HINDI na hiniwalayan ni Slashsila Feliza, matapos kumain naisipan niya na pumunta ng swimming pool sa bahay na iyon at lumanghap ng sariwang hangin, sumama naman si Babylyn, Michael at s***h, kaya naupo sila sa upuan na naandoon at may lamesa sa gitna.
"Saan ka sa Maynila, Feliza?" untag na tanong sa kanya ni s***h.
"Sa Quezon City," tipid na tugon niya. Sa totoo lang palakwento si s***h, minsan nakikisabat sa kwentuhan nila ni Babylyn pero ngayon lang ito dumirektang kausapin siya at magtanong tungkol sa kanya.
"Saan sa Q.C? Malay mo pagluwas natin pwede tayo magkita doon," nakangiting sabi nito.
"Insan, may asawa na iyan si Feliza, kaya bawal na iyan makipagkita kung kanino lang," nakangiting sabat na ni Michael.
Bakas sa mukha ni s***h ang gulat."May asawa ka na?" gulat na tanong nito.
Napangiti siya sa itsura nito. "Oo."
"Live-in partner, kasi hindi pa sila kasal," nakangiting sabat ni Babylyn, na ikinatingin niya sa dalaga. Nakangisi naman ito.
"Bakit hindi pa kayo nagpapakasal? Ang gandang tulad mo ay dapat pinapakasalan." Napatingin siya kay s***h.
Mabuti pa si s***h, na-apreciate ang ganda niya hindi kagaya ni Damien, na pinandidirihan siya.
"Taken pa rin si Feliza, kahit sabihin na hindi pa sila kasal ng partner niya. Kaya ikaw kuya s***h, tigilan mo pagpapa-cute kay Feliza," sabi ni Michael na ikinabalik ng huwisyo niya.
"Type mo ba si ate Feliza? Kuya s***h?" abot tenga ang ngiti na tanong ni Babylyn.
"Babylyn!" mahinang sita niya dito.
"I like her. Sino ba namang hindi eh, ang ganda niya kaya," walang pag-aalinlangan na amin ni s***h, na ikinalaki ng mga mata niya.
Seryoso ba ang lalaking ito? Gusto na kaagad siya kahit ngayon pa lang sila nagkita?
"Sabi mo maganda ako?" hindi na napigilang tanong niya kay s***h.
"Oo. Are you not aware of that?" nagtatakang tanong sa kanya ni s***h.
"Ha? Ah, kasi nakakagulat lang na nagandahan ka kaagad sa akin."
Ngumiti si s***h, na lalo tuloy na nagpagandang lalaki sa binata."Bakit? Hindi ba sinasabi ng asawa mo na maganda ka?"
"Ha?" nagulat na tanong niya.
"Hindi! Nandidiri nga siya sa akin, eh. Biglaang nagbago pakikitungo sa akin, na hindi ko maintindihan kung bakit!"
"Kung hindi ba sinasabi ng asawa mo na maganda ka," ulit ni s***h sa tanong nito.
"Sinasabi. Siyempre mag-asawa kami, siya ang unang magsasabi n'on."
"Sinungaling!" sigaw ng isip niya.
"Swerte ang asawa mo sayo," sabi pa ni s***h.
"Really, s***h? Do you really know that girl to tell her that?" Napalingon sila sa nagsalitang iyon at nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Ang lamig ng mga tingin nito sa kanila.
"T-teka? Kambal ba kayo?" gulat na tanong ni Babylyn.
"What do you think? Are you stupid to ask that some kind of question? It's obvious," tugon na naman ng lalaking kamukhang-kamukha ni s***h, pero kahit kamukha ito ni s***h, iba ang kulay ng buhok nito at kahit ang mga mata nito. Kay s***h kasi itim ang kulay ng buhok nito at brown ang mata nito pero ang lalaking kamukha ni s***h ay blonde at itim na itim ang mga mata. Palangiti si s***h at may may friendly na bukas ng mukha pero ang kamukha nito ay mukhang suplado at katulad ni Damien, malamig din itong tumingin.
Naka-polo shirt ang kamukha ni s***h, na hapit din sa katawan nito at nakaitim na pantalon.
"Wow! Kakambal mo siya s***h?" humahangang tanong ni Babylyn. Tumayo ito at lumapit sa kamukha ni s***h. Hinawakan nito ang braso ng kamukha ni s***h at hinarap nito ang lalaki.
"Don't touch me!" malamig na sabi ng kamukha ni s***h at tinabig nang malakas ang kamay ni Babylyn sa braso nito.
"Slant!" sita ni s***h at tumayo na ito.
Tinawag ni s***h na Slant ang kakambal niya. Slant ang pangalan nito.
"I want to go home! Let's go home, s***h! Naiinip na ako rito!" malamig na reklamo ni Slant.
"If you want to go home. Go home alone!" inis na tugon ni s***h dito. Tumiim ang tingin ni Slant kay s***h.
