LOUIE almost dragged his wife up the stairs, went straight to their room, and pushed Giana to sit on their bed. He looked sharply at Giana and the wife, filled with frightened emotion on her face. Inis na ginulo ni Louie ang buhok at naglakad-lakad sa kwarto habang pinagmamasdan siya ni Giana.
Paaaminin niya ngayon ang asawa sa pagpapanggap na ginagawa nito ngayon. Hindi siya naniniwala na talagang may amnesia ito dahil bago naman ito naaksidente ay may ginawa itong kalokohan.
“You don’t have to pretend anymore, Giana, and if you admit to the sin you have committed and tell me where you took that money, I will forgive you,” mahinahong sabi ni Louie sa asawa.
Napuno ng kaguluhan ang mukha ni Giana at hindi ito nagsalita.
“Tell me, Giana. Where did you take the money?” mahinahon pa ring tanong niya sa asawa. “Kung nagastos mo na iyon o nawala ay ayos lang pero sabihin mo lang sa akin kung ano ang pinaggamitan mo sa perang iyon,” dagdag niya.
“A-anong pera? W-wala naman akong pera,” tugon ni Giana sa kaniya.
Marahas na napabuntonghininga si Louie at masamang tinignan ang asawa na dahilan para mapaatras ito sa kinauupuan.
“Hindi ka pa rin titigil sa pagpapanggap mong iyan?” tanong niya na may pagbabanta na ang boses.
Umiling si Giana. “Hindi ba sinabi naman na sa’yo ng Doktor ang kalagayan ko? Bakit hindi ka pa rin naniniwala—“
“Because that is bullsh*t!” gigil na sigaw niya.
Nilapitan niya si Giana at hinablot ang braso saka hinila ito kaya napatayo na sa pagkakaupo.
“Bigla na lang nawala ang alaala mo matapos kang gumawa ng kalokohan? At noong nineteen years old ka pa lang pababa ang naalala mo? Hindi ba ka-bullsh*t-an iyang ginagawa mo? Sa dami ng ginawa mong kalokohan ay bakit ko paniniwalaan iyan?” sigaw niya.
“T-tama na. Huwag ka nang magalit—“
“Kung ayaw mong magalit ako ay umamin ka na lang! At itigil mo na ang pagpapanggap mo!” galit na tugon niya.
“Hindi naman ako nagpapanggap, eh!” sigaw ni Giana at namumula na ang mga mata nito. “Wala naman talaga akong matandaan sa sinasabi mo!”
Napahikbi na si Giana at mayamaya ay mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
“Sinabi na nga sa’yo ng Doktor ang kalagayan ko pagkatapos hindi ka pa rin naniniwala? Hindi naman talaga ako nagpapanggap saka babalik naman ang alaala ko bakit hindi mo na lang antayin iyon,” umiiyak na sabi ni Giana.
“Stop crying, dahil hindi mo ako madadala sa paiyak-iyak mo!” gigil na saway niya sa asawa.
“Ang sama talaga ng ugali mo! Tama ang hinala ko!” galit na sigaw ni Giana saka pilit na tinutulak siya. “Bitawan mo ako! Uuwi ako sa bahay namin—“
Napatili si Giana nang itulak niya ito sa kama at daganan ito saka ipininid ang dalawang kamay sa kama na nakataas sa uluhan nito.
“Aalis ka? Iiwanan mo ako para makatakas ka sa kasalanan mo? Kagaya nang ginagawa mong pagpapanggap para matakasan ang kasalanan mo?” tanong niya kay Giana.
“Sinabi ko na sa’yo na hindi ako nagpapanggap! Ano bang klaseng mayroong utak ka at hindi maintindihan ang sinasabi ko?” sigaw ni Giana at nagpapalag para makawala sa hawak niya. “Mukha ka namang matalino pero obob ka naman pala!” insulto ni Giana na lalong ikinagalit niya.
“Shut up!” sigaw niya.
Hinila na niya patayo si Giana at kinaladkad habang ang asawa ay nagpapalag pero dahil mas malakas siya ay hindi nito magawang maalis ang braso niya.
