HINDI masyadong nakatulog si Shania at mukhang kahit ang kapatid niyang si Shara ay ganoon din dahil tanghali na ito bumaba galing sa kwarto at namumugto ang mga mata. Wala ang mga magulang nila dahil inimbita ng Lolo sa mansiyon nito kaso nagdahilan siya na hindi makakasama at may mahalagang aasikasuhin. Hindi niya nga lang alam kung anong idinahilan ni Shara kung bakit ito hindi nakasama at kagaya niya ay naiwan ito sa bahay kasama niya.
“Mananghalian na tayo, Shara,” aya niya sa kapatid na kabababa lang ng hagdan.
“Nandito ka pa pala, Ate, akala ko ay may lakad ka ngayon?” usisa nito sa kanya.
“Dinahilan ko lang iyon pero sa totoo wala talaga. Ayoko lang talagang pumunta sa mansiyon ni Lolo at masama pa rin ang loob ko sa kanya,” totoong tugon niya. “Ikaw pala? Bakit hindi ka sumama?” ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.