NANG sumapit ang alas-sais ng umaga ay dumating na si Louie at nang marinig ni Giana na bumukas ang pinto ng kwarto ay kaagad na bumangon siya saka tinignan ang asawa na pumasok na hindi man lang siya tinignan. Tumayo si Giana habang si Louie ay dumiretso sa walk-in closet at lumabas na ito na nakabihis.
“Louie,” tawag niya sa asawa subalit hindi siya pinansin nito. “M-may sasabihin sana ako. P’wedeng pakinggan mo ako,” hiling niya na may pakikiusap ang tono.
Narinig niya ang inis na buntonghininga ni Louie saka walang emosyon na tumingin sa kaniya at lumapit.
“Bilisan mo kung ano man ang sasabihin mo dahil wala akong tulog magtrabaho sa construction site,” sabi ni Louie sa kaniya.
Lumalagabog ang puso niya sa kaba dahil alam niyang magagalit si Louie kahit anong paliwanag niya pero kailangan ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.