HINDI naman nagmatigas si Damien, nang hindi pumayag si Feliza na umalis kaagad sila sa Ospital matapos ang dalawang araw. Pumayag din ito, na maglagi pa ng ilang araw sa Ospital kaya nakahinga si Feliza, nang maluwang at nawala kahit paano ang pag-aalala niya sa binata.
Matapos ang isang linggo dumalaw si Luna at ang tatlong mga anak nitong babae. Nagtataka pa rin siya paano nagkaanak ng tatlong babae si Luna, samantalang ayon sa kaalaman niya na sa mga bata mismo nanggaling, wala raw asawa o kahit karelasyon si Luna at sampung taon na ang isa at siyam naman ang dalawang bata. Pareho ang edad ng dalawamg bata at tingin niya kung maagang nagkaanak si Luna, sobrang bata pa nito para magbuntis dahil ang alam niya mas matanda siya kay Luna nang ilang taon.
Naguguluhan talaga siya, sabagay magulo naman talaga ang mga ito at saksing buhay siya sa gulo ng mga buhay nito, ganoon din si Damien.
"Ilalabas ka na namin sa Ospital at sa isang rest house kayo muna mag-stay. Pag-aari iyon ni Stephan, doon na muna kayo maglagi, hanggang sa gumaling ka ng tuluyan," sabi ni Luna kay Damien.
"Akala ko ba ipapakita niyo sa akin ang ebedensiya ng pagta-traydor sa akin ng Gang ko. Bakit hanggang ngayon wala pa?" malamig na tanong ni Damien kay Luna. Bumuntong hininga si Luna.
"Hindi pwede dito. Delikado, kaya doon na sa rest house," tugon ni Luna.
Hindi naman na nagsalita pa si Damien, pero kita sa mukha nito na wala pa rin siyang tiwala kay Luna.
Hindi nagtagal ay umalis na sila sa Ospital at dinala sila ni Luna, sa isang bahay na ang lalayo ng kapit-bahay. Napapalibutan iyon ng mga puno at mga halaman sa paligid at ang malaking bahay na iyon ang tanging nakatayo sa lugar na iyon.
Pagpasok nila sumalubong sa kanila ang magaan sa paningin na pintura at ang simpleng kagamitan sa buong bahay. Gawa kasi sa rattan ang mga sofa at center table na nasa sala. Nilagyan lang ng foam ang sofa para malambot itong uupuan. May swimming pool doon na kitang-kita kaagad at may kubo pa sa may mga katabing halaman.
"Oh, nandito na pala kayo," salubong sa kanila ni Stephan. Naka black T-shirt ito at cargo short. Mukhang magaling na ito sa tinamong sugat mula sa pagbaril sa kanya ni Damien. Napatitig siya kay Stephan, ngayon niya na-apreciate ang kagwapuhan nito at mukhang friendly ito, hindi tulad nitong si Damien.
"Hey! Why are you staring at him like that?" Nagulat na napatingin siya sa nagtanong na si Damien at salubong ang kilay nito na nakatingin sa kanya.
"Ha? H-hindi ah!" nahihiyang tanggi niya. Bakit ba kasi napansin ng Damien na ito na tumitig siya kay Stephan, tapos ang lakas pa ng boses nang tanungin siya. Nakakahiya tuloy.
"She just appreciated my handsomeness, Jim," tugon ni Stephan, na may naglalarong ngiti na ikinainit ng mukha niya.
Nakakahiya!
Matalim na tumingin si Damien kay Stephan.
"Don't look at me like that, Jim. Baka isipin ko na type mo ako," ngingisi-ngising pang-aasar ni Stephan kay Damien.
"Tama ng kagaguhang iyan, Stephan. May mga bata akong kasama, baka matuto ng kagaguhan mo ang mga anak ko!" sita na ni Luna.
"Mama, pwede po kami maligo sa pool?" tanong ni Arrow. Kilala na niya ang mga batang ito dahil nakasama na niya at nagpakilala na ang mga ito sa kanya.
"Sige, doon muna kayong tatlo sa pool at huwag niyo akong susundan ngayon kung saan kami pupunta. May mahalaga kaming kakausapin. Okay," tugon ni Luna.
"Gusto ko sumama sayo, Mama," naglalambing na sabi ni Blade. Ang alam niya siyam na taon na ito parehas ni Arrow at si Bullet ang sampung taon.
"Blade, sandali lang akong mawawala. Saka diyan lang kami sa basement, kaya mag-antay lang kayo sa pool."
"Sige po," payag na ni Blade.
