Terms of Use
NANG magmulat ng mga mata si Giana ay ang kwarto na naman iyon ang sumalubong sa paningin niya. Maliwanag sa labas ng bintana at amoy na amoy niya ang alcohol na amoy ng kwarto dahil hanggang ngayon ay nasa Ospital pa rin siya at talagang hindi na isang panaginip ang lahat ng nangyari sa kaniya nang gumising siya at may ibang taong kasama.
Paglingon ni Giana sa kabilang side ay nakita niya doon si Louie, ang lalaking sinasabing asawa niya. Hawak ang kamay niya habang nakasubsob sa kama at nakaupo sa upuan at mukhang himbing na himbing.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Giana at may hindi pamilyar na pakiramdam mula doon ang naramdaman niya habang nakatitig sa gwapong mukha ni Louie. Nahihiwagaan siya sa pakiramdam na iyon dahil unang beses pa lang niyang naranasan ang ganoong pakiramdam kaya naguguluhan siya ngayon.
“Bakit nagkakaganito ang puso ko habang nakatitig sa lalaking ito? Asawa ko ba talaga siya o pinagti-tripan lang ako ng mga taong iyon at ganoon na rin ang gwapong ito? Pero bakit naman nila gagawin sa akin iyon?” sunod-sunod na tanong niya sa isip.
Inalis ni Giana ang kamay niyang hawak-hawak ni Louie at napalakas siya ng kuha niyon kaya nadala pati kamay ni Louie at naalimpungatan ito sa ginawa niya saka unti-unting napatingin sa kaniya.
Mas lalong naging gwapo sa paningin niya si Louie lalo na at kitang-kita niya ang magandang mata nito.
“N-nagising ba kita? S-sorry,” kaagad niyang sabi.
Napahilamas ng mukha si Louie ng dalawang palad nito at nag-inat-inat pa bago muling tumingin sa kaniya.
“Naipit ko ba ang kamay mo? Sorry,” sabi Louie saka kinuha ang kamay niyang hawak nito kanina at hinilot-hilot. “Namamanhid ba?” tanong nito.
“H-hindi!” sabi niya at binawi ang kamay. “H-huwag mo akong hawakan,” hindi napigilang sabi niya dahil mas bumilis ang t***k ng puso niya sa pagdikit muli ng mga balat nila.
Sumeryoso bigla si Louie at kitang-kita ang makapal na kilay nito na nakasalubong na habang nakatingin sa kaniya.
“Mukhang maayos ka na ngayon at nasa normal ka nang pag-iisip,” anito saka tumayo at kumuha ng baso.
Lumapit si Louie sa water dispenser at kumuha ng tubig doon saka ininom nito.
“Nagugutom ka na ba? Kung hindi ka na makapag-antay sa pagkain dadalhin sa room mo ay bibili na lang ako ng breakfast natin,” sabi ni Louie nang humarap sa kaniya. “What breakfast do you want to eat?” tanong nito sa kaniya.
“Breakfast? Maaga na ulit?” tanong niya.
“Yes. It's seven o'clock in the morning,” tugon ni Louie sa kaniya.
“A-ano? Pero kanina lang ako pinatulog—“
“Kahapon iyon,” putol ni Louie sa sasabihin sana niya.
“H-hindi!’ bulalas niya. “Nagbuong maghapon at magdamag na pala ako rito. Siguradong nag-aalala na sila Mama at Papa sa akin,” aniya.
Napakunot ang noo ni Louie habang nakatingin sa kaniya.
“B-bakit ba talaga ako nandito?” tanong niya kay Louie.
“You had a car accident,” tugon ni Louie.
“Pero paano?” tanong niya.
Ang sinagot sa kaniya ng dalawang babae na una niyang nakita sa paggising niya ay ganoon din ang sinagot sa kaniya noong nagtanong siya. Na naaksidente siya sa sasakyan na minamaneho niya.
“You collide with a wall while driving your car. If you ask how that happened I also don’t know and you're the one who can answer that question,” tugon ni Louie sa kaniya.
“Wala akong alam. H-hindi ko alam,” nagugiuluhan niyang tugon.
“Don't force yourself to remember everything that happened to you during the accident. What matters now is that you are safe,” sabi ni Louie sa kaniya.
“Hindi mo ako naiintindihan,” aniya.
Napabuntonghininga si Louie saka lumapit sa kaniya.
