. Hindi mo gagawin sa kanya ang nagawa mo sa iba at hindi mo siya sasaktan kagaya ng iba," tugon ni Luna sa kanya. "Parehas tayo na may madidilim na nakaraan, Jim at hindi naman natin ginusto iyon pero talagang nakaapekto iyon sa buhay natin. Pero alam mo maswerte ka pa rin, kasi may taong dumating, iyan na nga si Feliza. At ngayon nakakaramdam ka ng matakot na manakit muli ng tao at iyan na ang umpisa ng pagbabago mo at pagbabalik mo sa dating Jim, na nakilala ko. Kaya magsikap ka rin Jim, para sa pagbabago at para maiwasan mo ring masaktan si Feliza. Gumawa ka ng paraan para magustuhan ka ni Feliza, na hindi mo siya napo-force at dumating ang point na kahit siya ay magustuhan niya na angkinin mo siya." Hindi niya nagawang magsalita pero tama si Luna, para kay Feliza kailangan niyang magbago at para hindi rin niya ito masaktan. "I'm so happy for you, Jim. Sana tuloy tuloy na iyan at maging masaya ka rin sa huli."
"Thanks Luna," tugon niya na lang dito.
At ngayon buo na ang desisyon niya, para kay Feliza kailangan niyang magbago. Para mapasakanya ang babaeng nagugustuhan niya at magustuhan din siya nito. Hindi lang magustuhan siya ni Feliza ang gusto niya, kundi mahalin siya nito na higit pa sa nararamdaman niya at tuluyang mapasakanya ang dalaga.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.