ISANG-LINGGO na ring mag-asawa si Xander at Shania at kahit paano ay hindi naman na sila nagtalo dahil palaging nakikipag-usap si Shania sa Lolo at sa mga kapatid ni Xander kapag hindi umaalis ang mga ito.
Palagi naman kasing nasa bahay ang Lolo ni Xander nitong mga nakaraang-araw at walang lakad kasama ng Lolo ni Shania at pati ang Kuya Alfred niya ay napapansin niyang hindi na rin masiyadong umaalis at umuuwi kaagad sa bahay simula nang nakasama nila si Shania. Mukhang nagugustuhan talaga ng mga kapatid at Lolo niya ang asawa at minsan nakikisali pa sa pakikipag-usap ang Papa niya, tanging sila lang mag-ina ang hindi nakikisali at inaabala niya ang sarili sa pagtatrabaho kahit nasa bahay at bakasyon niya dapat talaga dapat.
“Bakit lagi kang nasa loob ng kuwarto at hindi ka nakiki-join ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.