MATAPOS sabihin ni Xander ang lahat ng iyon kay Shania ay nagmamadaling umalis ito at naiwan si Shania, na nanlalaki ang mata sa gulat sa dining room. Hindi makapaniwala sa lahat ng narinig mula sa asawa.
Nagtatakang lumapit si Salve sa kaniya na may hawak na orange juice saka inilapag sa mesa.
“Nag-away ba kayo ni Sir Xander, Shania?” tanong ni Salve sa kaniya. “Narinig kong nagsisigawan kayo, eh,” dagdag nito.
“O-oo. Hindi pagkakaintindihan lang bilang mag-asawa,” tugon niya.
Palagay na si Salve sa kaniya ganoon din siya dahil naging kaibigan na rin niya ito at mabait naman itong tao saka marunong makisama. Hindi nalalayo ang edad niya kay Salve at nag-aaral ito ng kolehiyo habang nagtatrabaho kay Xander pero dahil bakasyon ay full time siya ngayon sa bahay.
Si Xander ang nagpapa-aral kay……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.