“Magpahinga ka na lang ulit—“
“Hindi lang ang aksidenteng iyon ang hindi ko natatandaan,” putol niya sa sasabihin sana ni Louie.
“What do you mean?” tanong ni Louie sa kaniya.
“Ano ba talaga kita?” tanong niya kay Louie. “Sinasabi ng dalawang babae na nauna kong nakita nang magising ako na asawa raw kita pero hindi kita kilala—“
“I’m your husband, Giana! How come you don't know me?” tanong ni Louie sa kaniya.
“Hindi! Paano nangyari iyon samantalang hindi pa ako kailan man ikinakasal at sinabi ko na sa’yo na hindi nga kita kilala!” diin niya.
“You know me, Giana! You called my name yesterday!” naiirita nang tugon sa kaniya ni Louie.
“Dahil sinabi na ng dalawang babaeng iyon ang pangalan mo—“
“Stop calling my Mom and sister that way!” inis na sita sa kaniya ni Louie. “You don’t respect them especially my Mom!”
“Eh, hindi ko naman kasi kilala!” sigaw na niya. “Hindi ko kayo kilala kaya tama nang kakapilit mo na asawa kita!”
Inalis ni Giana ang kumot na natabing sa katawan niya saka bumaba ng kama at lalakad na sana palabas ng kwarto nang malapitan siya ni Louie at hawakan ang braso niya.
“Where are you going? You are not well yet and you still need to rest!” pigil nito sa kaniya.
“Magaling na ako! K-kaya p’wede na akong umuwi!” mataas ang boses na tugon niya saka inaalis ang kamay ni Louie na nakahawak sa braso niya. “Hayaan mo na akong umuwi sa amin. Tatawagan ko na lang sa telepono sila Mama—“
“Stop acting weird! You're not funny anymore, Giana!” inis na sita sa kaniya ni Louie.
“N-no, I am not weird acting,” tugon niya na lalong nagpakunot sa noo ni Louie.
Panay kasi ang salita ni Louie ng English pati tuloy siya ay nakakapagsalita ng salitang banyaga na sa tingin niya ay mali ang grammar niya.
“Bitiwan mo na lang ako. Uuwi na ako kasi baka nag-aalala na sa akin ang pamilya ko,” aniya.
“I am your family!” diin nito.
“Hindi! Ano ba? Bitawan mo na ako!” inis na sigaw niya saka nagpapalag pero humigpit lang ang hawak sa kaniya ni Louie at dahil mas malakas ito ay hindi siya makawala.
“Shut up!” saway ni Louie sa kaniya.
“Louie, please, gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang makita pamilya ko—“
“I said shut up!” galit na sigaw na ni Louie sa kaniya at gumalaw na ang panga nito sa galit saka lumabas na ang ugalit sa leeg nito.
Nakadama ng kaba si Giana dahil mukhang seryoso na talaga ang galit ngayon ni Louie at napalunok siya ng laway nang matalim na siya nitong tinignan.
“Palabas mo ba ito, Giana? Ano na naman ba ang plano mo ngayon at nagpapanggap ka na hindi mo ako kilala?” galit na tanong sa kaniya ni Louie.
Mapanganib.
Iyon ang nakikita niya sa mga mata ni Louie at sa galit sa boses nito. Na mukhang mapanganib na tao ang kaharap niya.
“Ano bang sinasabi mo? Totoo—“
“I know who you are, Giana! So stop this nonsense!” gigil na sigaw nito sa kaniya.
“Bitawan mo ako—“
“Don’t dare me, Giana! You know what I can do!” banta na ni Louie sa kaniya saka kinaladkad siya papuntang kama.
“Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!” sigaw niya pero hindi pa rin siya binibitiwan ni Louie kahit pinaghahampas na niya ng kamay niya si Louie na iniilagan naman nito.
“Stop!”
Hiwakan na ni Louie ang dalawang braso niya para matigil siya sa paghampas dito saka siya sapilitang inihihiga sa kama pero nagpapalag pa rin siya.
“Louie, nasasaktan na ako!” reklamo niya at mangiyak-ngiyak na siya.
“So, do what I said. Stop acting weird!” tugon nito.
“Hindi ako uma-acting lang. Hindi naman talaga kita kilala saka hindi pa ako kinakasal! Nineteen pa lang ako,” naiyak na niyang tugon.
