MASAMA ang loob ni Shania na bumalik sa cafeteria at mag-isang nananghalian matapos siyang tabuyin ni Xander sa opisina nito at mag-isa raw itong kakain dahil ayaw siya nitong kasabay. Noong una, ay hindi naintindihan ang pagkakaganoon ni Xander pero naisip niya na maaaring may kinalaman iyon kay Michael.
Nainis si Xander dahil kinailangan pa siyang ipakilala nito sa bisita na sa tingin niya ay isang mahalagang tao at maaaring kinahihiya pa rin siya hanggang ngayon ng asawa kaya imbes na makipagtalo ay umalis na lang siya at iniwan ito.
Kung ayaw siyang kasabay kumain ni Xander, ay hindi niya ito pipilitin dahil kaya naman niyang mag-isang kumain kahit pa nag-effort siyang bilhan ito ng pagkain at dalhan sa opisina.
“Akala mo, Xander, ah! Sisingilin ko ang pinangbili ko sa’yo ng pagkain! ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.