"Tara na Bullet, Blade, swimming tayo," aya na ni Arrow. Nagmamadaling tumakbo si Blade at Arrow sa pool pero si Bullet, ay nagpaiwan at matamang nakatitig kay Luna. Sa dalawang bata si Bullet, ang tahimik at hindi madaling makuha ang ugali pero pagdating kay Luna, napakalambing nito at ayaw halos mahiwalay.
"Bullet, sundan mo na mga kapatid mo doon," utos ni Luna. Yumakap ito kay Luna at parang ayaw mahiwalay.
"Kami na lang pupunta doon, Luna. Dito ka na muna sa mga anak mo," sabat ni Stephan. Tumango lang si Luna at kinarga si Bullet, saka lumakad papuntang swimming pool. Matiim ang tingin ni Bullet sa kanila na ikinataka niya.
"That kid name Bullet, is so strange. She doesn't act like her age," narinig niyang sabi ni Stephan.
"She's just like me," tugon naman ni Damien. Mataman siyang napatitig dito at kita niya ang lungkot sa mga mata nito.
"Pumunta na tayo sa basement, nang malaman mo na ang buong katotohanan," aya ni Stephan na seryoso na rin.
Naglakad na sila patungo sa basement at hindi niya alam kung ano ba ang dahilan kung bakit sila pupunta doon. Hindi rin siya kasi nagtatanong, kung anong gagawin nila doon. May pinasukan silang pinto sa sulok ng bahay at may hagdanan doon pababa, na tinahak din nila. Pagbaba nila may pinto na naman silang pinasukan at pagpasok nila doon ay kadiliman ang sumalubong sa kanila.
"Buksan ko lang ang ilaw," sabi ni Stephan. Lumiwanag naman kaagad sa buong kwarto at nanlaki ang mga mata niya, sa nakita sa loob ng lugar na iyon.
Malinis ang lugar pero may iba't ibang patalim na nakasabit sa pader ng kwartong iyon na naka-arangge, may malalaki at maliliit. May mga upuan doon na bakal at may kadena sa may paahan at sa sandalan na parang pinasadya. May higaan na may kadena rin sa head board at bakal din ang higaan na iyon. Napansin din niya ang iba't-ibang baril na naka-display sa isang babasaging divider.
Napalunok siya dahil kahit maayos at malinis sa lugar na iyon, ay nakakatakot pa rin ito, parang hindi lang ito basta basement. "A-ano ang lugar na ito?" tanong niya.
"This is my torture room," nakangising tugon ni Stephan. Nanlaki na ang mga mata niya. "Huwag ka matakot, wala pa naman akong pinatay rito," nakangisi pa ring sabi ni Stephan.
"Where are them?" tanong na ni Damien.
"Wait," tugon ni Stephan. Lumakad ito at may nilapitang malaking kabinet. Hindi niya napansin ito kanina.
Binuksan ito ni Stephan at tatlong tao ang natumba palabas sa kabinet na iyon. Isang babae at dalawang lalaki. Nakatali sa mga kamay ang mga ito at ang bibig nila ay binusalan din. Kilala niya ang isang lalaki. Siya iyong driver nila Damien, pero ang babae at isa pang lalaki ay hindi niya kilala.
Hinila ni Stephan ang isang lalaki at inilapit ito ni Stephan sa kanila. Nakaluhod ito sa harap nila.
Tinanggal ni Stephan ang busal sa bibig nito. "Magsalita ka na!" utos ni Stephan sa lalaki.
"Boss, sorry po. H-hindi ko naman gustong traydurin ka. Kaya lang tinakot ako ni Sir Helvin, na kapag hindi ako sumunod sa kanya at palihim na kausapin ang iba pang miyembro ng Jaguar gang para kalabanin at traydurin ka, papatayin niya ang buong pamilya ko. Wala akong magawa, boss," paliwanag nito at nanginginig ang boses nito.
"Na-freeze na rin ang lahat ng account mo, Jim at wala ka na rin kompanyang babalikan dahil lahat ng iyon nakuha na ni Helvin," sabat ni Stephan. Napatitig siya kay Damien at kita niya ang poot sa mga mata nito pero kalmado pa rin ito. "Mukhang nakuha lahat ni Helvin, ang loob ng lahat ng miyembro at lahat ng mga tauhan mo," dagdag ni Stephan.
"Si Garvin din kasabwat niyo?" mahinahong tanong ni Damien, sa lalaking nakaluhod sa harap nila.
"O-opo boss. Siya ang nag-report sa amin lahat ng ginagawa mo."
Hindi niya kilala si Garvin at ilang beses na niyang narinig ito. "Sino nakialam sa mga account ko?" mapanganib na tanong ni Damien.