“Saan mo ako dadalhin! Bitawan mo ako—“
Kinaladkad ni Louie si Giaan papasok sa walking closet nila at binuksan ang malaki at mahabang cabinet na kasya ang dalawang tao saka tinulak ang asawa kaya natumba itong napaupo doon.
“Hangga’t hindi ka nagtitino ay hindi ka makakalabas diyan!” galit na sabi ni Louie.
Tumayo si Giana at tumakbo palabas pa sana ng cabinet kaya lang naisara na niya iyon saka ni-lock dahil may lock sa labas ng pinto niyon.
Nagsisigaw si Giana at kinalabog ang pinto ng cabinet.
“Palabasin mo ako rito!” sigaw nito at humikbi na. “Please, Louie, huwag mo akong ikulong dito,” umiiyak na pakiusap nito.
“Parusa mo iyan, Giana! Kung tutuusin kulang pa iyan sa kalokohang ginawa mo at nagpapanggap ka pa ngayon para lang takasan iyon!” galit na tugon niya
Lumakad na palabas ng dressing room si Louie at pinatay ang ilaw kaya mas lalong nagsisigaw si Giana at mas nilakasan ang lagabog ng cabinet pero bingi na si Louie sa galit na nararamdaman sa asawa sa mga kalokohan nito.
Umalis si Louie sa bahay nila at binilinan ang mga kasambahay na huwag na huwag papasok sa kwarto niya at pumunta sa bar ng kaibigang si Falcon. Naabutan naman niyang nandoon din si Klay at umiinom ng alak kasama ang pinsan niyang si Conrad kahit sarado pa ang bar.
Tanghaling-tapat pa kasi kaya sarado ang bar at mamayang gabi pa ito bubukas pero lagi naman silang p’wedeng pumunta sa bar anumang oras dahil kaibigan naman niya ang may-ari at kapag ganitong mga araw, ay alam niyang nasa bar si Falcon dahil weekends at hindi abala sa kompanya. Hindi nga lang niya inaasahan na pati ang pinsan at si Klay ay maabutan doon.
“Oh, bakit nandito ka? May problema ka rin ba sa babae kagaya nitong si Klay kaya ka napasugod dito?” tanong ni Falcon na nasa loob ng counter at binigyan siya ng alak.
“Lagi namang may problema sa babae iyang si Hance dahil sa asawa niya,” sabat ni Klay. “Ano na nga palang balita sa perang nakuha ng asawa mo? Nalaman mo ba kung saan niya ginamit?” usisa pa nito.
Umiling si Louie saka ininom ang alak sa baso.
“She doesn’t remember anything about the money and where she took it,” tugon niya.
“Bigla na lang nawala sa alaala niya ang pera at ginawa niyang kasalanan? Kakaiba talaga iyang asawa mo!” natatawang tugon ni Klay saka uminom ng alak.
“That was not the only thing lost in her memory. Giana doesn't even remember me. And her memories with me are gone, and she only remembers when she was nineteen years old,” tugon niya.
Nabitawan ni Falcon ang nililinisan na baso at nalaglag sa mesa kaya malakas na lumagabog iyon saka gulat na napatingin sa kaniya, kahit sila Conrad at Klay ay gulat ding napatingin sa kaniya.
“Nangyari iyon dahil sa aksidente niya?” hula ni Conrad.
“Oo raw. Iyon ang sabi ng Doktor at marahil dahil sa shock daw na tinamo ni Giana sa aksidente. Pero hindi ko naman iyon pinaniniwalaan. Ngayon pa, nawalan ng alaala si Giana kung kailan may ginawa siyang kalokohan? At isa sa pinakamatinding kalokohan ang ginawa niya na muntikan nang madamay pati ang construction site natin,” tugon niya sa pinsan.
“Baka binayaran niya ang Doktor kaya pati iyon ang nagsinungaling sa kalagayan ng asawa mo,” hinuha ni Klay.
“Hindi naman magpapabayad ang Tito mo, Klay, para lang magsinungaling sa kalagayan ng asawa ko at makipagsabwatan,” tugon ni Louie saka muling ininom ang alak.
“Si Tito Brandon ang naging Doktor ni Giana?” gulat na tanong ni Klay.
