NAKATITIG lang si Shania sa mukha ng lalaking bigla na lang sumulpot sa likuran niya at hindi siya makapaniwala na nandito ngayon ito sa pamamahay niya.
“Hello, Kuya Xander!” masayang bati ni Shara sa lalaking kaharap.
“X-Xander? Siya si Xander?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Shara.
“Yes. And soon to be your husband,” tugon ni Xander sa kanya.
Paano nangyari ito? Nananaginip lang ba siya ngayon kaya nandito ang lalaking ito at nagpapakilala na soon to be husband niya.
“I think I would rather have you married, Shania than Shara. For me, Shara is fit for my younger sister than being my wife,” dagdag naman ni Xander.
“P-paanong ikaw si Xander? Hindi ba Franco ang pangalan mo? Iyon ang narinig kong tinawag sa’yo ng babaeng kasama mo bago ka pumasok sa guest room?” naguguluhang tanong niya……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.