"Si Alicia," tugon ni Stephan. Naglakad ito palapit sa babae at hinila ito palapit kay Damien. Tinanggal din ni Stephan ang busal sa bibig ng babae. "Ang magaling na secretary mo," dagdag nito.
"Sorry po Sir, sorry po," umiiyak na kaagad na sabi ng babae.
"Bakit mo ako trinaydor?" mapanganib na tanong ni Damien.
"W-wala akong magawa, Sir. Ang asawa ko nasa Ospital, k-kailangan ko ng pera, ooperahan-
Mabilis na nilapitan ito ni Damien at nanindig ang buong pagkatao niya sa takot nang balian ng leeg ni Damien si Alicia, nang walang alinlangan. Napatili ang babae at nangisay sa sahig.
Lumayo si Damien at lumapit sa mga display na patalim at kinuha nito ang mahabang espada saka bumalik patabi sa kanila.
"B-boss, maawa ka sa akin. May pamilya ako, marami akong mga anak. B-biyudo na ako at wala ng mag-aalaga sa tatlong anak ko. Huwag niyo po akong patayin, parang-awa mo na po." Naghalo na ang luha at sipon sa mukha nito kakaiyak.
"I don't care!" puno ng galit na sabi ni Damien at walang alinlangan na ginamit nito ang espada at nahiwalay ang ulo sa katawan ng lalaki. Sumirit ang dugo nito at tumalsik pa sa damit niya.
Nanginig sa takot si Feliza, ilang beses na siyang nakakita ng pinatay sa harap niya, pero ito ang pinakamatindi sa lahat at nagmamakaawa pa ang mga ito bago patayin ni Damien.
"Savage," bulalas ni Stephan, pero may ngisi sa mga labi nito.
Bakit hinahayaan ni Stephan, ang kalupitan ni Damien? Kahit sabihin na mali ang ginawa ng tatlong taong nandito sa harap nila, mali pa rin na basta na lang tumapos ito ng buhay.
He is a savage and he's no mercy to kill. That's what he was, at ngayon napatunayan na niya iyon, sa nasaksihan niyang kalupitan nito.
Nakakatakot pala talaga ang tunay na pagkatao ni Damien at lahat ng ito, ay nakita niya ngayong araw. Gusto niyang pigilan ito sa pagpatay pero natulala lang siya dahil sa lahat ng nasaksihan niya. Natulala siya sa takot na nararamdaman niya.
Nilapitan ni Damien, ang isa pang natitirang buhay at napaatras ito sa takot."Dahil sayo namatay ang ilang inosenteng tao, na kasamahan mo sa pag-ambush sa akin ng mga kinampihan mo! Ano sa tingin mo dapat kapalit niyon, ha?" mahinahon pero puno ng poot na tanong ni Damien. Hindi makapagsalita ang driver, dahil binusalan ang bibig nito at nakatali ang mga kamay nito. "Kamatayan din!" sabi ni Damien at tinusok niya ang talas ng patalim sa tiyan nito. Malakas na napasigaw ang driver at bumagsak sa sahig.
"Damn! Anong ginawa niyo!" Napalingon siya sa sumigaw at kitang-kita sa mukha nito ang hindik sa nakitang mga patay sa basement na iyon.
Si Luna. Lumapit ito sa kanila.
"Stephan, anong ginawa niyo?" muling tanong nito.
"H-hindi ako. Si Jim, ang may gawa niyan lahat," tanggi ni Stephan.
"Dapat lang sa kanila iyan. Mga traydor sila!" puno ng poot na sabat ni Damien.
"Dapat lang sa kanila iyan. Mga traydor sila!"
"Dapat lang sa kanila iyan. Mga traydor sila!"
Paulit-ulit iyong umalingaw-ngaw sa pandinig niya at nanginginig na siya sa sobrang takot.
"Wala sa usapang patayin sila!" gigil na sabi ni Luna. "Bakit mo pinabayaan, Stephan!
"Anong magagawa ko? Eh, ginawa na niya," katwiran ni Stephan.
Napakuyom ng kamao si Feliza at may naramdaman siyang likido sa kamay niya. Pagtingin niya may dugo sa isang kamay niya, na lalong ikinahindik niya.
Galing iyon sa pinatay ni Damien, ng walang-awa.
Patuloy sa pagdadakdak si Luna, pero wala na siyang narinig sa mga sinasabi at naiintindihan sa mga sinasabi nito.
Hanggang sa nagdilim ang paningin niya at tuluyan nang nawalan ng malay.
A/N
Hindi kinaya ni Feliza, ang mga pangyayari. Ano na kayang mangyayari sa susunod??
Repz, vote and comment kayo nakakagana iyon promise...
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.