“SORRY po, Papa, Mama, sa inasta ko kanina,” hingi ni Shania ng tawad sa mga magulang.
Tinutusok ang puso niya sa sobrang konsensiya sa nagawa niya kanina at alam niyang sobrang napag-alala niya ang mga magulang sa paninikip ng dibdib ng Lolo niya kanina.
Ngumiti sa kanya ang mga magulang at inakbayan siya ng ina. “Ayo slang iyon, anak, basta huwag mo nang uulitin iyon para hindi naman atakehin sa puso ang Lolo mo. Intindihin na lang natin siya,” tugon ni Mama.
“Paano si Shara? Pakakasal siya sa taong hindi naman niya mahal at kilala nang lubusan?”
Tumingin siya kay Shara at awang-awa siya sa kapatid. Ngumiti lang si Shara sa kanya at niyakap siya nito.
“Sabi ko sa’yo, Ate, ay ayos lang sa akin saka puwede ko pa naman ipagpatuloy ang pag-aaral ko kahit may asawa na ako. Iyon ang isa sa ipinakiusap ni Mama at Papa sa mga magiging manugang nila at pumayag naman sila sa kagustuhan naming.
“Sabi pa nga ay puwede pa raw akong magtrabaho kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral at sa kompanya nila o kay Lolo kaya hindi na ako mahihirapan maghanap ng trabaho, Ate,” kuwento sa kanya ng kapatid.
Pinagmamasdan niya ang mukha ni Shara at pinapakita nito na masaya itong nagku-kuwento pero hindi siya kumbisidong totoong masaya ang kapatid sa kahihinatnan ng buhay nito.
“Nakilala niyo na ba ang lalaking mapapangasawa ni Shara? Nakilatis niyo na ba kung mabait iyon?” tanong niya sa mga magulang.
“Nakita na namin siya nang minsang dumalaw kami sa bahay ng Lolo mo pero saglit lang at hindi pa naming nakausap dahil paalis na rin ito at may mahalaga raw aasikasuhin sa trabaho,” tugon naman ng Mama niya na napangiwi pa.
“Ganoon bang klaseng lalaki ang gugustuhin niyong mapangasawa ni Shara, Mama, Papa? Ni hindi man lang pormal na humarap sa inyo para makilala niyo nang lubusan?” inis na tanong niya.
“Anak, hindi naming siya nakausap dahil nakasakay na siya sa kotse at palabas na ng gate pero hinintuan naman niya kami at pinagbuksan ng bintana, magalang na bumati sa amin at kahit naman siya ay nagulat na dumating kami kasi hindi naman niya inaasahan iyon. Lalabas pa nga sana sa kotse kaya lang pinigilan na ng Lolo mo na nagkataong lumapit sa amin nang Makita kami at pinaalis na siya.” Mahabang paliwanag ng Mama niya.
“Totoo, Ate, saka sabi nina Tita Jasmina ay busy daw talaga sa trabaho. Nagpunta pa nga iyon sa abroad dahil may inasikasong kompanya doon,” dagdag ni Shara.
“Tinatawagan naman kami ng mapapangasawa ng kapatid mo, anak, kinukumusta at nakikibalita sa amin,” sabat din ng Papa niya.
Kumunot ang noo niya dahil mukhang pinagtatanggol ng pamilya niya ang lalaking iyon na mapapangasawa ng kapatid niya at nakakadama lalo siya ng inis dahil doon. Alam niyang may mali pa rin sa lalaking iyon at hanggang ngayon at hindi pormal na nakipagkita sa pamilya niya at para sa kanya hindi magandang asal iyon para sa magiging biyenan nito.
“Magpahinga ka na muna, Shania, sure ko pagod ka galing sa biyahe mo,” utos sa kanya ng Papa niya.
“Oo nga, Ate, mayamaya ay darating na rin ang iba nating kapatid at baka hindi ka na makapagpahinga sa pakikipagkuwentuhan sa kanila.”
Bigla niyang naalala ang iba pa niyang kapatid na hindi naabutan matapos makauwi sa bahay nila ay nakadama na rin ng pangungulila. Gusto niyang yakapain ang iba pang kapatid at makita ang mga ito.
