“KAUSAPIN mo ang asawa mo, Louie. Siguradong nadudurog ang puso niya dahil sa nalaman na nawala ang anak niyo kaya nagkukulong na lang siya sa kwarto at halos hindi kumain,” sabi ni Nanay Cora kay Louie at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng matandan ganoon na rink ay Juana na nasa tabi lang.
Nasa dining area si Louie at maghahapunan mag-isa nang lapitan siya ni Nanay Cora at kausapin patungkol kay Giana, na ilang-araw nang hindi lumalabas ng kwarto ng namayapa nilang anak.
“Hayaan niyo lang siya, lalabas din iyan at magiging normal ulit,” balewalang tugon niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
“Nawalan na rin ako ng anak kagaya niyo at bilang ina higit na mas masakit sa amin na mawalan ng anak at parang gusto na naming sundan sila,” tugon ni Nanay Cora.
“Pero hindi kayo magkapereho ni G……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.