Kilala ni Louie ang Tito ni Klay pero hindi naman siya naging malapit dito at kahit ang Tito ni Klay nito sa kaniya o sa pamilya nila pero alam niyang malinis magtrabaho ang kamag-anak ng kaibigan at hindi magagawang makipagsabwatan nito para sa pera. Isa pa, mayaman ang pamilya ni Klay kaya hindi nito kakailangan ang perang ibabayad ng asawa para sa pagpapanggap na iyon.
“Oo. Ang sabi ng Tito mo ay may memory loss raw si Giana at natural naman na nangyayari iyon sa kagaya ni Giana na galing sa aksidente. Babalik din naman ang alaala ni Giana at hindi naman daw magtatagal iyon. Pero hindi pa rin talaga ako kombinsido at naniniwala akong nagpapanggap lang si Gia,” tugon ni Louie.
“Pero nangyayari naman talaga iyon, Hance. Na nawawalan ng memorya ang mga dumadaan sa aksidente lalo pa at nagkaroon ng injury sa ulo. Mabuti nga ang asawa mo ay may iba pang naaalala maliban lang noong nineteen years old lang pababa at hindi iyong buong pagkatao niya,” tugon naman ni Falcon.
“I think it is true, and Tito will not lie about your wife's condition,” ayon naman ni Klay.
“Bago ito, ah, na naniwala ka sa kasinungalingan ng asawa ko, Klay?” tanong ni Louie kay Klay.
“Naniwala ako kasi may Doktor nang nagsabi at Tito ko pa, na wala kahit maruming ginawang trabaho,” tugon ni Klay. “Just wait for your wife's memory to return, find out where she took the money, and punish her!”
“I have already punished her, and she is now locked to my cabinet before I leave the house,” tugon niya.
“Why did you do that? Your wife's condition may worsen, and her memory may not be back!” mataas ang boses na sita sa kaniya ni Falcon.
“Kagagaling lang ng asawa mo sa Ospital at ginawa mo na iyon. Hindi kaya matuluyan na ang asawa mo at mabaliw pa?” sabat naman ni Conrad.
“She deserves that. She might even admit that she was pretending if I locked her up for too long and starved her,” tugon niya.
“You’re savage,” nakangising tugon ni Klay. “But it is better that you go home and get your wife out of your cabinet because she might be crazy and we won't be able to get the money she took,” anito.
Napabuntonghininga lang si Louie saka inalog ang baso na may lamang ice cube.
---
NAPAGOD na napaupo si Giana habang wala pa ring tigil ang mga luha sa mga mata niya. Isang oras na siyang panay ang tawag sa pangalan ni Louie at nakikiusap na pakawalan siya sa madilim na cabinet na iyon pero hindi siya pinakinggan ng asawa at napagod na lang siya sa pagmamakaawa.
Halos wala siyang makita dahil sa sobrang kadiliman kaya nangapa na lang siya at naramdaman ang malambot na damit kaya sumksik sa doon at ipinikit ang mga mata.
Nagugutom na si Giana dahil hindi pa siya nanananghalian pero mukhang kahit anong gawin niyang pakiusap ay hindi siya pakikinggan ni Louie kaya nagpahinga na lang siya at mayamaya ay nakaramdam ng antok sa pagod sa pag-iyak at paglagabog ng cabinet.
Naalimpungatan lang si Giana nang maramdaman niyang may humawak sa braso niya at minulat niya ang mga mata saka nagsisigaw.
“Huwag! Huwag mo akong sasaktan!” sigaw niya.
“Stop!” sigaw nito sa kaniya at walang iba iyon kundi si Louie, na dumating na pala at binuskan ang cabinet.
Nagsumiksik siya sa kinalalagyan niya at nang hahawakan na naman siya ni Louie ay nagpapalag siya.
“Ayoko!” sigaw niya at tumulo ang mga luha sa mga mata.“B-baka saktan mo pa ako—“
“Mas gusto mo bang ikulong kita nang buong magdamag dito at hindi pakainin?” galit na tanong sa kaniya ni Louie. “Sabihin mo lang at hindi na talaga kita ilalabas dito?” hamon nito sa kaniya.
Napahikbi na si Giana at pakiramdam niya ay kaawa-awa na siya dahil lang sa galit ni Louie sa kaniya.
“A-ayoko na rito. Natatakot ako,” umiiyak na amin niya.