“Oo nga pala? Bakit wala rito sina Selena, Seya at Sanjo?” tanong niya.
“Nasa galaan iyon, Te, mayamaya darating na rin ang mga iyon kaya sige na, magpahinga ka na sa kwarto mo,” tugon ni Shara.
“Sige. Mama, Papa, pahinga lang ako,” paalam niya sa mga magulang.
“Sige, anak,” tugon ni Papa.
Naglakad na siya paakyat sa hagdan at tumungo sa kwarto niya. Nagpalit na muna siya ng damit pangbahay saka inihiga ang katawan sa malambot niyang kama mayamaya rin ay kaagad siyang nakatulog dahil na rin sa pagod at puyat sa biyahe na nawala bigla kanina sa mga nakakagulat na pangyayari sa pamilya na sumalubong sa kanya.
MADILIM na sa labas ng bahay nang magising si Shania, madilim pa sa loob ng kwarto niya dahil hindi niya kanina binuksan ang ilaw nang matulog siya kaya iyon din ang naabutan niya nang magmulat siya ng mga mata.
Bumangon na siya sa pagkakahiga sa kama at nang tinignan niya ang orasan ay alas-otso na kaya lumabas na muna siya ng kwarto para kumain at sakto namang naabutan niya sa kusina ang buong pamilya na kumakain na.
“Ate!” masayang sigaw ng tatlo niyang nakakabatang kapatid na hindi niya naabutan kanina nang dumating siya.
Sinugod siya kaagad ng tatlong bata ng yakap at natatawang niyakap niya rin ang mga ito. Si Sanjo na pangatlo sa kanilang magkakapatid na seventeen-years-old, si Selena na pang-apat na fifteen-years-old at ang bunso nilang kapatid na si Seya na twelve-years-old. Ang makukulit at mababait niyang kapatid na isa sa mga na-miss niya noong nagpunta siya ng US at nagtrabaho.
“May pasalubong pala ako sa inyong lahat. Tinignan niya na ba mga dala ko?” tanong niya.
“Hindi pa, Ate, inaantay ka naming gumising, eh,” tugon ni Sanjo.
“Bakit hindi niyo na binuksan, Mama, Papa?” tanong niya sa magulang.
“Mas mabuting ikaw na ang magbigay sa amin ng mga pasalubong mo at para makita mo rin kung gaano kami kasaya sa mga ibibigay mo sa amin,” nakangiting tugon ni Mama na ikinangiti niya.
“Sige na nga. Kumain muna tayo tapos saka ko na ibibigay mga pasalubong ko sa inyo,” payag na rin niya.
Hinila na siya ng mga kapatid palapit sa mesa at inaasikaso pa siya para bigyan ng pagkain. Na-miss din niya ang pag-aasikaso sa kanya ng mga kapatid niya kahit minsan ay makukulit at matigas ang ulo ng mga ito ay bumabawi naman sa paglalambing sa kanya.
“Kumain ka ng marami, tiyak ko, ay na-miss mo iyang mga ganyang ulam sa ibang bansa,” sabi sa kanya ni Mama.
“Opo, sobra, lalo na ang luto niyo, Mama,” ayon din niya.
Napangiti naman sa kanya ang ina.
Masaya silang nag-uusap pamilya habang sabay na kumakain na matagal niyang hindi naranasan noong nasa ibang bansa siya at nagtatrabaho pero hindi niya pinagsisisihan na umalis siya at nagtrabaho dahil malaki rin ang naitulong niyon upang kahit paano ay umalwan ang kanilang pamumuhay at mabili ang lupa at bahay na kinalkhan niya na muntikan ng kunin ng bangko dahil nabaon sila noon sa utang sa pagpapa-aral sa kanya ng mga magulang.
Mahal niya ang pamilya at kaya niyang magsakripisyo kahit malungkot sa ibang bansa at nakaramdam siya ng pangungulila ay tinapangan niya ang loob para sa pamilya.
