PAGPASOK ni Xander sa kwarto ay kaagad na nagtungo siya sa banyo para maligo dahil buong maghapong suot niya ang mainit na itim na tuxedo pangkasal para humarap sa maraming bisita. Gusto niya rin i-relax ang sarili dahil sa stress na dinanas niya mula nang mag-umpisa siyang asikasuhin ang kasal at kasabay ng trabaho.
Hindi na lang muna siya papasok bukas total naman ang alam ng tauhan niya ay aalis siya para sa honeymoon at dahil ayaw naman ni Shania, na umalis at mag-honeymoon ay hindi matutuloy ang alis nila paibang bansa at sa mga panahon naman na iyon ay magpapahinga na lang siya.
Matapos ang kalahating-oras na pagbababad sa bathtub ay lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan. Paglabas niya sa banyo ay nasa kwarto na rin si Shania at nakahiga sa kam……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.