HINDI sa isang mamahaling restaurant si Shania dinala ni Xander o sa tourist spot ng Paniqui Tarlac kundi sa malinis na ilog siya nito dinala na hindi naman sobrang kalayuan sa bahay ng Papa nito at naglagay ng tela si Xander sa madamong bahagi doon at mga pangmeryenda nila.
Maganda at malinis ang ilog at napapaligiran ng mga puno at mga halaman kaya dumadagdag iyon sa ganda ng lugar at napakalinis din doon. Halatang walang gaanong pumupunta na mga tao dahil napapanatili ang kalinisan ng buong paligid.
Tahimik sa buong paligid at tanging maririnig lang ay ang daloy ng ilog, mga ibon, insekto at kung magsasalita sila ay ang mga boses nila. Masarap din sa pakiramdam ang hanging nanunuot sa balat nila at kahit ang hangin ay dama ang kalinisan.
“I go and bathe in this river every time I visit……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.