"Gusto mo bang manggulo ako rito," banta na ni Slant at sa dilim ng mukha nito mukhang seryoso ito.
"Huwag naman, insan. Birthday ko ngayon, minsan lang kayo dumayo rito, uuwi na kaagad kayo," may pakiusap na sabi ni Michael. Tumingin si Slant kay Michael.
"Fine," sabi nito at tinalikuran sila. Mabait naman pala kahit paano iyong Slant at pumayag sa pakiusap ni Michael.
"Slant, saan ka pupunta?" tanong ni s***h.
"I'm gonna stay in my room. I want to be alone, peaceful,"" tugon nito na hindi lumilingon.
"Did you eat already? Eat first before you go."
"Dalhan mo ako ng pagkain. Ikaw s***h, ang magdala para walang gulo," tugon nito at tuluyan na talagang umalis.
"Asshole!" bulalas ni s***h. Tumingin ito sa kanila with apologetic face. "I'm sorry for my twin, lalo ka na Babylyn, nasaktan ka ba?"
"Okay lang ako. Bakit parang weird kakambal mo?"
"Oo, hindi nagpapahawak iyon. Pag hindi malapit sa kanya kasi nananakit talaga iyon. Nagka-trauma kasi at hindi na rin basta nagtitiwala kung sino lang. Minsan na kasi siyang na-kidnap with my sister at nagsimula noon nagbago siya. Lalo pa't namatay ang little sister namin," tugon ni s***h, na may lungkot na sa mga mata.
"Ganoon din si Damien. Hindi kaagad nagbibigay ng tiwala sa iba."
"Mabait naman si Slant, kaso sa mga malalapit lang na pinagkakatiwalaan niya. Kaya pag hindi ka malapit kay Slant. Never touch him, marami ng na-Ospital dahil sa pananakit ni Slant."
"Ibig sabihin si Damien, hindi pa talaga ako malapit sa kanya? At hindi pa talaga siya nagtitiwala sa akin, kaya pinakikitunguhan niya ako ng ganoon?
Napuno ng lungkot ang dibdib niya. Akala niya dahil sa pinagsamahan nila ni Damien, lubos na itong nagtitiwala sa kanya. Pero nagkamali siya at nasasaktan siya ngayon dahil umasa siya na itinuturing na siyang malapit na kaibigan ni Damien.
"Asa ka pa! Sila Luna at Stephan nga na matagal na niyang kakilala, hindi niya pinagkakatiwalaan. Ikaw pa kaya na bago lang? Napabuntong hininga siya. "Walang puwang sa puso ni Damien, ang pagtitiwala sa iba, kaya mag-iingat ka. Naalaa mo si Garvin na kanan kamay ni Damien, na pinatay sa harap mo? Hindi ba pinatay niya iyon kahit matagal ng naninilbihan sa kanya?
Tama, nalaman niya lang din kay Luna ang tunay na kwento kung bakit biglaan ni pinatay ni Damien si Garvin, na dumukot sa kanya noon at muntikan pa siyang balian ng leeg.
"Pero nag-traydor kasi iyon kay Damien?" pagtatanggol pa ng isip niya kay Damien.
"Kahit na! Iyon nga pinatay niya agad, ikaw pa kaya na bago lang na nakilala? Kaya mag-iingat ka!
Nagtatalo ang isip niya at nakadama siya ng takot dahil sa isiping maari pa rin siyang saktan at patayin ni Damien, ano man oras.
"Feliza." Napalingon siya sa pagtawag na iyon ni s***h. "Iinom kami, join ka?" tanong nito sa kanya.
"S-sige," payag niya.
---
NAG-AANTAY si Damien, sa labas ng bahay nila Nanay Martha at Tatay Berto. Isang oras na siya doon at kanina pa siya pinapapasok ng dalawang matanda pero tumatanggi siya at si Feliza naman talaga ang dahilan kung bakit siya nandoon.
It's already eleven o'clock and Feliza was still not home. He was worried about her and her safety in this place.Nakuha ang atensiyon niya sa kotseng huminto sa harap ng bahay. A Red Suzuki Swift car.
Naunang lumabas si Babylyn, sa kotse at isang lalaki ang sumunod. Napatayo si Damien, nang may binuhat ang lalaki sa palabas ng kotse at mabilis siyang napalapit sa mga iyon.
"What happened to Feliza?" may bahid na galit na tanong niya.
"Nalasing po siya, kuya," agad na tugon ni Babylyn.
"She's drunk?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Why did you let her drunk, Babylyn?" kastigo niya sa dalaga at nabakas sa mukha nito ang takot.
"Sorry dude, it's my fault actually. Ako nag-aya kay Feliza uminom," sabat ng lalaki.
Napakuyom ang kamao niya at kaagad kinuha si Feliza, na binubuhat ng lalaki. Malakas niya pang tinapik ang lalaki sa braso nito. "Ouch!" bulalas nito. Nilakasan niya ang pagtapik na iyon at sigurado siyang mamamaga iyon.
