“SALAMAT, Shania, dahil niyaya mong sumunod dito si Xander. Ikaw lang pala talaga ang makakapagpayag sa kaniyang sumama sa atin,” nakangiting pasasalamat ni Jasmine kay Shania, nang maiwan sila sa buhanginan malapit sa dagat habang si Xander at Alfred naman ay naisipang maligo sa dagat.
“Pumayag lang iyon kasi nagkaroon kami ng pagtatalo kanina at sabi ko ay mapapatawad ko lang siya kapag nagpunta siya rito,” tugon naman niya kay Shania.
“Nagtalo kayo?” gulat na tanong nito sa kaniya.
“Oo. Actually, kahapon pa pero kanina lang namin napag-usapan,” tugon niya. “Tungkol kay Maan iyon. Nahuli ko kasi silang naghahalikan sa opisina,” amin niya kay Jasmine.
“Ano?” hindi makapaniwalang bulalas ni Jasmine.
“Pero nangako naman siya na iiwasan na niya si Maan at naniniwala naman akong gagawin niya iy……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.