Nilapitan na siya ni Louie at binuhat saka tumayo at inilabas na siya sa cabinet. Dahan-dahan siyang binaba ni Louie sa kama at sa tingin ni Giana ay hapon na dahil sa ulap na nakikita niya sa labas.
“Kung magpapakatino ka at hindi mo dadagdagan ang galit ko sa’yo ay hindi kita paparusahan ulit. Pagbibigyan kita ngayon, pero sa oras na malaman ko na nagpapanggap ka lang talaga at niloloko mo na naman ako, ay hindi lang iyan ay parusang ipapataw ko sa’yo!
“Kaya kung nagpapanggap ka lang talaga ay galingan mo at huwag kang pahuhuli dahil kahit humingi ka pa ng saklolo sa mga magulang at mga kapatid mo, ay wala silang magagawa sa gusto kong gawin sa’yo!” banta ni Louie sa kaniya na may nakakatakot na tingin. “Naiintindihan mo ba?” tanong pa nito sa kaniya.
Takot na napatango si Giana.
Wala naman siyang magawa kundi tumango na lang at ayunan si Louie dahil baka kapag ipinaglaban pa niya na talaga namang nawala ang alaala niya ay ikulong na naman siya nito sa cabinet at baka mas malala pa kagaya ng pagbabanta nito kanina.
Ayaw na niyang maparusan ulit dahil nakakatakot makulong sa madilim na kwarto at gutumin pa siya kagaya ng nararamdaman niya ngayon.
Lumakad palayo si Louie sa kaniya at may kinuha ito saka inilapag sa kama.
Naamoy ni Giana ang masarap na pagkain na ngayon ay nasa harapan niya. Adobong pusit, chopsuey, pritong bangus na isda at kanin ang nasa harapan niya na may juice at tubig kaya mas nakadama ng gutom si Giana at naglalaway na ang bagang niya.
“What are you waiting for? Eat that,” utos ni Louie sa kaniya.
Napatango siya saka kinuha ang kutsara at kaagad na na sumubo ng kanin at ulam na pusit.
Pakiramdam ni Giana ay iyon na ang pinakamasarap na pagkain na natikman niya sa buong buhay dahil sa pagkakakulong sa cabinet at sa gutom niya na idinaan na lang sa tulog kanina at dahil masarap ang pagkain na nasa harapan niya at gutom na guto ma siya ay naging magana siya sa pagkain na halos wala ng pakialam sa paligid.
Matapos niyang kumain ay kinuha na ni Louie ang pinagkainan niya na wala nang natira kundi tinik na lang ng bangus.
“Magbihis ka na at p’wede ka nang lumabas ng kwarto,” utos ni Louie sa kaniya.
Tumango lang si Giana saka lumabas si Louie saka naiwan siyang mag-isa.
Ngayon na wala sa paligid si Louie at mag-isa na lang siya sa kwarto ay nakahinga na siya nang maluwang hindi kagaya nang kapag nasa tabi niya si Louie, na baka bigla na namang magalit at gumawa ng masamang bagay sa kaniya.
Humiga sa malambot at malaking kama si Giana at saka umikot ang paningin niya sa napakagandang kwarto na kinaroroonan niya.
May malaking flat screen TV na nakadikit sa dingding at sa gilid ay mga sound system na sa tingin niya ay mamahalin. Kulay sky blue ang wallpaper ng dingding ng kwarto na magaan sa mga mata at puting-puti naman ang tyles ng sahig at napakalinis.
May dalawang painting ng kalikasan sa magkabilang gilid ng TV na medyo malayo-layo naman at mahabang sofa naman sa kaliwang side ng kwarto na katabi ng babasaging pinto veranda na nakabukas at kitang-kita niya ang labas.
“Lahat yata ng nasa bahay na ito ay mamahalin,” sabi niya sa sarili.
Tumayo at naglakad palaabas ng veranda.
May dalawang sofa na single doon at mesang babasagin na may vase at pulang bulaklak na buhay na buhay saka naglakad siya papalapit sa sementong balustre ng veranda at nanlaki ang mga mata niya sa nakita doon.
“Wow!” bulalas niya habang nakatitig sa magandang paligid na pinagmamasdan ngayon ng mga mata niya.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.