“Nineteen years old? Talagang paninindigan mo ang kalokohan mong iyan, ha? Are you having fun to make my life miserable?
Naihiga na siya ni Louie sa kama at at nakataas ang kamay niya sa head board. Madiin ang pagkakahawak ni Louie sa dalawa niyang kamay habang puno ng poot itong nakatingin sa kaniya.
“Sa tingin mo ba mapapaniwala mo ako ngayon sa kalokohan mo? Minsan mo na akong naloko, Giana! At hinding-hindi na ako papaloko pa sa’yo!” gigil na sabi nito sa kaniya.
“Hindi kita niloloko. Bitawan mo ako!” sigaw niya.
“I said shut up! Or else—“
“Or else, ano? Sasaktan mo ako? Papatayin mo ako?” tanong niya. “Sige, subukan mo dahil isusumbong kita sa Papa at Kuya ko!” galit na sigaw niya.
“What the f*ck are you talking about?” gigil na tanong sa kaniya ni Louie.
“Ikaw ang manahimik at bitawan mo ako!” galit n autos niya. “Hindi ako titigil kakasigaw rito at patuloy akong magwawala kung hindi mo ako bibitawan at pakakawalan!”
Muli ay nagpapalag si Giana at ngayon pati ang paa na niya ay ginagamit niya para makawala sa asawa. Sinisipa na niya si Louie pero naiilgan naman nito.
“Tumigil ka na, Giana!” awat ni Louie sa kaniya.
“Bitawan mo ako! Baliw ka!” sigaw niya.
Dahil doon ay bumukas na ang pinto at Nurse ang pumasok na nilingon ni Louie.
“Help me and calm her down!” utos ni Louie sa Nurse.
“Yes, Sir,” tugon ng Nurse at lumabas na naman ito.
Mayamaya ay dumating na naman ang Doktor at may inilabas itong syringe galing sa bulsa saka tinanggal ang takip niyon at matulis na karayom ang tumambad sa kaniya.
“Calm down, Mrs. Montevasco—“
“Huwag niyong iturok sa akin iyan. Please!” sigaw niya at mas lalo siyang nagpapalag dahilan para hawakan na rin siya ng Nurse. “Pauwiin niyo na ako! Ayoko niyan!” sigaw niya.
“Iyang?”
Napahinto si Giana sa pagpapalag at napatingin sa nagsalita na kakapasok lang.
“Ma,” bulalas ni Louie.
“Mama,” tawag niya sa ina na pinuntahan na rin siya sa wakas. “Mama,” umiiyak na tawag niya muli sa ina.
Nilapitan siya ng Mama niya kaya binitawan na siya ni Louie at ganoon din ng Nurse saka mabilis niyang sinalubong ng yakap ang ina.
“Mama, mabuti at pinuntahan mo ako. Natatakot ako,” umiiyak na sumbong niya sa ina habang yakap-yakap ito.
“Huwag ka nang matakot, Iyang. Nandito na ako,” tugon ni Mama.
“Sasaktan niya ako, Mama,” sumbong niya.
“Iyang, walang mananakit sa’yo rito. Ang gusto lang nila ay gumaling ka,” tugon ni Mama saka humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.
Ngayon niya natitigan ang mukha ng ina na may kulubot na ang mukha at humahalo ang puting buhok sa itim na buhok. Napatingin din siya sa mga kamay ng ina na kulubot na rin na ipinagtaka niya.
“Bakit, Iyang? May problema ba?” tanong ng ina sa kaniya at nagtataka sa kinikilos niya.
Hinawakan niya ang pisngi ng ina na lalong ipinagtaka nito.
“Bakit nag-iba ang itsura mo, Mama? Bakit parang tumanda ka saka bakit nangayayat ka ngayon ng sobra?” nagtatakang tanong niya sa ina na may halong pag-aalala.
“Anak, ano ba ang pinagsasabi mo? Wala pa namang taon ang huli nating pagkikita pero kung makatanong ka ay parang napakatagal na nating hindi nagkikita? Saka matanda na talaga ako, anak,” mahinahong sabi ni Mama sa kaniya.
Niyakap niya ulit ang ina. “Gusto ko nang umuwi, Mama. Natatakot ako sa taong iyan. Pinipilit niya sa akin na asawa ko raw siya samantalang hindi ko naman siya kilala saka ang bata-bata ko pa para mag-asawa,” sumbong niya sa ina.
“You’re starting again!” inis na reklamo niya.
