HINDI inaasahan ni Xander na may ganda pa lang itinatago si Shania. Maganda naman talaga ang dalaga pero hindi katulad ng mga babaeng nakakasalamuha niya at nakakasama sa kama. Simple lang kasi si Shania at kapag nagkikita pa sila ay palaging hindi man lang ito nagsisikap na mag-ayos. May time pa na bagong gising pa itong humarap sa kaniya na gulo-gulo ang buhok habang hindi maipinta ang mukhang nakaharap sa kaniya.
Halatang hindi talaga siya gusto ni Shania at ganoon din naman siya sa dalaga. Parehas kasi silang napasok sa sitwasyon na hindi nila kagustuhan. Mas nauna na nga lang siyang tanggapin dahil bata pa lang siya ay alam na niya ang kasunduan na iyon. Hindi nga lang niya inaasahan na siya ang mapapasok sa ganito dahil bunso siyang anak at binata pa ang Kuya Alfred niya. Matigas ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.