KINABUKASAN nang tanghali ay nagulat si Shania sa pagdalaw sa kanya ni Zanray kasama ang dalawa nitong kapatid na tanging kapamilya nito.
Hindi kasi tumawag ang nobyo o nag-text sa kanya na pupunta ito sa kanila ng tanghaling tapat at may dala pang mga pagkain, hindi lang pangtanghalian ang dami ng pagkain na iyon dahil marami iyon na parang may handaan na at ang mga suot pa ng bisita ay mga naka-pormal. Polo at black pants na pinaresan ng brown na sapatos kaya lalo tuloy siyang nagtaka.
"Anong meron at ganiyan ang suot niyo nina Kuya saka ang dami niyong dalang pagkain?" nagtataka niyang tanong kay Zanray nang hilahin ito sa kusina habang nasa sala ang mga kapatid nito.
"Babe, hindi ba napag-usapan natin na nagpaplano na tayong magpakasal?" tanong nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya dahil naisip na ang dahilan kung bakit nandito ngayon ang nobyo.
"Don't tell me-
"Oo, babe, magpapaalam na ako sa mga magulang mo at pamamanhikan na rin ito," anito na hindi na pinatuloy ang sasabihin pa sana niya.
Nakalimutan kasi niya ang usapan nilang sa pagpaplanong magpasakal at isa pa hindi niya inaasahan na kaagad na magpapaalam si Zanray sa mga magulang at mamamanhikan na ito kaagad. Akala niya abutan pa nang buwan na paglalagi sa Pilipinas bago sabihin sa mga magulang ang tungkol sa kasal nila.
"Bakit, babe? Nagbago na ba isip mo?" tanong sa kanya ni Zanray kaya napatingin siya rito.
Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng nobyo.
"Hindi, babe, nagulat lang ako sa bilis ng pangyayari," aniya.
"Sorry, kung ginulat kita. Gusto ko na rin kasing maasikaso natin kaagad ang lahat para sana sa kasal natin," paliwanag ni Zanray.
"Ayos lang naman kaso kasi may problema pa rin kaming kinakaharap ngayon," aniya.
"Problema? Anong problema naman iyon?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Zanray.
Wala naman siyang nagawa kundi ikuwento sa nobyo ang sumalubong sa kanyang balita at nakita niya ang gulat sa mukha ni Zanray sa mga ibinahagi niya.
"Okay sa akin ang pamamanhikan mo ngayon pero hindi tayo maikakasal kaagad kasi aasikasuhin pa ang kasal ni Shara at nag-iiisip pa rin ako nang paraan na maari para hindi matuloy iyon dahil tutol talaga ako sa gusto ng Lolo ko.
"Bata pa si Shara para sa pagpapakasal at hindi pa namin kilala ang taong mapapangasawa niya," mahaba niyang kuwento sa nobyo.
"Naiintindihan kita. Kahit ako tututol diyan sa kasalang iyan kung ako nasa kalagayan mo saka bata pa nga talaga si Shara at hindi pa nae-enjoy ang kadalagahan niya tapos sasabak na kaagad sa pag-aasawa," ayon nito.
"That's my point! Pero mukhang desidido na silang lahat dito na ituloy ang kasunduan na iyon!" inis na himutok niya.
"Pag-usapan niyo na lang ulit ng magulang mo o hindi kaya ay puntahan mo ang Lolo mo na ikaw lang mag-isa sa bahay niya at kausapin mo nang masinsinan baka mapapayag mo pa kapag ikaw ang kumausap," suhestiyon sa kanya ni Zanray.
"Oo nga, ano? Subukan kong konsensiyahin malay mo umepekto," tugon niya at napangiti siya sa nobyo.
Niyakap niya si Zanray at hinalikan sa labi at pisngi ng mabilis.
"Ang talino talaga ng boyfriend ko at soon to be husband!" masayang komento niya.
Natatawa naman si Zanray na niyakap din siya.
"So, tara na sa sala? Tuloy na natin ito kahit ang pamamanhikan na lang muna at pag-usapan kung kailan puwede na tayong ikasal?" nakangiting tanong sa kanya ni Zanray.