“Anak, ano ba ang pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ng ina saka humiwalay muli sa pagkakayakap sa kaniya.
“Parang gusto akong saktan ng lalaking iyan dahil ayaw niyang maniwala na hindi ko siya kilala,” tugon niya.
“I’m not going to hurt you!” mataas ang boses na tanggol ni Louie sa sarili dahilan para muling matakot siya.
Napatingin ang ina kay Louie saka muling tumingin sa kaniya.
“Hindi mo matandaan si Louie, anak?” tanong ni Mama sa kaniya.
Umiling si Giana saka tumingin sa mukha ng ina. “Naguguluhan ako, Mama. Sinasabi nila, niya na asawa ko siya p-pero hindi ko siya matandaan,” tugon niya.
Tumingin sa Doktor si Mama na punong-puno ng pag-aalala.
“Dok, bakit nagkakaganito ang anak ko?” tanong ni Mama sa Doktor na ikinakaba na niya.
Mukhang may kakaiba ngang nangyari talaga sa kaniya at kahit si Louie nang tignan niya ay nag-aalala na ring tumingin sa Doktor.
“You said, Doc, that it's normal for my wife to have a strange attitude because she experiences a coma. But is it also normal for her not to remember me?” tanong ni Louie sa Doktor. “I'm not the only one she doesn't remember but also Mama and Sab, and the current accident that happened to her,” dagdag ni Louie.
“We will check on your wife again, Mr. Montevasco, to find out what happened to her. All I can assure you of is that your wife is safe. There are times when this happens to a patient and it will only be known when the patient has woken up from a coma,” tugon ng Doktor kay Louie.
“Mama, may problema nga sa akin?” nag-aalalang tanong niya sa ina. “D-Doc, malala po ba ang kalagayan ko?” tanong niya rin sa Doktor.
Pinapakiramdaman niya ang sarili subalit wala naman siyang kakaibang nararamdaman.
Nilapitan siya ng ina at hinawakan ang kamay niya. “Wala, Iyang,” tugon ni Mama sa kaniya. “Ang sabi naman ng Doktor ay nangyayari talaga iyan sa mga pasyenteng dumaan sa pagka-coma kaya wala namang problema sa’yo,” dagdag ng ina.
“Pero, Mama. Iyang englisherong lalaking iyan?” Tinuro si Louie at nakatingin ito sa kaniya ng seryoso. “Kilala mo ba siya?” tanong niya.
Hinaplos ni Mama ang pisngi niya saka ngumiti pero may lungkot ang mga mata.
“Oo naman, anak, paanong hindi ko siya makikilala, eh, asawa mo siya?” tugon ni Mama.
“Pero ang aga ko naman nag-asawa. Nineteen pa lang ako s-saka baka magalit si Kuya Gio kasi pinag-aaral pa naman niya ako ng College tapos nag-asawa kaagad ako,” hindi makapaniwalang tugon niya.
Dumaan ang lungkot na emosyon sa mukha ng ina na ipinagtaka niya.
“Ang natatandan mo, Iyang, ay nineteen years old ka at pinag-aaral ka ng Kuya Gio mo?” tanong ng ina sa kaniya.
“Opo pero malapit na rin ako magbente dahil sa taong natatandaan ko, ay ilang-buwan na lang ay bente na po ako. At saka ang huli kong natatandaan ay pinag-uusapan namin ni Kuya Gio, na mag-enroll na ako para sa second semester ng second year sa kolehiyo tapos natulog na ako kasi gabi na at paggising ko ay nandito na ako sa kwartong ito saka may mga ibang tao na akong kasama at sinasabing naaksidente raw ako,” tugon niya.
Tumulo ang mga luha ng Mama ni Giana saka siya niyakap nang mahigpit. Nagtataka siya kung bakit naging ganoon ka-emosyonal ang ina at nang tignan niya si Louie aty seryoso lang itong nakatingin sa kaniya.
“Really?” bulong ni Louie saka ibinulsa ang dalawang kamay sa pantalong suot nito.
Hindi mabasa ni Giana ang emosyon ng mukha ni Louie pero sa tingin niya ay hindi ito natutuwa sa nangyayari sa kaniya ngayon. Hindi rin naman mukhang nag-aalala ang mga emosyon ni Louie habang nakatingin sa kaniya.
Iba ang nakikita niya at hindi niya iyon mawari.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.