NAGULUHAN si Giana dahil may babaeng nasa loob ng opisina ni Louie at parang may hinahanap ito sa cabinet ng mesa ni Louie. Mukhang hindi napansin ng babae na nandoon siya at nakatingin sa maingat na kilos ng babae at panay ang paghahanap sa loob ng cabinet saka may inilabas ito doon na isang wallet at binuksan iyon. Napangiti pa ang babae saka kinuha ang pera na laman ng wallet.
“Excuse me,” kuha niya sa atensiyon ng babae.
Nagulat ito na nabitawan ang wallet at hawak pa ang pera na sa tingin niya ang libo na napatingin sa kaniya.
“Ma’am Giana!” bulalas nito saka binitawan ang pera na hawak ng kamay nito.
Kilala siya ng babae at tinawag siyang Ma’am ibig sabihin ay isa ito sa tauhan ni Louie. Pero ang nakakapagtaka ay bakit nangingialam ito sa gamit ng asawa at pati wallet ni Louie ay pinakea……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.