"Anong nangyari, kuya s***h?" nag-aalalang tanong ni Babylyn, dahil hawak hawak ng lalaki na nagngangalang s***h at halata sa mukha na nasaktan ito.
"N-nothing," tugon nito.
"Umuwi ka na at 'wag ka ng magpapakita pa sa asawa ko!" May banta ang boses niya. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ni s***h sa braso nito ay ngumisi pa rin ito sa kanya.
"Possessive," sabi nito at tumalikod na para sumakay sa kotse.
"Ingat ka kuya s***h," pahabol ni Babylyn. Tumango lang si s***h at tuluyang sumakay sa kotse.
"Iuuwi ko na si Feliza," paalam niya kay Babylyn at lumakad na pauwi habang buhat ang dalaga. Gumalaw ang ulo ni Feliza at nagmulat ng mata. "Are you okay?" he asked her with worried tone
Feliza touched his face softly. "Ikaw ba iyan Damien?" she asked.
"Yes, why did you drunk yourself?" may iritasyon ng tanong niya dito.
"Hindi ka na nandidiri sa akin? Magkadikit na ang katawan natin, oh." Hindi nito sinagot ang tanong niya.
"Hindi ako nandidiri sayo-
"Pero iniiwasan mo ako." Mariin ipinikit nito ang mga mata.
"Nahihilo ka ba?" nag-aalala niyang tanong dito.
Muli dumilat ang mga mata nito at mapungaw itong tumitig sa kanya. "Hindi naman ako pangit 'di ba? Sabi ni s***h, maganda raw ako." Pinaikot nito ang kamay sa batok niya at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Sabi ni s***h, like niya raw ako kasi maganda raw ako. Ikaw ba hindi mo ako like?"
"f**k!
"Ganyang ang mga style ng mga play boy. Kaya don't trust him easily," tugon niya.
Umingos ito. "So, sinasabi mo pangit talaga ako! Kaya ba pinandidirihan mo ako at hindi kaagad pinagkakatiwalaan?" may sama ng loob na sabi nito.
"No, that's not what I mean-
"I hate you!" nakasimangot na sabi nito. "Hindi na rin kita lalapitan simula bukas at hindi na kita papansinin! Kung ayaw mo sa akin, mas ayaw ko sayo-
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin pa ni Feliza at pinutol na niya ito ng halik. He feels the soft lips of Feliza and her lips are the sweetest lips his ever taste.
Narinig niyang umungol si Feliza, sa maalab na halik niyang iyon at nagpainit iyon sa pakiramdam niya. Gumanti si Feliza sa halik niya na mas lalong umalab sa nag-iinit niyang pakiramdam.
"Damien," ungol nito.
Inihiwalay niya ang labi sa dalaga at idinikit niya ang noo sa noo nito. "Hindi ka pangit, Feliza. You're the most beautiful girl I ever saw at hindi ko pandidirihan ang kagandahang meron ka," sensirong sabi niya sa dalaga.
"Bakit mo ako iniiwasan?"
"Because I want you to be safe. Natatakot ako sa sarili ko na baka masaktan kita." Pumikit na naman si Feliza at pilit na dumidilat ulit. "Matulog ka na," sabi niya sa dalaga. Hindi na nga ito dumilat pa.
Nang makarating sila sa bahay diniretso niya ang dalaga sa kwarto at inihiga niya doon. Tinanggal niya lang ang suot na sapatos nito at kinumutan ang katawan saka iniwan.
Nasa labas siya ng bahay at malalim na bumuntong hininga. Mas lalong lumalala ang nararamdaman niya at hanggat napapalapit siya kay Feliza ay nauubos ang pagpipigil niya na hindi niya na talaga maintindihan.
Kinuha niya ang cellphone na ibinigay sa kanya ni Stephan at sinubukang tawagan ito pero not coverage ang lalaki, kaya si Luna na lang ang sinunod niyang tawagin.
"Hey! What happened? Okay lang ba kayo diyan?" nag-aalalang tanong kaagad nito.
"We're okay. Don't worry."
"You made me worried. You called in the middle of the night, so I thought you're in danger."
"I just need to talk. I can't contact Stephan."
"Need to talk?" nagulat na tanong ni Luna. "Teka? Ikaw ba talaga ito Damien? Baka naman hindi ka si Damien."
"Ako ito. And I'm serious."
"Nakakapanibago lang kasi," sabi nito,"sige ano ba iyang gusto mong pag-usapan?
"I'm horny."
Narinig niyang malakas na napamura si Luna, sa kabilang linya.
A/N
Siraulong Damien, tatawag lang kay Luna para sabihin iyon :D :D
Oo nga pala, si Slant makikilala niyo ng lubusan sa Agreement Series 2 ng Fragile Heart at si s***h sa Agreement Series 4 ng Unchained by Him.
Vote and Comment kayo, repz, dumadami ang reads pero ung vote and comment kokonti.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.