HINDI na nakasabay pa ni Giana kumain si Louie ganoon din ang mga kaibigan nito dahil naging abala ang mga ito sa ginawang trabaho sa opisina ng asawa niya kaya kasabay niyang kumain ang mga kasambahay habang ang asawa at mga kaibigan ay dinalhan na lang ni Mirasol at Ate Belen ng pagkain sa opisina ni Louie.
Matapos maghapunan at isang-oras na nakipag-usap sa kasambahay ay naisipan na ni Giana na pumunta ng kwarto niya at nag-half bath saka nagpalit ng pantulog na damit paglabas niya ng banyo sakto namang pasok ni Louie sa kwarto.
“Oh? Tapos na trabaho niyo?” usisa niya sa asawa.
“Hindi pa. Bukas naming itutuloy at sa kompanya na namin,” tugon ni Louie saka lumakad sa walking closet at kumuha ng pantulog saka pumasok sa banyo.
Si Giana naman ay kinuha ang lotion saka pinahid sa balat para ma-……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.