ILANG-ARAW nang hindi pinapansin si Xander ng asawa kahit nasa iisang kwarto sila at minsan ay kinakausap niya ito o tinatanong ay parang hangin lang siya na hindi tinutugunan ng asawa, ni hindi nga siya nito tinitignan.
Sumama talaga ang loob ni Shania sa masasakit na sinabi niya at hindi maiwasang makadama ng konsensiya dahil wala naman talagang ginawang masama ang asawa at nadamay lang ito dahil ito naman ang puno’t-dulo kong bakit nagkakaganoon ang Mama niya. Dahil sa tingin ng Mama niya ay sagabal si Shania sa hinahangad nitong makuha niyang kompanya.
Nakadama siya ng galit sa asawa dahil hindi niya ito makontrol pagtapos naghangad pang patakbuhin ang kompanya ng Lolo nito na sa kaniya na sana ipapasa. Umaasa pa naman ang Mama niya na mapapasakanila na ang insurance company na iyon ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.