"Oo naman. Nandito na rin kayo at ang dami niyong dalang pagkain," nakangiting payag niya.
Lumabas na silang magnobyo sa kusina at saktong nakaupo na rin ang Mama at Papa niya sa sofa sa sala kaharap ang dalawang kapatid ni Zanray.
Nandoon na rin ang mga kapatid na nakamasid lang sa kanila at hindi nagsasalita.
"Ano bang dahilan at napadalaw kayo rito buong pamily at ang dami pang dalang pagkain?" tanong ni Papa nang makaupo na sila sa sofa.
"Tito, Tita, nandito po ako para hingiin po sana ang kamay ng panganay niyong anak. Gusto ko na po sana siyang pakasalan," seryoso namang tugon ni Zanray at napangiti pa siya na nakikita niyang kinakabahan ang nobyo.
Ganoong-ganoon ang itsura nito noong nagpaalam din itong ligawan siya sa mga magulang kaya hindi niya maiwasang mapangiti. Pero kahit sabihing kinakabahan ang nobyo ay taglay pa rin nito ang gandang lalake at diretso ang katawan na nakaupo sa sofa na nakatingn sa kanyang mga magulang.
"Nasa tamang edad naman na kayo para sa pag-aasawa, isa pa, matagal na kayong magkasintahan ng anak ko kaya bakit pa ako tututol sa pagpapakasal niyo na alam ko naman na doon na patungo," tugon ni Papa at kaagad na napangiti si Zanray.
"Kaya nga saka naging mabait kang tao sa amin at nobyo sa anak ko kaya sa tingin ko hindi namin pagsisisihan na ikaw ang mapapangasawa ng panganay namin," nakangiting dagdag ni Mama.
"O-opo. Mahal na mahal ko po si Shania at sinisigurado ko pong paliligayahin ko siya at hindi sasaktan," seryosong pangako ni Zanray.
Nakadama siya nang matinding ligaya at parang nag-uulap ang mga mata niya sa sayang nadarama sa mga sinabi ni Zanray patungkol sa kanya.
"Kaya lang, iho, ikakasal din ang pangalawang anak naming si Shara, kung maaari paunahin na muna natin siya kasi nauna ng nakausap namin ang magulang ng mapapangasawa niya bago pa kayo dumating ni Shania," sabi ni Mama.
"Ho? Ikakasal na si Shara?"
Nagulat silang napatingin sa bunsong kapatid ni Zanray na si Zarem na gulat na gulat sa nalaman na ikakasal na ang kapatid niya. Tumingin pa si Zarem kay Shara na may pagtatanong ang emosyon ng mukha at nakita niyang umiwas ng tingin si Shara.
Si Zarem at Shara ay hindi nalalayo ang edad. Dalawang-taon lang ang tanda ni Zarem sa kapatid niya at nakapagtapos na ito ng pag-aaral at nagtatrabaho sa magandang kompanya rito sa Cavite.
"Oo, iho, kaya sana paunahin na muna natin makasal si Shara bago kayo mag-asikaso ng kasal niyo, Zanray," tugon ni Mama at mukhang hindi napansin ang kakaibigang tinginan nina Zarem at Shara.
Hindi inaalis ni Zarem ang tingin sa kapatid niya at mayamaya mukhang naasiwa na si Shara ay lumakad na ito paalis at pumasok sa kusina.
"May tubig po kayo? Puwede akong makiinom, Tita?" tanong ni Zarem kay Mama.
"Oo naman, Sea, kuhaan-
"Ako na po, Tita, kaya ko na pong kumuha," kaagad na presinta ni Zarem saka tumayo na.
"Sige, iho, hindi ka naman na iba sa amin kaya pumasok ka na sa kusina at kumuha ng inumin," payag ni Papa.
Ngumiti si Zarem at kaagad na lumakad papuntang kusina.
Hinabol pa niya ng tingin si Zarem pero nang tuluyan na itong nakapasok sa kusina ay muli ay tumingin siya kay Zanray at sa mga magulang niya na ngayon ay masayang nag-uusap.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.